Chapter 21: Argue

12.7K 193 2
                                    

Chapter 21: Argue


Hector's POV:

Napapailing na lang ako habang binabasa ang iilang files na nakuha ko sa opisina Matilda. Walang duda na ginagamit sya ni Selene Jarmilla para sa isang illegal transaction. Kung ano man yun? Yun ang aalalamin ko.

Pero base sa mga nakalap kong impormasyon, mula sa pagpirma ng cheque at document nito ay basta basta lang pinipirmahan ito Matilda hng hindi binabasa. Mukhang malaki ang tiwala ni Matilda dun sa Selene na ito at hinahayaan nya lang ito. At mukhang nahuhuli na ang bida haha! Pero syempre hindi ko naman hahayaan na mangyari yun t tulad na lamang ng napagusapan naming ay gagawin ko ang misyon ko. -feeling determined

Flashback:

Kasama ko naman si Hanzelle ngayon dahil pinagusapan naming ang susunod naming plano sa oras na mualit ang nangyari sa kanya sa mga bahay nung mga Gonzales. Inabot naman ulit sa kanya yung baril nya na pinaayos nya dahil alam ko na mas kailangan nya yun. Pinangatawanan na nga ni Hanzelle ang pagiging si Cottonmouth kaya napapailing na lang ako. Dahil masyado syang mahusay sa pang gagaya kay Mama.

Sa gitna ng paglalakad naming ay bigla namang may dumaplis na bala sa kaliwang braso ko akaya agad naman kaming napahiwalay ni Hanzelle ng pwesto at naglabas ng baril.

"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ng kapatid ko.

Medyo natouch naman ako sa pag aalalang tanong ni Hanzelle sakin akay nagthumbs lang ako at pinakita sa kanya yung sugat. Umirap lang sya sa ginawa ko at tumingnin sa taong nasa harapan namin.

"Wow, it's nice to see the both of you." Sarcastic na bati nya habang nakatutok ang baril saming dalawa.

Hindiko naman inaalis ang tutok ng baril kay Selene at ganun din ang kapatid ko. Buti na lang talaga at hindi nya suot ang contact lens nya at suot nya ang isa sa damit ni Mama.

"Hindi ko subok akalain na sa kabilang ng mga aksidenteng ginagawa ko sa inyo eh..." at saka tinignan pa mula ulo hanggang paa si Hanzelle. "Buhay ka pa rin? Totoo pala ang kasabihan nila na matagal mamatay ang masamang damo." At saka ngumisi ito.

Napataas lang ng kilay si Hanzelle sa sinabi ni Selene at hindi ito sumagot.

"Ano bang gusto mong mangyari Selene?" matapang na tanong ko sa kanya.

"Oww..." sabi nya at saka humawak sa dibdib nya na tila nasasaktan. "Dati Tita ang tawag mo sakin ngayon Selene na lang? Parang wala kayong pinagsamahan ng anak ko Hector." At saka humalakhak ito samin.

Lumapit naman ito samin ng dahan-dahan at dahan dahan din akong umaatras.

"Gusto kong mangyari? Simple lang. Ang parehong mawala kayo dahil malaki kayong sagabal sa mga binabalak ko."

Kinasa naman nya ang baril at pabalik-balik na itinututok saming dalawa ni Hanzelle yun. Pansin ko naman na napahigpit naman ang hawak ni Hanzelle sa baril nya at kating-kati ito na kalabitin na. Hininto naman ni Selene ang baril nya kay Hanzelle at saka ngumiti ito sa kanya.

"Tulad na lamang ni Cottonmouth or should I say Hera?" at saka ngumiti ito ng mtamis, pagkatapos ay itinutok naman nya sakin ang baril. "At Hector? Parang mas ok na unahin kita dahil mas malaking kang sagabal sa mga transactions ko. Medyo may complain na nga ako sa mga clients ko pero I send them my regards once I bring your head to them."

Tumawa naman ito samin at saka pinagluruan nya ang pagtutok ng baril saming dalawa.

"Is it exciting right?"

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now