Chapter 35: I Do

11.3K 183 7
                                    

Chapter 35: I Do


Harold's POV:

"Didi let's go!" anang Yanna habang hinihila ang kamay ko.

"Baby wait." Pigil ko sa kanya habang inaayos ko ang necktie ko.

Pagkatapos ko namang ayusin ang necktie ko ay hinawakan ko naman ang kamay ng anak ko. Kanina pa nag aayang umalis tong si Yanna at naiinip na sya. Isasama dapat sya ni Hanzelle pero hindi sya sumama dahil gusto nyang nakadikit lagi sakin.

"Can't wait to see Mimi later." She said habang inaayos nya ang kanyang buhok.

Lumuhod naman ako sa kanya at ngumit, pagkatapos ay binuhat ko ito. Maliliit kasi ang hakbang nya at bago pa kami makarating sa kotse malalate na kami. Nasa pwesto na ang lahat at ako na lang ang hihintay, sa totoo lang miss na miss ko na ang asawa ko kahit kagabi lang hindi kami nagkita. Ito kasing si Hiro nagbook ng hotel at sinabing kailangan na magkahiwalay kami ni Hannah ng isang gabi dahil kinabukasan ang kasal.

Nasa venue na kami at pinark ko naman ang kotse ko sa may gilid hawak ko naman ang kamay ng anak ko at agad naman akong sinalubong ni Hiro.

"Medyo malalate si Hannah at nahihirapan yung make-up artist na ayusan sya. Panay ang iyak dahil sa ginawa ko kagabi pambihira." At sabay napasapo naman ito sa kanyang ulo.

Mamaya magkikita din kaming dalawa ni Hannah at magkakaroon na rin ako ng pagkakataon na solohin sya mamaya.

Pumasok na ako sa simbahan at pumwesto na sa gilid ng pari, gusto pa sana ni Yanna sa tabi ko pero pinigilan naman sya ni Hanzelle kaya pumayag na ito. Nakaramdam naman ako ng kaba ngayon at alam ko naman na ito ang pangalawang beses na ikakasal ulit ako sa kanya. I can't wait to her walking in the aisle and say I do later.

Lumapit naman sakin si Hiro at saka bumulong naman ito sakin.

"She's here." Bulong nya.

Nagsimula na namang maglakad ang mga abay tulad ng nakasanayan sa isang tradition sa isang kasal. Perpekto naman ang panahon at tila masaya ang buong paligid. Nagulat naman ako ng bigla naman akong inispreyan ng pabango ni Hiro kaya agad ko naman ilayo yun.

"Anong ginagawa mo?" bulong na tanong ko.

"Pre kailangan mabango ka baka mamaya takbuhan ka ng kapatid ko pag hindi ka mabango."

Pabiro ko naman syang sinuntok sa braso at saka mahinang tumawa. Tumingin naman ulit ako sa mga mga abay at nakita ko naman si Yann ana tuwang tuwa sa bulaklak habang sinasaboy nya. Naalala ko tuloy na ayaw nya pang maging flower girl at gusto nya sya ang mag abot ng sing-sing samin ni Hannah. At buti naman ngayon pumayag sya at nakangiti ito sakin.

"Didi!" tawag nya kaya nagtawanan naman yung mga tao sa paligid.

Agad naman syang hinila ni Hanzelle at may binulong naman ito kaya sumunod yung bata. Napalunok naman ako habang dahan-dahan bumukas ang pinto at dahan-dahan itong naglalakad papalapit sakin.

Finally, she is here.

Hannah's POV:

"Sigurado ka ba maganda na ako? Baka hindi ako siputin ni Harold." Sabi ko kay Hanzelle habang tinitignan ko ang sarili sa salamin.

"Hannah, naiitindihan ko na emosyonal ka dahil buntis ka pero wag naman ngayon sa araw ng kasal mo." Sabi ni Hanzelle at inabutan ako nito ng tissue.

Tinignan ko lang si Mitch na mukhang may kausap sa phone kaya lumayo muna ito. Hindi nya kasi ako ma makeupan ng maayos dahil nacoconsious ako sa itsura ko.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now