Chapter 31: Mission

12.2K 177 0
                                    

Chapter 31: Mission


Hannah's POV:

"Ahm!"

"Ssshh!"

Tinanggal naman nya ang pagkakahawak nya sa bibig ko at nilingon ko naman kung sino iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko namang si Harold pala iyon. Kaya niyakap ko naman sya at saka tumingin sya sakin.

"Kasama ko na si Hannah." Sabi ni Harold dun sa device na gamit nya.

"Ingat dahil nandyan si Helena." Sabi ni Hanzelle.

Buti na lang may emergency lights na nakabukas sa at kahit papaano ay maliwanag ang dadaan. Paalis na kami sa dressing room at naririnig ko naman na nagpapanic yung mga tao. Pinindot naman ni Harold yung elevator para makalabas kami ngunit iniluwa naman nito ay si Helena na may hawak na baril kaya napa atras kami.

"It's nice to see you again my ex fiancée." Bati nya kay Harold

Itinago naman ako ni Harold sa likod nya habang pa atras kami sa kanya.

"Akalain mo nga naman na nabuhay pa pala ikaw Hannah Gonzales? Sabagay hind inga pala ganun kadali mamatay ang isang masamang damo." Sarcastic na sabi nya sakin.

Napalunok naman ako ng maraming beses at hindi alam ang gagawin ko. Shit naman!

"Maraming nakakalat na tauhan nila rito, palabasin na ang mga tao bago pa may madamay na iba." Rinig kong utos ni Hector.

Nagulat naman ako ng sipain naman ni Harold yung kamay ni Helena kaya tumilapon ang baril sa sahig. Galit naman tumingin si Helena sa kanya hanggang sa nakikipagbunuan si Harold sa kanya. Habang nabubunuan sila ay dinampot ko naman yung baril na hawak nya at saka itininutok ko sa ulo nya.

Napahinto naman sya at aakmang sisikuhin nya ako ng sipain naman sya ni Harold. Tumumba naman si Helena at hinila naman ako ni Harold palayo doon. Ngunit papalabas pa lang kami ng may nakakasalubong na kami na mga armadong lalaki kaya pinapaputukan naman iyon ni Harold. Halos nagpapatianod na lamang ako sa paghila nya sakin at kung may makakasalubong man kami ay papataaman nya ito.

Dinapot naman nya ang isang baril at saka inabot sakin yun isa kaya nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Harold hindi ako marunong gumamit nyan-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hinalikan nya ako sa labi.

"Kailangan mo iyan Hannah, please save our baby." Yun ang sabi nya kaya hinila nya ulit ako.

Dyosko pakirandam ko lalaking stant man tong anak ko dahil ngayon pa lang sumasabak ako sa ganitong klaseng gulo.

Nasa ground floor na kami at wala ng masyadong tao sa loob, nakikita ko naman na dumating na yung groupo ng SWAT para tulungan kami kalaban dun sa mga sindikato.

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong sakin ni Harold at tumungo na lang ako.

Nagpaputok ulit ng baril si Harold at nagtago naman kami sa isang kwarto. Pumasok naman kami sa loob at saka kinuha nya nag baril na hawak ko at hinalikan ako ng mariin. Agad naman syang humiwalay at saka tumingin sa mga mata ko.

Harold's POV:

"Dito ka lang at wag kang lalabas ok? Iputok mo yang baril pag may nakita kang kalaban." Sabi ko sa asawa ko.

"Pero paano ka?" nag aalalang tanong nya.

Ngumiti naman ako sa kanya para ipakitang ayos lang ako, kaya hinawakan ko ang mukha nya.

Fabricated HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon