Chapter 26: Help

12.4K 190 4
                                    

Chapter 26: Help


Henry's POV:

Nagpupunas naman ako ng basa kong buhok habang nagbbrowse ako sa social media ko ng bigla namang may tumawag sa cellphone ko. Medyo naiinis pa ako kasi naudlot yung panonood ko ng meme sa facebook dahil sa tawag. Nanlaki naman ang mata ko ng tumawag sakin si Hanzelle kaya agad ko naman itong sinagot.

"Hello." Bungad na sabi ko.

"Tito Henry help..." at narinig ko naman ang hikbi ni Yanna sa kabilang linya.

"W-What happen Yanna?" nag aalalang tanong ko.

"Mimi and Tita Hans is hurt, please help us."

"Ok hintayin mo nandyan na ako."

"Tito Hen- AHHHHHH!!"

Kinabahan naman ako sa nangyari kaya hindi na ako nagdalawang isip at dali dali kong kinuha ang susi ng kotse ko at saka pinaharurot ito papunta sa bahay nila.

Tangina sana walang mangyaring masama sa kanila.

Hannah's POV:

"Tito Henry- AHHH!" napakapit naman ako ng makita ko naman si Helena na hiniklat ang kamay ng anak ko.

Nakita ko naman sa gilid ko na wala ng malay si Hanzelle kaya sinubukan kong gumalaw at kinuha ko ang baril at itinutok ito kay Helena na duguan ito. Kinakabahan akong itinutok kay Helena ang baril at nanatakot ako na baka tamaan ang anak ko.

"Napakapakilamera mo talagang bata ka! Gusto mo bang sumunod sa nanay mo ah?!" sigaw nya habang tinututukan nya sa leeg si Yanna.

"H-Huwag... Please parang awa mo na... maawa ka sa anak ko." nanghihinang sabi ko kay Helena.

Bigla naman itong umiyak habang mahigpit ang hawak nya sa baril at anak ko.

"Maawa? Halos nawala na sakin ang lahat! Nang dahil sa batang to! At ikaw! Wala na ang nagmamahal sakin, pati ang Mama ko nawala na sakin! Sa palagay mo maawa ako sa inyo? Kayo ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sakin ngayon!"

Napalunok naman ako habang tinitiis ang hapdi at sakit na nararamdaman ko.

"Mahal na mahal ko si Harold pero anong ginawa nya sakin? Pinagtabuyan nya ako at bumalik sa inyo! Wala ba akong karapatan maging masaya?" galit at may halong lungkot na sabi nya.

"H-Helena please... Pakawalan mo ang anak ko... Pakawalan mo sya... Sayong sayo na si Harold basta pakawalan mo lang ang anak ko..." pag mamakaawa ko.

Umiling-iling naman ito sakin at umiiyak lang ito. Alam ko nagmahal lang din sya at pareho naming mahal si Harold. Hinihiling nya na suklian ang pagmamahal ni Harold sa kanya pero hindi. Kung ito lang ang paraan para mailigtas ang anak ko gagawin ko.

"Hibang ka na ba? Ibibigay mo sakin ang asawa mo kapalit ng anak mo?" natatawang sabi nya.

Nagnod naman ako at saka ngumiti sa kanya.

"S-Seryoso ako Helena, sayong sayo na sya kung iyon lang ang kailangan mo." Sabi ko.

Pansin ko naman na naging balisa sya at nakarinig naman ang tunog ng ambulansya sa labas. Dali dali naman nyang binitiwan si Yanna at saka nilapitan ang ina. Akay-akay naman nya ang kanyang ina habang tumatakas sila. Nanghihina naman akong binaba ang baril at umiiyak na lumapit sa kin ang anak ko.

"Ayos ka lang ba anak?" nanghihinang sabi nito.

Hindi naman ito sumagot umiiyak lang ito, ngumiti naman sa kanya ako.

"Hannah! Hanzelle!" rinig ko sigaw nung isang lalaki.

Napalingon naman ako sa lalaking papalapit samin kaya ngumiti ako.

"Sir wala ang trace ng suspect dito." Sabi nung isang pulis.

"Hanapin nyo baka hindi pa sila nakakalayo!" utos naman ng isang pulis sa kanila.

Ubos na ang lakas ko at naging naririnig ko na lang ay ang pabalik-balik na yapak ng mga tao at ang pagiyak ni Yanna sa gilid ko. Pansin ko naman na binuhat ako ng isa sa dalawnag nurse at inilagay ako sa isang stretcher. Nanghihina naman akong tumingin sa anak ko at saka nawalan ako ng malay.

Henry's POV:

Nagmamadali naman akong pumasok sa loob kasama ang mga pulis at napansin ko naman na magulo ang paligid. At napalingon naman ako sa aking gilid ng makita ko ang duguang si Hannah at Hanzelle sa gilid. Agad ko naman silang nilapitan at ganun din ang mga pulis, umiiyak lang si Yanna habang nanghihing tumingin sakin ito at nakangiti lang.

"Mimi! Mimi!" hikbing iyak nung bata habang nakayakap sa ina.

Agad naman may lumapit na mga nurse samin at inilagay sa stretcher si Hanzelle na ngayon ay duguan. Napalunok naman ako sa kalagayan nya at hindi ko naman maiwasang hindi mapamura sa nangyari. Tangina nagsisi ako na sana nagpumilit na lang ako samahan sila at hindi na humantong sa ganito.

Inilagay na nila si Hannah sa stretcher at dali dali naman itong isinakay sa ambulansya. Binuhat ko naman ang batang si Yanna na ngayon hinihingal na sa kakaiyak kaya nilapitan naman kami ng nurse at binigyan sya ng agarang lunas.

Napatingin naman ako sa kotseng kararating lang at nakita ko naman si Hector na Harold na nagmamdaling lumapit samin. Kaya inis naman akong tumayo at agad na sinuntok si Harold at mukhang nagulat naman sy dahil sa ginawa ko.

"ANO? MASAYA KA BA NA NAKIKITANG GANITO ANG SITWASYON NG ASAWA'T ANAK MO? NAPAKAGAGO MO HAROLD PARA LOKOHIN MO ANG ASAWA MO!" galit na sabi ko at dadambahan ko pa sana sya ng suntok ng bigla naman kaming inawat nung dalawang pulis.

"NAPAKAWALANG KWENTA MO TANGINA KA! NANG DAHIL SAYO NAPAHAMAK SILA!" sabi ko.

Hindi naman sumagot si Harold at nakita ko naman na sinenyasan naman ni Hector yung dalawang pulis na isakay kami sa mobile. Isa pa tong lalaking to! Pinabayaan si Hanzelle! Tangina makakapatay talaga ako!

"Sir kumalma po kayo at sa persinto na lang po kayo mag usap ni sir." Sabi sakin nung pulis.

"Putcha pakalmahin nyo yung mukha nyo!" galit na sabi ko habang binabawi ko ang braso ko.

Sumama naman kaming dalawa ni Harold sa mobile at sinamaan ko pa rin sya ng tingin. Nakakatangina talaga parang wala man lang silang pakialam sa nangyari dun sa dalawang babae. 

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now