Epilogue:

16.1K 217 23
                                    

Epilogue:

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday...Happy birthday to you!" at saka hinipan naman ni Yanna ang kandila.

Nagpalakpakan naman kami at saka humawak ako sa balakang ko. Medyo nahihirapan na akong gumalawa dahil masyadong malaki na ang tiyan ko. Feeling ko everytime manganganak na ako. Inalalayan naman ako ni Harold umupo at saka pinunasan ng icing ng cake si Yanna.

"Harold." Suway ko sa kany at dali daling kinuha ang tissue sa gilid ko.

Gumanti naman si Yanna sa ginawa ng kanyang ama kaya mas lalo ako napasapo sa ulo ko. Pambihira.

Inabutan naman ako ni Hanzelle ng juice at umupo sa gilid ko at nakita ko naman ang kamay nya na may nakasuot singsing kaya kinuha ko naman ang kamay nya at hindi nabot ang juice.

"What's the meaning of this?" tanong ko sa kanya at binawi nya ang kamay nya.

She placed her index finger to her lips at sinasabing wag ako maingay. Lumapit naman sya sa kin at bumulong.

"Nagpropose na sya sakin, wag ka na lang maingay kay kuya." Then she chucked.

Napamake face na lang ako at nakita ko naman na pinaglalaruan nila Harold si Yanna kaya lumapit kami sa kanila.

"Really Yanna? Sino yun?" natatawang sabi ni Henry sa kanya.

Lumapit naman si Remie at dala na ang inihaw nyang barbeque ngayon at saka lumapit kay Hector. It was a Sunny day at perfect day para magbonding kami. Gusto pa nga sana samin ni Harold na magpabirthday party ngunit ayaw naman ni Yanna at gusto nya lang na magpicnic sa ibang bansa.

Kasalanan ni Hanzelle to dahil sa kakapanood nya ng k-drama ayan nahawa na yung bata. Pero pinagbigyan naman naming ni Harold ang request nya kaya eto nandito kami sa Jeju Island sa South Korea para lang mag picnic. At nakanguso na naman ang anak ko dahil inaasar na naman ng mga tito nya.

"Bakit nakanguso na naman yan?" tanong ko at inalalayan naman ako ni Hanzelle para umupo sa nakalatang na mat sa sahig.

Hawak hawak ko ang suot kong hat dahil masyadong malakas ang hangin.

"Ang kulit mo naman kasi Harold hindi na nga baby yang anak mo. Nababalitaan ko na maraming nagkakagusto dyan kay Yanna." Sabi ni Henry na ngayon mas lalong ngumuso ang anak ko.

Napagdesisyunan naman naming ni Harold na ienrol na sya sa school bilang Grade 1 student at ayun excited naman sya kaya may nakakasalamuha na sya na mga bata.

"Didi wag ka dyan maniwala, it's just my friends." Sabi ni Yanna.

Lumapit naman si Remie at saka inakbayan ang anak ko.

"Ano namang masama kung may magkagusto sa kanya? Eh ang ganda ganda ng batang to." Pagtatanggol ni Remie sa anak ko at sinamaan nya ng tingin ang kanyang nobyo.

"Nako pre sasakit ang ulo mo sa anak mo hahaha." Biro ni Harold sa kanya at pabirong sinapak lang ito.

"Nakita ko pa nga may humalik sa pisngi mo nun. Ano nga ba ang pangalan nun? Yung Alexander- Aww!" napakamot naman si Henry sa ginawang pakurot ni Hanzelle.

"Isa ka pa, sige pagtripan mo pa si Yanna." Galit na sabi ni Hanzelle.

Napailing na lang ang mga lalaki at inabot ang bote ng soju sa kanila. Napatingin naman si Remie kay Hanzelle at saka tinuro ang kamay nito.

"Is that an engagement ring?" tanong nito.

Agad namang tinago ni Hanzelle ang kamay nya sa likod nito at pansin ko naman na sumeryoso ang tingin ni Hector sa kapatid at saka kay Henry. Sumipol naman si Harold kaya mahina ko naman siniko ito at saka sinaman ng tingin.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now