Chapter 29: Grey-Eyed

13.4K 201 0
                                    

Chapter 29: Gray-Eyed


Henry's POV:

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas at hindi pa rin nagigising si Hanzelle. Tanging dasal na lang ako ginagawa ko para magising sya ulit. Pinagpapasalamat ko naman na kahit gaano karaming ang tama ng bala sa kanyang katawan ay binigyan pa rin sya ng pagkakataon na mabuhay.

Miss na miss na kita Hanzelle.

Nung una hindi sang ayon si Hector na bantayan ko ang kapatid nya ngunit kalaunan ay pumayag naman sya. Tanging pang aasar lang ang mga sinasabi nya sakin at isa sa laging nyang sinasabi na isa akong malaking tanga dahil nireject ko ang kapatid nya. Alam ko naman yun at hindi na nya kailangan ulitin pa kasi kung tutuusin ako ang tanga dahil hindi ko binigyan pansin ang pagmamahal nya na hinanap ko pa sa iba.

Pabalik na ako sa kwarto ni Hanzelle ngunit wala ang Hanzelle na hinahanap ko doon. Ang tanging naiwan doon ay ang dextrose na nakakabit sa kamay nya. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid at hinahanap kung nasaan sya at saka napalingon naman ako sa biglang sumulpot mula sa palikuran.

Nagpakurap kurap pa ako ng mata para dahil hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nakikita ko o naguguluhan.

"A-Anong ginagawa mo rito?" kinakabahang tanong nya.

Mariin ko naman syang tinignan at hindi maalis sa paningin ko ang pares ng mga mata nya. Her grey eyes that makes me feel nostalgia.

Si Hanzelle at yung grey eyed girl na hinahanap ko ay iisa?

"Henry? Ayos ka lang ba? Para nakakita ka ng multo dyan?" tanong nya ulit kaya bumalik ako sa ulira't

Winag-wag naman nya ang kamay nya sa harapan ko kaya inagaw ko naman ang kamay nya at saka pinalapit sakin. Napalunok naman sya sa ginawa ko at muli kong tinignan ang mata nya na ngayon ay nagpakurap-kurap sakin. Hindi iyon isang contact lense lamang kundi yun ang pares ng mga matang syang pumukaw sa puso ko.

"Grey ang mata mo?" tanong ko.

Nagulat naman sya sa tanong ko kaya agad naman syang kumawala sa pagkakahawak ko at tumalikod ito sakin.

"A-Ano babalik lang ako-"

Hindi ko na sya pinatapos sa sabihin nya kaya hinila ko sya papalapit sakin at hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

"Umamin ka nga sakin, ikaw ba yung babaeng naka bangga ko noon sa BGC?" tanong ko sa kanya.

"Bitiwan mo muna kaya ako, ang sakit kaya." Reklamo nya kaya tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanya.

Hinintay ko naman ang sasabihin nya sakin at saka ngumiwi ito.

"Oo ako yun." Pag amin nya at saka napayuko ito. "Ito talaga ang kulay ng mga mata ko at tinatago ko lang ito gamit yung contact lense." Aniya.

"Bakit?"

"Because I hide my true identity, dahil pag nalaman ng kalaban na kung sino ako hindi ko mapoprotekhan sila Hannah."

Iba ang Hanzelle na kaharap ko ngayon at sa Hanzelle na nakilala ko noon. Ang Hanzelle na kilala ko ay masayahin at clumsy pero ang makita sya sa harapan ko at seryoso hindi ko na sya kilala.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko.

Nagulat naman sya sa tingin ko at saka nilapitan ako nito. Nagulat naman ako ng kurutin nya ako sa braso kaya napadaig ako at saka ngumiti ito.

"Ako pa rin si Hanzelle Go, isa akong secret agent." pakilala nya.

Iisa lang ang masasabi ko ang astig nya.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now