Chapter 33: Issue

12K 199 3
                                    

Chapter 33: Issue


Hector's POV:

"Sir!"

Napalingon naman ako sa tumawag sakin at saka nagsalute naman ito kaya gumanti naman ako sa ginawa nya. Pansin ko naman na nagkakagulo sa loob dahil umiiyak yung isang matabang lalaki habang ginagamot nung medic yung sugat nya.

"Kamusta interrogation?" tanong ko habang patuloy akong naglalakad.

"Ayos naman po sir, nakuha na namin yung mga nakuha nilang alahas." Sagot naman sakin ni Rick.

Pumasok naman ako sa loob para kamustahin yung dalawang suspect at pansin ko naman na may black eye pa yung isa. Pambihira na Hanzelle to, ang sabi ko wag paiiralin ang init ng ulo pero ginawa pa rin.

"Ser ibang klase po pala yung kapatid nyo, akalain mo napakanta nya agad tong dalawa na to?" manghang sabi sakin ni Rick.

Napailing na lang ako at tumalikod ako dun sa kanila. Sa susunod talaga hindi ko ilalagay si Hanzelle dito at ikukulong ko na lang sya sa crime lab.

Pabalik na ako sa opisina ko at nakita ko naman ang girlfriend ko na nakatayo sa isang gilid at may bitbit na paper bag. Napangiti naman ako at agad na nilapitan sya at hinalikan sa pisngi nya.

"Oh, eto lunch mo." Sabay abot nya sakin nung paper bag.

Akala ko nag order na lang sya ng fastfood para sa lunch ko pero tinuloy nya pa rin ang pagluluto nya. Parang gustong bumaligtad na ng tiyan ko at papakainin na naman nya ako ng basura. Hindi ko naman sinabi na basura ang niluluto nya pero hindi mo kasi matatawag na pagkain. Pero dahil nga mahal mo ang isang tao kakainin mo na lang.

Dahan dahan ko namang kinuha iyon at saka alanganing ngumiti sa kanya.

"Sinigang na baboy yan mahal." Nakangiting sabi sakin ni Remie at kinuha ang paper bag sa kamay ko at inilabas ang dalawang baunan.

Napalunok naman ako ng makitang kulay ube ang sabaw nito pero ang sangkap pang sinigang talaga ang nagkaiba lang yung kulay ng sabaw. Langya ito na nga yung sinasabi ko.

"Sinigang na baboy, tikman mo dali." Aniya at inabot sakin ang kutsara.

Wala naman akong nagawa kundi ang kinuha ang kutsara sa kamay nya at saka tikman ko ito. Lasang sinigang naman sya pero parang mas gusto ko na lang kumain ng nakapikit para hindi makita kung paano nakakadiri ang itsura ng sinigang nya.

"Kamusta?" masayng tanong nya.

"Masarap... naman..." labas sa ilong na sabi ko sa kanya at tinuro naman nya ang isang karne na dun na kulay violet din.

Dyosko po sabi ko wife material, hindi mala master chef ang hinihingi ko.

"Tikman mo din to kung kamusta yung baboy." Sabi nya.

Sinandok ko ito at saka kinain yung baboy, malambot naman sya pero yung kulay lang talaga.

"Malambot yung baboy pero mahal, bakit kulay ube yang sabaw mo?" tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi ba maganda? Sinubukan kong lagyan ng food color yung sabaw para maganda tignan." Aniya habang nakanguso pa ito.

Pambihira.

Pinilit ko na lang kainin yun dahil ayoko naman na magwala na naman sya dahil hindi ko naubos yung luto nya. Naalala ko tuloy yung unang araw naming magnobyo pinagluto nya ako ng tempura na lasang pancake aniya gusto nya daw maiba yung lasa. Halos isuka ko na yung tempura nun sa cr at tinatawanan lang ako ni Hanzelle at sinasabihan akong under.

Fabricated HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon