Chapter 8: Mine

21.4K 338 5
                                    

Chapter 8: Mine


Hanzelle's POV:

Ringggggg!

Nagmamadali naman ako sa dahil malalate na ako sa pagpasok. Kanina ko pa kasi hinihintay si Nana sa bahay at hindi pa ito nag aasikaso. Kung hindi pa bumaba yung kapatid nya at sinabing hindi ito makakapasok ay hindi ako makaka alis agad. First time ko lang papasok na mag isa ngayon hayss.

Sa pagmamadali ko hindi ko inaasahan na mababangga ko si Henry, nahulog ang mga dala ko at agad ko namang dinampot ito. Inabot naman nya sakin ang mga napulot nya at saka nagthank you na lang ako bago sya tinalikuran. Sa pagtalikod ko nilingon ko naman sya at ngayon ay naglalakad palayo sakin, gusto kong maiyak dahil inignore na naman nya ako.

Hindi naman masakit friend.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa unang klase ko ngayon araw at naghahabol dahil baka malate ako sa long quiz namin. Brace yourself Hanzelle, makakalimutan mo rin sya.

Nang makarating na ako sa classroom sakto naman ang pagdating ng dumating na yung prof namin. Hindi ako prepared sa quiz and im sure na mababa ang makukuha ko dahil hindi ako nakapagreview. Aasa na naman ako sa stock knowledge na imposible na meron ako.

Mahiggit isang oras bago natapos ang long quiz naming, feeling ko deserve ko ng milkshake ngayon dahil na drain ang utak ko sa kapipiga ng sagot. Nakakaloka lang dahil iba sa mga quiz ko hinulaan ko na lang, wala namang masama kasi minsan nakakachamba ako haha.

Papunta n asana ako sa canteen para bumili ng milkshake ko ng bigla naman ako sinalubong ng nag mamadaling si Hannah. Pambihira, akala ko ba hindi papasok ang isang to?

"Akala ko ba hindi ka papasok? Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.

"Naalala ko kasi mag quiz tayo kay Ma'am Lim eh, teka tapos na ba kayo?" tanong nya.

"Oo tapos na pumunta ka na lang sa faculty." Sagot ko.

Nilagpasan naman ako ni Hannah at nagmamadaling pumunta sa faculty room. Napailing naman ako at bumalik na naman sa sya pagiging Hannah na kilala ko noon. Mataas ang araw ngayon at mahangin kaya bagay na bagay ang milkshake sa araw kong ito. I deserve to be happy despite of na lagi akong nirereject ni Henry.

Hay nako si Henry na naman Hanzelle.

Napailing iling na lang ako at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Walang masyadong estudyante sa labas dahil oras pa ng klase iilan lang ang mga nasasalubong kong nasa labas. Welll ang tahimik rin kahit papaano at nakakapagisip isip ako ng maayos.

Sa paglalakad ko nakarinig naman ako ng isang malakas na pagbasag ng salamin. Dal ana in ng curiosity ko hinanap ko naman kung saan nag mula yung nabasag na yun. At laking gulat ko ng makita ko si Henry na nakakuyom ang kanyang kamao at nagdudugo pa ito, dagdag pa ang mga salaming basag na nagkalat sa paligid. Agad ko naman syang nilapitan at kinuha ko ang panyo sa bulsa ko.

Kukunin ko sana yung kamay nyang bawiin nya ito sakin. Napatingin naman ako sa kanya at tila namumula ang kanyang mata dahil sa pagiyak.

"Y-Yung kamay mo Henry." Sabi ko na lamang at pilit na kinuha yung kamay nya.

Binawi nya ulit yung kamay nya at saka lumayo sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong nya sakin.

"Nagkataon lang na nakita kita dito, nakarinig kasi ako na may nabasag na gamit-"

"Umalis ka na rito." Pagputol nya sa paliwanag ko.

Fabricated HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя