Chapter 14: Kidnapping

16.4K 251 5
                                    

Chapter 14: Kidnapping


Harold's POV:

"Thank you!" masayang sabi ni Yanna sakin habang yakap yakap ang isang stuff toy ni spongebob at patirck na binili ko sa kanya kanina.

Nagkaroon kasi kami ng kasunduang dalawa na ako muna kunwari ang daddy nya ngayon araw at hindi ko na namalayan yung oras na kasama ko yung bata. Nasa loob ko naman sya ng kotse ko ngayon at nakatingin lamang ito sa bintana at saka tinuturo yung lugar kung saan sya dinadala ni Hannah.

"Im really afraid that Mimi will get mad on me." Malungkot na sabi nya sakin.

Alam ko magagalit si Hannah dahil ang tagal na nawala ni Yanna at hindi nya alam na kasama ko yung bata. Ako na lang ang magpapaliwanag para hindi nya mapagalitan tong bata mamaya, sadyang nasabik lang ako na makasama ko sya.

Papasok na ako ng subdivision nila ng mapansin ko naman na maraming pulis sa labas ng bahay nila. Sabay naman kaming bumaba nung bata at napansin naman kami nung katulong at nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Dyoko kang bata ka saan ka ba galing?" sabi nung katulong at hinahamplos ang mukha nung bata. "Hindi mo ba alam na ang iyong imong Mama ay kanina ka pa gihanap? Masisisante ako wala sa oras neto dyosko." Hikahos na sabi nung katulong.

Masamang tinignan naman ako katulong at hinila si Yanna playo sakin, binawi naman ni Yanna ang pagkakahawak nya sa Yaya nya at tumakbo pabalik sakin.

"What's wrong?" tanong ko.

Naiiyak naman tumingin sakin yung bata at niyakap ang binti ko.

"Nakakatakot si Mimi eh hindi kasi ako nag paalam kanina." Malungkot na sabi nito at saka kumapit sab inti ko.

Nagulat naman ako ng tutukan ako ng baril nung mga pulis mula sa likuran ko at nakita ko naman si Hannah at Hanzelle papalapit sakin. Hinila sakin yung bata at lalo namang umiyak si Yanna at lalapitan ko sana yung bata ng kumasa ng baril yung isang pulis.

"Subukan mong lumapit sa bata at ipuputok ko to sa tumbong mo." Maangas na sabi nung Pulis sakin.

Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko at tumingin sa kanila.

"Walanghiya ka Harold, bakit kailangan kong kunin yung anak ko? Sabi na nga may binabalak kang hindi maganda samin." Galit na sabi ni Hannah sakin.

Kunot-noo naman akong napatingin sa kanila at ibinaba ko ang kamay kong nakataas. Pambihira.

"Teka nga Hannah, anong kukunin ko sayo?-"

Hindi na ako pinatapos magsalita ng hawakan ako ng dalawang pulis sa magkabilang braso. Hindi pa rin nahinto si Yanna sa pag iyak at nagpatuloy naman ako sa pagpupumiglas dun sa dalawang pulis.

"Inaaresto ka ni Harold Del Valle sa salang pagdukot mo sa anak ni Ms. Gonzales." Sabi nung isang pulis sakin.

"Teka nagkakamali kayo ng hindi ko dinukot yung bata, namasyal lang kami." Paliwanag ko.

"Wag ka na maraming satsat Mr. Del Valle, sa presinto ka na lang magpaliwanag." Sagot pa nung isa.

Bigla naman tumakbo palapit si Yanna sakin at niyakap ako mula sa binti. Lumapit naman si Hannah at pilit na tinatanggal ang kapit ni Yanna sakin.

"Didiii!!!" sigaw nya.

"Yanna bumitaw ka na-"

"I hate you Mimi! I hate you!" she cursed.

Nalungkot naman si Hannah habang tinitignan ang bata sa binti ko. Binitiwan naman ako nung dalawang pulis at binuhat ang bata saka niyakap ito. Iyak lang ito ng iyak at nakakapit lang ito sa leeg ko.

"Yanna halika rito..." galit na tawag ni Hannah.

"No! I hate you!" sigaw nya lang.

Tumingin naman ako sa mga pulis samin at saka pinunsan ko naman ang luha ni Yanna.

