Chapter 13: Lost

16.9K 240 6
                                    

Chapter 13: Lost


Harold's POV:

Malungkot ko naman na tinitignan ang larawan ni Yanna sa harapan ko. At paulit-ulit lang na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ni Hannah sa sakin kanina.

"Hindi mo ko naiintindihan Harold, kahit sabihin ko sayo na nagdadalang tao ako noon alam ko hindi ka babalik. Pasenya na kung itinago ko ang lahat ng ito sayo, ipapakilala ko sya sa susunod pag maayos na ang lahat."

Im such a dumb at hindi ko man lang pinaglaban sila noon, naging duwag ako sa responsibilidad ko sa kanila. At hinayaan ko ang sarili ko na magpaalipin sa mga pinaguutos ni Mama sakin noon. Alam ko na naging tanga ako ng iwanan ko sya para sa ikaangat lang ng kumpanya namin. Alam ko na naging makasarili ko sa mga kagustuhan ko at ito ang sukli sa ng lahat ng kasalanan ko.

"Sir may nagpapabigay ng document na ito sa inyo. Hindi ko na po binuksan dahil mukha confidential ang laman." Aniya at saka inilapag ito sa harapan ko.

Ngumiti na lamang ako bilang pasasalamat at tinalikuran na ako ng aking secretary. Binitiwan ko muna yung larawan at saka kinuha yung envelope. Binuksan ko naman ito at hindi ko maiwasang hindi manlaki sa mga nababasa ko. Isang DNA result kay Yanna at sa akin, at agad ko namang dinial yung number ng secretary ko.

"Kilala moba kung sino yung nagpadala ng document na to?" tanong ko.

"Pasensya na sir pero hindi nagpakilala kung sino basta sinabi lang na iabot ko lang po sa inyo."

"Sige salamat..." at saka ibinaba ko ang tawag.

Hindi ko naman maiwasnag hindi mapangiti habang nakikita ang resulta ng DNA test result nito.

POSITIVE

Walang kaduda duda na anak nga naming ito ni Hannah.

Hindi na ako nagdalawang isip na umalis at para punatahan si Hannah sa kanila. Alam ko naman na hindi ako kakausapin ni Hannah pero hihingi na lang ako ng tulong kay Hiro para makausap ko lang ang anak ko.

Mabilis naman akong nakarating sa kanila at nakatayo lang ako sa harapan ng bahay nila. Pipindutin ko na sana ang doorbell nila ngunit...

"Hi mister! May balita ka na sa Didi ko?" tanong nya habang nagmamadali lumapit at saka binuksan ang gate nila.

Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap ko ito. Ganito pala ang pakiramdam ang mayakap ang isang anak tila nawala ng pagod ko sa buong mahapon.

"What's wrong?" inosenteng tanong nya.

Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang maliit na balikat nito.

"Gusto mo sumama sa kin? Pupuntahan natin yung Didi mo." Sabi ko sa kanya.

Nagtatalon naman sa harapan ko yung bata at hindi nagdalawang isip na sumama sakin. Pero di bale na ibabalik ko naman sya mamaya, sa ngayon gusto ko lang makasama ang anak ko. Pinagbuksan ko naman sya pinto ng kotse at pumasok naman ito sa loob. Sumunod naman ako sa loob at pansin ko naman na nahihirapan syang isuot yung seatbelt kaya tinulungan ko naman sya.

"Thank you!" masayang sabi nya.

Ngumiti naman ako at excited na excited naman sya na makita ang sinasabi kong Didi nya. Alam ko na mali ang gagawin kong ito pero susubukan kong magpakilala sa kanya hangga't maari.

"Ready?" tanong ko sa kanya.

"Yes!" masayang sagot nya at saka pina andar ko ang kanyang kotse.

Hector's POV:

Nakaupo naman ako sa aking swivel chair at pinagmamasdan ang mga DNA sample na nakuha ko kay Helena. Alam ko na alam na ng mga Jaramilla ang tungkol sa anak ni Hannah na si Yanna pero hindi sila sigurado kung anak nga ba ito ni Hannah Kay Harold. Dahil sa oras na lumabas na anak nga ni Harold si Yanna sigurado tapos na ang maliligayang araw nila.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now