Chapter 28: Official

14.4K 213 0
                                    

Chapter 28: Official


Hector's POV:

Nagpapagaling pa rin ang kapatid ko at si Hannah sa resthouse. Napagdesisyunan ko na itago muna sila dahil habang naririto sila ay sigurong hindi titigil si Selene hanggan't hindi nya napapatay ang isa samin. Napakuyom na lamang ako sa galit dahil sa ginagawa ng mga Jaramilla pero kailangang ipunin ko ang galit na ito at ng maisagawa ko ng maayos ang misyon na ito.

Kinabukasan bumalik ulit ako sa Del Valle Corp. para pagaralan ang mga iilang pera na nawala sa companya nila. Napagusapan na naming ito ni Harold at pumayag naman sya sa desisyon ko at samantalang si Hiro naman ay tinutulungan ako sa mga taong nasa likod ng pagkamatay ng mga Gonzales. Nararamdam ko na malapit na ang hustisya samin at ito na ang magiging katapusan ng kasama ng mga Jaramilla.

Akon a ang panibagong Head Director ng Accounting Department at pinalitan naman ni Remie ang posisyon ko bilang Managing Director.

"Hoy Gabriel mag usap nga tayo."

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa opisina ko si Remie at hinihintay ang sagot ko.

"Speak." Tipid na sabi ko habang may hinahanap sa mga dokumento. "If you're asking for a date, sorry hindi ako available ngayon at sa ibang araw na lang." sabi ko.

"Wow! Ang lakas talaga ng bilib mo sa katawan mo ano?" masungit na sabi nya.

Tinignan ko naman sya at ngayon ay nakataas na ang isang kilay nito sakin. Ano na naman bang problema ng isang to.

"Umamin ka nga sakin, hindi naman Gabriel Arkanghel ang pangalan mo hindi ba?" at saka naglean naman sya sa lamesa ko at nilapit ang mukha nya. "Hector Salvador?" sarcastic na dugtong nya.

Lumayo naman sya sakin at saka ngumisi ito.

"Kung may binabalak kang gawing masama sa company ana ito. Let me tell you na ako ang unang titiwalag sayo." Sabi nya.

I tss at saka napailing na lang sa sinabi nya.

"Hindi ka lang pala amazona at stalker ka rin pala. Sige paano masasabing ako nga ang Hector Salvador na iyo-"

May kinuha naman sya sa kanyang bulsa at may inilapag sa lamesa ko, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang id ako na hindi ko namamalayang nawala palang. Tsk.

"Idedeny mo pa rin ba yang ebidensya na yan?" masungit na sabi nya.

"Kilala mo pala kung sino ako bakit hindi mo isinumbong sa head natin?" sagot ko.

Napalunok naman sya at saka umiwas ng tingin sakin.

"Hindi ko ugali ang manira ng may buhay ng may buhay. Marunong din akong makonsensya." Aniya.

Nagslow clap naman ako sa sinabi nya sakin kaya napatayo naman ako sa kinauupuan ko. Napangiti naman ako sa ginawa nya kaya nilapitan ko ito at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha nya.

"Bakit hindi ka makatingin sakin? At bakit mo naisipang sabihin sa akin ito?"

Inis naman nyang tinabig ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin nung mga oras na iyon. Pero alam ko na may ibang bagay kang ginawa kesa sa tinatrabaho mo. Sinabi ko lang ito sayo dahil ayokong malaman ng iba kung ano talaga ang pakay mo kung bakit ka narito."

"That's sweet..." at saka hinila ko naman sya papalapit sakin. "Hindi mo ba naisip na isang pagkakamali ang ginawa mo ngayon?"

Napaatras naman sya sa sinabi ko at nalaki ang mga mata nya sakin.

Fabricated HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon