Chapter 9: Jealous

22.6K 324 4
                                    

Chapter 9: Jealous


Harold's POV:

"Hannah!" tawag ko sa kanya ngunit hindi na nya ako nilingon.

Nagpumiglas naman sa pagkakahawak ko si Helena at galit na hinarap ako nito.

"Wag mong sasabihing susundan mo ang babaeng yun Harold! Sya itong nanggulo- "

"Can you please shut your mouth Helena?! Hindi ka na nakakatuwa and stop acting like a spoiled brat!" inis na sabi ko kanya.

Umirap lang ito at saka namaywang sa harapan ko. And now she is fuming mad at me.

"Wow! Ganyan ba talaga nagagawa ng babaeng yun sayo? Kahit anong agaw ko sya pa rin tong balik ko sa kanya? Bakit si Hannah pa rin?"

She was crying in front of me and I will blame myself because of this. I will take responsibility because of what happen. Kasalanan ko rin dahil hinayaan ko si Helena na maramdaman nya sakin to, Im so fucking dumb at hindi ko inisip na masasaktan sya sa mga mangyayari.

"Tapusin na natin kung ano man tong relasyon na meron man tayo Helena. Leave her at hayaan mo naman ang sarili mo na mabuhay ng maayos."

"You don't understand what im feeling right now. Halos ibigay ko ang lahat para lang magstay ka sakin Harold. And im not enough for you?"

Nilapitan ko naman sya at pinunasan ko ang luha sa mga mata nya.

"Im sorry Helena, sorry kung pinilit ko pa ang sarili ko sayo. Maganda ka, may pinag aralan ka at hinding-hindi ka magiging katulad nya. Marami namang lalaki dyan na alam ko na mas deserve sayo."

Niyakap naman ako nito at syang humagulgol naman ito sa harapan ko.

"Ikaw ang gusto ko Harold, ikaw lang. Oo magkaiba kaming dalawa pero kaya kong gawin lahat sayo. Bumalik ka na sakin please."

Tinanggal ko naman sya sa pagkakayakap sakin at saka ngumiti sa kanya.

"No... Don't do this..." pag mamakaawa nya.

"Sorry Helena pero mas kailangan ako ng asawa ko ngayon. Please leave a happy life without me." As I said bago ko sya talikuran.

Still naguguilty pa rin ako sa ginawa nya at handa kong pagbayaran ang mga kasalanang ginawa ko sa kanya. Pero kailangan ko munang ayusin ang problema naming dalawa ni Hannah.

Hanzelle's POV:

Kahit papaano napakalma ako ng milkshake na ito pagkatapos ng nangyari. Hindi ko ba alam kung uso rin ba yung magmove on na hindi kayo nung tayo? Ang hirap kasi sakin naging assumera ako eh eto tuloy ang napala ko.

Naglalakad ako ng makita ko naman si Hannah na nakaupo sa isang bench sa garden, agad ko naman syang nilapitan. Umupo naman ako sa gilid nya at inalok ang iniinom kong milkshake sa kanya.

"Try mo to para kumalma ka." Sabi ko sa kanya.

Namumugto naman ang kanyang mata ng lingunin ako nito at agad na kinuha ang milkshake na iniinom ko. Pansin ko naman na umiiyak naman sya habang iniinom yung milkshake at hindi ko rin maiwasang hindi maiyak.

"O bakit ka umiiyak?" tanong nya sakin at sabay punas sa luha nya.

"Umiiyak ka rin kasi kaya naiiyak na ko." Sabi ko sa kanya at pinunasan ko naman ang luha ko.

Ibinalik naman nya sakin ang milkshake na iniinom ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Sayo na yan parang mas kailangan mo yan." Sabi nya sakin.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now