Chapter 20: Love at First Sight

13.5K 193 4
                                    

Chapter 20: Love at First Sight


Harold's POV:

Napatingin naman ako sa mag-ina ko na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko naman sila pareho bago ako umalis at malungkot na napatingin sa kanila. It's really hard for me na gawin to sa pamilya ko pero ito lang ang paraan para hindi sila mapahamak. I feel like I betray to my wife dahil sa ginagawa ko pero alam ko naman na nagtitiwala sya sakin.

Bumalik naman ako sa hospital kung nasaan naroon si Helena. Dr. Yu look at me sadly at hindi na nagsalita, I know he feel sorry for his daughter. Alam ko naman na kasalanan ko rin ito, dahil kung hindi ako pumayag sa desisyon ni Mama, hindi saan ganito ang mangyayari.

Lumayo na si Dr. Yu at tinapik na lang ang balikat ko bago ako pumasok sa loob. Ngumiti naman ako sa kanya para sabihin na ayos lang ako at kaya ko ito. Dr. Yu is a good father at alam ko naman na hindi nya gusto ang ginagawa ni Tita Selene at Helena. Pero pareho kaming walang ideya kung ano ang balak nilang mag-ina. Tanging pinaalala nya lang sakin na protektahan ko ang mga taong mahal ko.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko naman si Helena na tinatalupan ang orange. Bigla namang lumiwanag yung mukha nya ng makita nya ako kaya tumayo ito sa kanya kama at saka yumakap sakin. Tinanngal na ang dextrose nya sa kamay at mukhang ayos na rin ang kalagayan nya.

"Mabuti naman at bumalik ka." Aniya at saka inalok ako ng orange na binalatan nya.

Umiling naman ako para sabihin sa kanya na ayos lang ako at saka umupo naman ako sa isang gilid.

"Ayos na pala ang pakiramdam mo." Nakangiting sabi ko sa kanya at saka yumakap naman sya sakin.

"Syempre ayos na ang pakiramdam ko kasi alam ko nandyan ka na. You know ikaw ang happy pill ko." aniya ay saka sumubo ng isang piraso ng orange. "Hindi mo ba alam pinag uusapan ka ng nurse dito, sabi nila ang swerte ko sa future husband ko." dagdag nya pa.

"Helena..." tawag ko.

"Why totoo naman ah, tsaka sinabi ko rin dun sa nurse nung isang araw na clingy akong asawa at ayokong may babaeng umaaligid sa kanya. Baka kasi makapatay ako pag nalaman ko na may iba ang asawa ko." kwento nya.

Hindi ko ba alam kung biro yung sinabi nya o tinatakot nya lang ang nurser. I know Helena is a spoiled brat at alam ko na mahirap ipaintindi sa kanya ang sitwasyon ko.

"Helena you that im married-"

"Dati yun Harold pero mapapasa akin ka na ulit. You know I process the papers na para pwede ka ng ikasal sakin." Masayang sabi nya.

"Hindi ba nagpagusapan na natin ito? At pareho lang ang isasagot ko Helena, I love my wife." Sabi ko.

Nagiba naman ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Alam ko na masyado akong naging harsh sa sinabi nya pero hindi na sya bata para pagbigyan sa lahat ng gusto nya. And from the very beginning na hindi date ang pinaguusapan namin. And it's all about business.

"What do you think Harold? Sa palagay mo ba papayag ako sa gusto mong mangyari? No! Dahil sa akin ka lang!" she said at nagsimula naman syang umiyak. "Bakit? Im better than her! Tatanggapin mo pa rin yung pokpok-"

Ang before she finished her sentence, I slap her.

"Don't call my wife a whore, Helena." Galit na sabi ko.

"Why bakit hindi ba totoo? May anak sya sa ibang lalaki tapos pababalikan mo? Ang cheap mo!" sigaw nya.

"Kung sinusubukan mong siraan si Hannah sakin Helena nagkakamali ka. Mahal ko sya at sya lang ang gugustuhin ko! At hinding-hindi magiging ikaw!"

Fabricated HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon