Chapter 34

11.2K 603 331
                                    

"Do you know that since you were small, among the three of you, ikaw ang may pinaka malambot na puso sa inyong magkakapatid?" my mom said combing my hair using her fingers. Tumingin ako sa kanya saka umiling. " Noon pa man kapag nag-aaway kayo ng ate Betty mo ikaw yung nauunang magsabi ng sorry. Kapag si Ate Betty naman at si Kuya ang nag-aaway ikaw yung gumagawa ng way para sila magkabati. Ayaw mong nag-aaway kayong tatlo kahit maliit man na bagay. Gusto mo palagi kayong masaya."

That's true. Noong bumalik ang alaala ko, hindi man lahat tungkol sa kabataan namin. Yan ang una kong naalala. Ang away bati namin ni Ate Betty at Kuya Grady. 

"When you're taken away from us, that's when I saw how your brother really blamed himself. He's been crying for years. Kahit malaki na ang kuya mo, minsan pumapasok nalang yan bigla sa silid namin ng daddy mo at doon umiyak. Hindi niya man sinasabi kung bakit siya umiiyak pero dama ko ang sakit na nararamdaman niya.  Kaya hindi ko rin masisisi si Grady kung ganun ang naging reaction niya kay senyora."

I know and I understand kung ano man ang nararamdaman ni Kuya. Ilang beses ko din itong nahuhuling iniiyakan ako sa gabi kapag siya ang nagbabantay sa akin. 

Hindi ko alam  kung paano niya nalaman ang mga pinagdaanan ko. Wala akong binanggit sa kanya tungkol sa nangyari sa amin sa mansion ng mga Sandoval. I kept everything to myself dahil alam ko na lalong lang magagalit si Kuya at yun nga ang nangyari. 

"Nung nawala ka sa amin pakiramdam namin ng daddy mo kami ang pinaka walang kwentang mga magulang. We kept working for you not knowing na lahat ng paghihirap namin ay mapupuntang lang pala sa wala dahil hindi man lang namin naprotektahan ang anak namin. Kung meron mang dapat sisisihin sa mga nangyari sayo,  sa inyo ng mga kapatid mo, dapat kami yun ng daddy dahil naging pabaya kaming magulang."

Umiling ako kay Mom. Hindi totoong wala silang kwentang mga magulang. Noon paman kahit palagi silang wala alam ko kung gaano nila kami kamahal. Wala silang kasalanan, kung may sisisihin man yun ang mga taong gumawa ng masama sa pamilya namin.

"I'm so proud of you, Yeyen." nabasag ang boses ni Mommy. Hindi man ako tumingin sa kanya alam kong umiiyak na ito ngayon. "You really have a big heart princess, despite all the heartaches, the pain, the trauma you've been through, naniniwala ka paring may kabutihan ang bawat tao. I know how painful and hard it is for you. You've been abused, you've been hurt physically, mentally and emotionally pero wala kang ginawa para makaganti. You have all the means, you can tell your brother what do you want to them but you never did."

Nagsimula ng mangilid ang luha ko. Gaano man kasakit ang mga nangyari sa akin, may mga salita man akong nabitawan para gumanti, pero alam ko, dama dito sa kaibuturan ng puso ko na hindi ako magiging masaya kapag gumanti pa ako. Wala na rin namang magbabago. Nasaktan na ako. Ang sakit na naranasan ko ay hindi mababayaran ng kahit anumang pagpapahirap ko sa mga gumawa nun sa akin. Wala ng silbi pa para gumanti ako.

Tama na sa akin na napagbayaran ng mga demonyong Jayson at Selmo yun ang mga kasalanan nila sa akin. Ang hustisya na hinahangad ko para kay Lolo Ignacio ay nakamit ko na rin. 

Sa mga nangyari naman sa akin sa hacienda ng mga Sandoval, oo masakit, pero nangyari na ang nangyari. Hindi ko na mababago ang lahat. Parte na ito ng buhay ko, masakit man ang parteng yun pero isa ito sa humubog sa akin kung ano ako ngayon. Naging malakas ako dahil sa mga nangyari. Hindi din namanpuro masasama ang nangyari sa akin doon. Naging masaya naman ako noong nabubuhay pa si Lolo at higit sa lahat may dumating na biyaya sa buhay ko. Ang aking mga anak.

"It's not the first time I talked to Mrs. Sandoval. I know what she did to you, siya mismo ang nagsabi sa amin ng Daddy mo. That time she begged to us, she kneeled in front of us. Gusto ka niyang  makausap para humingin ng tawad pero ako na mismo ang hindi pumayag. Sariwa pa ang sugat, sariwa pa ang sakit na binigay niya sayo at alam kong mahihirapan ka lang.  Kahit ako hindi ko siya kayang harapin pero bilang isang tao, bilang isang ina, hinarap ko siya kahit gaano pa kasakit ang ginawa niya sa anak ko."

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now