"Shh... Wag ka na umiyak hindi na nila ako kukunin." Alo ko dun sa bata.

Humihikbi pa rin ito at nakayakap sakin. Napailing naman yung isang pulis at saka tinalikuran kami. Lumapit naman yung isang matabang pulis at ibinalik kay Hannah yung picture na hawak nya.

"Mukhang mali yata kayo ng inakala misis. Aalis na kami mukhang nasayang rin lang ang pagod namin rito." Sabi nito.

Hinahabol naman ni Hanzelle yung mga pulis ngunit tuluyan ng umalis ito. Napatingin naman ito sakin at saka masungit akong tinalikuran. Tumingin naman ako kay Hannah na ngayon ay naluluhang nakatingin samin dalawa.

"Harold..." malungkot na tawag nya sakin habang tinitignan kaming dalawa ni Yanna.

Ngumiti naman ako sa kanya at inabot ko kamay nya gamit ang kaliwang kamay ko.

"Im sorry kung nag alala ka tuloy." Paghingi ko ng tawad sa kanya.

Umiling-iling naman ito sakin at hinawakan ang kamay ko. Binawi ko muna sa kanya yung kamay ko at pansin ko na nakatulog na si Yanna sa balikat ko. Ngumiti naman si Hannah at hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha ng aming anak.

"Pumasok na tayo sa loob." Aya nya at saka sumunod na lang ako sa kanya.

Hanzelle's POV:

Hiyang-hiya ako dahil sa mga nangyari ngayon, oo para kasi kaming tanga ni Hannah kanina kung saan hahanapin yung anak nya. Yun pala kasama lang ni Harold at mukhang nagbonding yung dalawa! Grabe na nga lang yung iyak ng bata habang inaaresto nung pulis si Harold kanina. Siguro kaya kami pinapapunta ni Hector kanina sa toy kingdom kasi nandoon silang dalawa.

Aish! Minsan kasi tong si kuya hindi na lang sabihin ng diretso hindi yung paiisipin pa kami. Tsk.

Bumaba naman ako sa kwarto ko at nakita ko naman si Yanna naglalaro ng chess kasama ang kanyang ama. Sinilip ko naman mula sa kusina si Hannah na ngayon ay nagluluto na ng hapunan. Nilapitan ko naman yung dalawa at mukhang seryoso silang nandito.

"Del Valle bakit ka nandito?" tanong ko kay Harold.

"Tita Hans don't be so rude to Didi." Mataray na sabi nito.

"Paano mo nasabi na sya si Didi mo aber?" mataray na sagot ko rin sa kanya.

"Mimi told me." Tipid na sabi nya at saka tinumba nya ang isang cheese piece ni Harold.

Napakit-balikat na lang ako at saka tinalikuran silang dalawa. Daig pa nila yung may match sa sobrang seryoso nilang maglaro. Pinuntahan ko na lang si Hannah sa kusina at pansin ko naman na grabe yung pag squeeze nya dun sa lemon.

"Nakakainis talaga!" aniya.

"O ano naman yang drama mo?" tanong ko at saka dumukot ng keso ngunit tinapik naman ni Hannah yung kamay ko.

Nakamaywang naman akong hinarap ni Hannah at kinunutan ko lang sya ng noo.

"Nagseselos na ako dun sa dalawa eh, simula nung ipakilala ko sa kanya si Harold ayun di na umalis sa ama nya." Reklamo nya at saka inilagay ang susunod na sangkap dun sa pinapakuluan nya.

"Kung makikita mo lang yung dalawa sa salas, hindi ka makakarelate dun dahil seryoso silang naglalaro ng chess." Sabi ko ngunit kibit balikat lang ang sinagot nya sakin. "Pero alam mo nakakatuwa silang tignan na dalawa. Hindi ka ba masaya na may daddy na yung anak mo?"

Napahinga naman ito ng malalim at saka ngumiti sakin.

"Masaya ako, pero nag aalala lang ako dahil baka mas lalong mapahamak si Yanna." Nag aalalang sabi nito. "Pero kailangan kong harapin yun at ipaglalaban ko ang karapatan ng anak ko."

Lumapit naman ako sa kanya at saka hinawakan ang kanyang balikat.

"Wag kang mag alala kakampi mo ko." Sabi nya at saka ngumiti ako sa kanya. 

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now