Chapter 3: The Monster

29.6K 430 15
                                    

Chapter 3: The Monster


Hannah's POV:

"Please come back to me my wife."

Ang mga salita na yun...

Kailangan ko pa bang maniwala sa kanya? Hindi. Hindi pwede. Paano kung pakulo na naman nya ito? Wag ka ng magpakatanga Hannah gagamitin ka lang nya ulit.

Pero tangina lang ang weak ko talaga dahil umiiyak ako sa harapan nya. He tried to wipe my tears pero hindi ko sya hinayaan na gawin yun.

"Harold naman! Ilang taon kang nawala sa tingin mo ba magagawa pa kitang balikan pagkatpos ng lahat ng nangyari satin?"

"I know, I know Nana. But here... trying my best to be with you again. If you give me another chance, I promise na hinding hindi na kita sasaktan."

"You know what? Its hard for me to trust you again Harold. Kung pwede lang itigil mo na ito dahil wala na akong nararamdaman sayo. Excuse me." Sabi ko sa kanya at saka binuksan ko yung kotse para umalis.

Nang makalayo na ako sa kanya tanging hagulgol ko na lamang ang naririnig ko. There is a part of me na gusto ko na maniwala sa sinasabi nya at merong part na hindi na dapat ako magtiwala dahil mauulit na naman ang nangyari sakin. I just want him to learn his lesson na hindi lahat ng babalikan nya ay babalikan sya. At isa pa tapos na ako magpakatanga sa kanya.

Bakit kasi kung kalian maayos na ako tsaka pa sya bumalik?

"Mimi saan ka ba galing? Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?" sermon ng anak ko sakin.

Hindi ko namalayan na nasa van na pala ako at nakapamaywang ang anak ko. Ngumiti naman ako at saka lumuhod para magkasingpantay kami.

"Yanna sinabi ko wag kang lalabas at maraming monsters dy- Oh Nana bumalik ka pala nabalitaan ko kay Harold na- "

I placed my index finger to my lips at sinasabing wag nyang sabihin dahil narito si Yanna.

"Hehe sabi ko nga babalik na ko sa loob." Sabi ni Hanzelle at saka bumalik sa loob ng van.

Tumingin naman ako sa anak ko at hinaplos ko ang kanyang buhok. Kunot-noong tumingin naman sakin si Yanna kaya kinurot ko ang kanya pisngi.

"Mimi that's outchie!"

"Sorry baby, halika bili tayong ice cream para hindi na galit ang Yanna ko." Sabi ko.

Hinawakan naman ng anak ko kamay ko, ngumiti naman sakin si Yanna.

"Hanzelle iuwi mo na lang tong van, aalis muna kami ni Yanna." Sigaw ko at nagthumbs up lang sya bilang sagot.

Hanzelle's POV:

Hindi ko alam kung saan na naman napa away tong si Nana, paano napakataray kasi. Kaso ang kwento naman sakin ni Harold na may babaeng biglang bumuhos sa kanya nung tubig. Susundan ko sana kaso wala namang maiiwan dun kay Yanna. Kung nagkataon na nandun ako edi sana natulungan ko pa si Nana.

Alam ko naman na hindi ayos si Nana ngayon dahil sa pagbabalik ni Harold. At sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang alam paano nakapasok ulit si Harold dito sa university. Kailangan ko tuloy magdoble ingat at baka maulit na naman ang nangyari ng nakaraan.

"Hans nakita mo ba si Nana?"

Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita si Henry na may hawak na tshirt. Hindi ko naman maiwasang hindi magselos. Alam ko naman nung umpisa pa lang na si Hannah talaga ang gusto nya at minsan natanong ko na rin ang kaibigan ko kung may nararamdaman sya kay Henry. Inassure naman sakin ni Nana na wala syang feelings kay Henry at tanging kaibigan lang ang tingin nya rito.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now