Chapter 45

13.7K 535 389
                                    

"Will you stop coming near my wife, Caleb Lexus?" mababa pero may banta ang boses ni Gaston. Kahit di nakakakita matalas talaga pakiramdam niya. Alam niyang nakalapit na si Caleb sa tabi ko at umakbay pa sa akin.

Andito ang triplets dahil sila ang sumama kay Papá at senyora para sa check up. This week na ang operation nilang dalawa. Naghihintay na lang ng araw para maayos ang lahat. 

"Ang init ng ulo mo, Kuya. Pagkatapos kung bantayan tong bituin mo, ngayon susungit-sungitan mo lang ako?" kunwari nasasaktan pa itong humawak sa kanyang dibdib. " Kuya, that's unfair! That's really unfair. Ipapa-tulfo na talaga kita." nang-aasar pa itong tumawa sa kuya niya. Sinubukan akong hilahin ni Caleb palayo kay Gaston pero inambahan siya ng suntok nito. 

"Don't you dare show your face to me Caleb Lexus, once I get my sight back. Mabalik lang talaga  paningin ko, ikaw ang uunahin kong targetin." Hinila niya ako palapit sa kanya. "Come here, Star. Don't let that fucker touch you." hindi ako sumagot pero nangiti ako.

"Joke-joke lang kuya ah, daw si others ka balá. Nagapangamusta lang tana ta kay Bituin ah. Syempre, bff ko ni yah. Ako tana guardian angel sang bebelab mo, dapat gani pasalamat kapa sa akon."

[Joke lang kuya, para kang others. Nangangamusta lang kay ako kay Bituin. Syempre bff ko ito. Ako pa nga ang guardian angel nitong bebelove mo, dapat nga magpasalamat ka pa sa akin.]

"How many times I need to tell you stop calling my wife, Bituin? She's not your star, Caleb Lexus. Go and find your moon. Hindi yung nakiki-bituin ka sa asawa ko. Nakakainis ka na. " masungit na sabi ni Gaston sa kapatid pero tumawa lang si Caleb. Lalo pang nang-aasar. Parang isip bata talaga.

"Hala si Luna!" dinig kong sabi ni Cleopatra sabay turo sa unahan. Sabay kaming lahat napalingon doon maliban kay Caleb.

"Ay oo si Luna gid. Hala sin-o ng upod niya? Amo guro ng nobyo niya, Bal?" [Ay oo si Luna nga. Hala sino ang kasama niya? Yan siguro ang boyfriend niya, Bal?] si Cairo naman ngayon ang nagsalita, kausap si Cleo.

 Muli kong tiningnan kung sino ang pinag-uusapan nila pero wala naman akong makitang tao doon. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanilang dalawa pero nagmake face lang ang mga ito at nginuso sa akin si Caleb na biglang naging seryoso pero hindi pa rin nakatingin. 

Ngumiti ako sa kanila. Gets ko kung anong gusto nilang ipaabot sa akin. 

"Ah, yeah. She's pretty." komento ko kahit wala naman akong nakikitang babae doon. Magkasalubong ang kilay ni Caleb na tumingin sa akin na para bang hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bibig ko. Ngumiti ako sa kanya, sabay turo kunwari doon sa babaeng sinasabi nina Cairo pero tinaasan niya ako ng kilay. "Ang ganda niya Lexus. Morena at matangkad, papasang modelo. Siya bah?" tanong ko. Nakita ko ang pinipigilang tawa ni Cleo at Cairo.

"What's her name again, Cooper? Bagay sila ni Caleb noh? Siya ba? " Pero bago pa makasagot si Cleopatra nauna ng tumalikod si Caleb papunta sa kabilang direksyon ng hindi man lang nagpapaalam. 

Sabay kaming tatlo nagkatawanan ng kapatid niya. Kung makaasar siya grabe, ngayong nagantihan sobrang pikon naman.  

"Bro, joke lang! Walang Selene, 'to naman ang pikon." Tawag ni Cairo pero tinaasan lang siya ng middle finger ni Caleb, di man lang lumingon. Diri-diritso itong lumakaad palabas. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay pang nagkibit balikat. 

"Hala kayo!" sabi ko sa dalawa pero tinawanan lang nila ako. Gusto ko sanang tanungin kung yung Luna na sinasabi nila ay ang nanay ni Wyatt pero pinili kong wag nalang at baka isipin pa ng kambal na chismosa ako. 

"Who's that, Nanay?" malambing na tanong ni Gaston sa akin sabay hila sa aakin palapit sa kanya. Hinalikan niya ang gilid nag ulo at pinirmi ang mga labi doon. Nakita ko ang mapanuksong tingin ni Cleo at Caleb sa akin at sa Kuya niya.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now