Chapter 6

11.6K 444 150
                                    

"Camilla apo, may pinadala ang Senyorito Gaston." Tumigil ako sa pagtutupi ng mga damit pagkarinig ng pangalan niya. 

Ilang araw ko na itong hindi nagpapakita dito sa amin. It's not that it's his obligation to show up here pero hindi ko alam parang may kulang.  Kahit na wala naman ginagawa ang senyorito kundi ang asarin at kulitin lang ako.

Dati wala naman akong pakialam, kaya nga wala akong masyadong kaibigan dito sa hacienda dahil wala ring nagkakalakas loob na dumalaw sa akin maliban kina Longlong at Jepoy. Pero ngayon pakiramdam ko talaga may kulang simula nung hindi na siya nadalaw dito sa amin.

Nung araw na naligo kami sa ilog, hinatid niya lang ako pauwi pero after nun hindi na ito nagpakita sa akin. Hindi na rin ito pumupunta at nanggugulo dito sa bahay sa tuwing umaga kaya hindi na kami nagkita. Naging busy din ako dahil pumunta akong university nitong nakaraan para magpa-enroll. 

"Ano po yun, Lo?" tanong ko. 

Si Lolo ay nasa harap ng salamin kanina pa sinusuklay ang bagong gupit niyang buhok. Naglagay pa ng pamada si Lolo kahit gabi na.  Pormado pa  na parang  may pupuntahang baylehan sa kanto. Saglit itong humarap sa akin saka muling binalik ang tingin sa salamin. 

 "Fresh milk, nandun sa ref, baka gusto mong uminom kumuha ka doon. " napairap ako at muling bumalik sa pagtutupi ng mga damit namin ni Lolo. Bakit pinapabigay niya kay Lolo kung dati siya naman naghahatid dito? Ganun ba talaga siya ka busy para hindi ito maibigay sa akin? Tsaka gabi na baka sumakit pa tiyan ko kakainom ng fresh milk. Mapurga na nga ata ako sa dami ng gatas na pinapadala niya dito sa akin eh.

"Inumin mo apo, ah. Baka masira yun. Ang dami ng  gatas sa ref." Paanong di dadami kung isang araw lang ang pagitan ng pagpapadala niya sa akin?

 Sinulyapan ko si Lolo, maypa-sideview pa ito ngayon, tinitingnan ang porma niya sa salamin. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Parang nagbibinata si Lolo Ignacio sa ayos niya ngayon. 

 "Wag mo kalimutan apo, sinadya pa naman yun ni senyorito kanina dun sa niyugan. Busy yun, pero dinaan niya pa talaga sa akin."

"Opo, Lo." labas sa ilong kong sagot. May panahon siyang ihatid sa niyugan pero dito sa bahay wala. Bahala nga siya sa buhay niya. Kung ayaw niyang pumunta dito e di wag. Maybe he's just playing around at natauhan na nung na-real talk ko dun sa kubo. 

"Nga pala pumunta daw si senyorito dito sa bahay kanina, pero hindi ka daw niya nakita. Umalis ka ba?" Kumunot ang noo ko kay Lolo. Natigil pa ako sa pagutupi ng damit at tumingin sa kanya mula sa salamin pero nagkibit balikat lang ito. "Yun ang sabi niya sa akin kanina pagkababa sa pick-up niya. Mukhang bad mood pa nga eh."

Bad mood? Bakit siya mabab-bad mood eh hindi naman kami nagkita? Dito lang din naman ako kanina sa bahay paanong hindi kami nagpang-abot? Tsaka si Jepoy lang naman ang pumunta dito kanina. 

"Bakit pala hindi kayo palaging magpang-abot ni senyorito Gaston? Palagi daw siyang dumadaan dito pero palagi ka ding wala."

Lalong kumunot ang noo ko kay Lolo. Paanong di kami magpapang-abot eh dito lang naman ako sa bahay maliban lang nung nagpaenroll ako. Si Jepoy lang naman ang palagi kong bisita dito.

"Bukas na umaga baka dadaan yun dito. Sige na alis muna ako." tumango lang ako kay Lolo. Iniisip ko pa rin kung paanong hindi kami nagkita ng senyorito na dito lang naman ako sa bahat. 

"Pahingi palang ng tatlong bote, apo. May bibigyan lang ako." Hindi na ako nagtanong kung sino dahil alam kung para iyon kay Aling Edna. Kaya siguro nakaporma ang lolo ngayon dahil aakyat ng ligaw. Wala akong problema doon, byuda naman si Aling Edna at mabait din. Kung magkakasundo sila ni Lolo ayos lang sa akin. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now