Chapter 32: War

11.9K 193 3
                                    

Chapter 32: War


Hector's POV:

Happen before the incident

"Ano ba naman yang kamay mo kung saan saaan humawak, napakamanyak mo talaga!" inis na inis na sabi sakin Remie habag inaalis sa kamy ko sa bewang nya.

Napapangisi na lang ako at patuloy ako sa pang aasar sa kanya. Hindi pa naman nagsisimula ang fashion show kaya nandito ako at nakikipagusap sa iilang businessman na nasasalubong ko. Kanina pa sya galit na galit sakin dahil sa tuwing may kakausapin ako pinapakilala ko syang asawa ako. Halos sapakin na nya ako sa mga pinag gagawa ko sa kanya pero heto pa rin ako at tuwang tuwa syang naasar. Para kasi syang galit na mushroom pag inaasar. Maliit na nga sya dagdag pa na lagi syang galit.

Ang cute

"Oh Mr. Salvador! It's nice to you here!"

Lumingon naman ako sa kanyang at ngumiti, hindi ko naman sya kilala pero nginitian ko lang. Sa dami ba namang ng businessman sa bansa kailangan ko pa ba malaman kung sino sila? Nah, wala akong oras para dyan. Kung hindi nga lang ipapakilala sakin ni Hiro kung sino ang mga businessman na pinapakilala nya sakin doon ko lang malalaman.

"Pardon?" tanong ko sa kanya at umiling naman yung lalaki sakin.

"Neo Lee remember? One of your shareholders from Lee Corporation?" sabi nya na halos patanong at hindi sya sigurado sa sinasabi nya. "At hindi ko rin nabalitaan na nagseseryoso ka na sa mga babae ngayon." At saka tumaas sya ng kilay.

Napatingin naman sya Remie ngayon na nakasimagot na ito. Hinarap ko namang ulit yung businessman at saka ngumiti sa kanya.

"At nabalitaan ko rin na puro panganay ang anak mo? Is it true Mr. Lee?" tanong ko sa kanya.

Nakikita ko naman sa gilid ko na takahang tumingin sakin si Remie at saka umiling ito. Mamaya na ako makikipagdeal sa babaeng ito at tatapusin ko lang tong Neo na ito.

"Oh, that's too much personal question Mr. Salvador." Sabi nya at saka kumuha ito ng drinks dun sa waiter na may bitbit ng cocktail drinks. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang impormasyon na yan tungkol sakin."

Nagkibit balikat naman ako at inagaw ang iniinom ni Remie at binalik dun sa waiter.

"Anyways would you mind introducing that beautiful lady beside you?" sabi nya habang nakatingin kay Remie.

Iaabot pa lang ni Remie yung kamay nya ng bigla ko naman kinuha ito at pinagsalikop ang mga kamay namin. Pilit namnag binawi sakin ni Remie yung kamay nya pero hinigpat ko naman ang hawak rito.

"Well..." sabi ko at saka binitiwan ko na ang kamay nya at hinapit ang kanyang bewang palapit sakin. "This is Remie, my future wife, so back off."

At saka umalis kami sa harap ni Neo, nagpupumiglas naman si Remie sa pagkakahawak ko kaya inapakan nya ang paa ko gamit ang heels na suot nya. Pigil naman akong sumigaw dahil panigurado pagtitinginan kami ng mga tao sa paligid.

"Fiancee? Bakit hindi ko alam yun?" sarcastic na sabi nito.

"Bakit aarte ka pa?" sagot ko sa kanya at dinadaig pa rin ang sakit sa paa ko.

"Kaya mo ba ako dinala dito para isave yang ego mo? Tsaka mas may itsura pa yung Neo na yun kesa sayo." Inis na sabi.

"What did you just say?"

"Na alin? Mas gwapo yung Neo na yun sayo."

Napapikit naman ako sa inis dahil sa pagiging pranka ng babaeng ito sakin. Tangina! Eh mas lamang ako ng paligo dun sa lalaking yun!

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now