Chapter 1

22.8K 649 220
                                    


" Camilla, dinig mo ba ang balita?" tanong ni Amor. Tumigil pa ito sa pangunguha ng mga ligaw na bulaklak para lang humarap sa akin. 

Bahagya lang akong sumulyap sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong balita ang ibig niyang sabihin. Sa dami kasi ng mga kinukwento niya sa akin hindi ko na maalala kung alin dun ang tinutukoy niya.

Si Amor ang una kong naging kaibigan dito. Scholar din siya ng mga Sandoval at parehas kami ng paaralang pinapasukan. Education ang kinuha niya dahil gusto niya daw maging guro, habang ako naman ay nursing dahil gusto kong magtrabaho sa hospital. Isa pa nagagandahan ako sa mga nurses lalo na kapag naka-uniporme na ang mga ito kaya gusto kong gumaya.

Andito kami kami ngayon sa mababang bahagi ng burol. Hindi na kami tumuloy doon sa taas dahil natatakot akong baka bumalik na naman yong lalaking kulay asul ang mata at magpakita sa akin. 

Hanggang ngayon hindi ko pa makalimutan ang ginawa niyang pagkukunwari. Takot na takot pa naman ako noon, yun pala nagpapanggap lang pala siya. Ilang beses pang dumampi ang labi ko sa labi niya para buhayin siya pero iba naman pala ang nabuhay sa kanya. Gago talaga. Sana nga natuluyan na lang ang gagong yun. 

Sino ba kasi yon? 

Isang linggo na akong nagmamasid sa mga trabahante dito sa hacienda pero hindi ko talaga ito makita. Sa pagkakaalam ko naman walang sinumang napapadpad dito sa hacienda ng mga Sandoval maliban sa mga trabahante at mga bisita ng mga may-ari dito.

Sana nga bisita lang ito para hindi ko na ito makita. Magnanakaw na lalaki. Ninakaw pa sa akin ang first kiss ko. Kainis!

Pero wait lang,  pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking yun. Hindi ko lang masyadong maalala kung sino dito sa hacienda ang kamuka niya dahil sandali ko lang naman nabistahan ang mukha niya nung nakadilat na ang mga mata niya sa akin. Pero kapag nakita ko ulit ang mukhang yon sigurado akong makikilala ko ito dahil ilang gabi niya din akong binagabag sa panaginip ko. Yong kulay asul niyang mga mata ay paulit-ulit na nagpapakita sa akin, na katagalan ay naiisip kong nakatingin na ito sa akin kahit natutulog ako.

That's so creepy...Bigla kong naramdaman na nanayo ang mga balahibo ko. Bakit ba kasi kahit sa pagtulog dinadalaw niya pa rin ako? Hindi naman siguro yon maligno or engkanto dahil may maligno bang nangangabayo?

Isa pa sa nagpapabagabag sa akin ay yong sinabi niyang hinalikan ko daw siya. Excuse me lang sa kanya! Hindi ako ang naghalik sa kanya, kundi siya. Hindi lang basta halik, dinilaan niya pa ang labi ko. 

Yuck! Kadiri talaga ang lalaking yon. Akala niya siguro ikina-gwapo niya yong kalokohan niya sa akin. Kung alam ko lang na nagkukunwari lang pala ang lalaking yon ako na mismo ang lumunod sa kanya doon sa ilog. 

Apaka bastos! Siya na nga yong tinulungan, ninakawan niya pa talaga ako ng halik. Hindi lang basta halik dahil first kiss ko sana yon. 

Bwisit siya! Naiinis ako sa kanya. Wag lang talaga siyang magpakita sa akin at ipagkalat na akong nanghalik sa kanya kundi tatagain ko ang... ang talong niya.

"Camilla, nakikinig ka ba?" Nakangusong tanong ni Amor sa akin. Siguro kanina pa ito nagsasalita at napansin niyang hindi ako nakikinig sa kanya. 

Malaya akong nakahiga sa damuhan habang nakatingin sa malawak na kalawakan habang ninamnam ang simoy dala ng hanging panghapon mula dito sa tambayan namin ng kaibigan ko.

"Ano ba yan? Kanina pa ako nagdadaldal dito wala naman palang nakikinig sa akin." reklamo niya pa pero tinawanan ko lang. Ganyan naman si Amor kunwari nagtatampo pero ito din naman ang hindi nakakatiis kapag hindi niya 'nai-ispluk' according to her ang mga chika niya.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now