Chapter 48

12.7K 588 397
                                    

Ay nag pangutana (shhh) Wa nay daghang storya

Day ali diri, sabak daddy bi (aye)!

Sabak daddy bi (aye)!

Sabak daddy bi (aye)!

Ito ang tugtog nadatnan ko pagkapasok sa room kung saan nag-rerecover sina Mamá at Papá kasama na rin si Gaston na ngayon ay naghihintay na lang na tanggalin ang benda sa mga mata. 

Nasa pintuan palang ako dinig ko na ang malakas na tawa ni Papá Gideon at Mamá Beth na nanood sa mga apo nilang sumasayaw. Si Hera at Ameeya ang nasa unahn, bibang biba at ayaw pakabog. Sa gitna si Castor at Wyatt  na handa ring makipagsabayan at sa likod ang dalawang mahiyain at tahimik na sina Athena at Pollux na mukhang napipilitan lang. 

Sa pinakalikod ng mga bata ay ang mga Tito at Tita  nilang isip bata si Caleb, Cleopatra at Hunter na game din nakikipagsabayan sa pagsayaw at pagkanta sa kanila. At kung hindi ako nagkakamali si Caleb ang nagturo sa mga ito dahil bago umuwi sina Kuya William nung dumalaw sila kay Gaston nakita kong nagpapaturo si Caleb dito.

Si Gaston Pierre 'luluhuran' Sandoval naman a.k.a boy dakma,  na sobrang  mainipin ay kulang na lang hilahin ang mga araw para matanggal ang benda sa mga mata niya. Nakabusangot ito ngayon, mukhang may kaaway sa utak niya. Nakaupo sa sofa katabi ng kama ni Papá at magkasalubong ang mga kilay. 

May dinidilaan itong ice cream at nakakunot ang noo. Kahit sa pagdila mukhang badtrip pa pero in fairness ang hot niyang tingnan doon. Para siyang nagmomodelo ng ice cream sa ibang paraan. Ang sarap nung pagkadila niya dun sa ice cream,  parang may halong panggigigil.

Parang ang sarap tuloy magpadila ng tilapya...No! Bakit umabot sa tilapya? I mean ng ice cream pala, yes ice cream, kasi yung ang dinidilaan niya ngayon.

Sana ol ice cream.

Shit! Seriously Yllena? Kailan pa naging malandi yang utak mo?

 Utak lang ba talaga? Pero bago pa kung saan-saan makarating ang malanding utak ko agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at baka ako mapapaluhod na naman ako ng wala sa oras. 

Yes mga mga luhuran at pagsambang ganap in between. Syempre amin-amin lang yun ni Gaston. Alam niyo naman, hindi pa ready for reconciliation ang Kuya Falcon Grady ko. Mahirap na at baka maunsyami pa. Pero thanks goodness at nanganak ang asawa nito ngayon kaya walang mga paandar ang Kuya. Silent and behave Ibon ito ngayon, takot mabinat ang asawa niyang mahilig sa pick up lines. 

"Bituin, Ay!" mabilis niyang tinakpan ang bibig. "...Camilla pala." tawag ni Caleb na siyang unang nakakita sa akin. Kumaway pa ito na parang bata. 

"Kuya G! Andito na ang star mo, wag ka nang bugnutin. Uyyyy happey na yern?"  Pagtingin ko kay Gaston ang kaninang nakabusangot niyang mukha ay biglang umaliwalas. May gumuhit pa na ngiti sa kanyang mga labi ng umayos ito ng upo. 

Naks! Ang pogi ng tatay Gaston ah. Parang kanina lang ang sungit-sungit ng mukha tapos ngayon biglang naging behave na Grade 1, Section-1. May pa ngiti-ngiti pa. Pogi talaga nitong maligno ko. 

"Kanina pa yan naghihintay sayo, Cam. Kung di pa namin yan napigilan baka sumugod na yan doon sa clinic mo." si Cleopatra na humalik sa akin. Ngumiti ako sa kanya sabay abot nang box na pinaabot sa akin nung personal bodyguard niya.  "Thank you, Cam. Cheesecake to pinabili ko sa kanya dahil nagke-crave ako." sabi niya kahit di naman ako nagtanong. "Wag kang maingay kina Kuya ha na sa kanya nanggaling, alam mo na, OA ang mga yan. Kala mo naman fifteen years old lang ako." umirap pa ito kaya natawa ako sa kanya. 

"Don't worry your secret is safe with me." mahinang sabi ko sa kanya sabay kindat. Pinamulahan ito ng mukha bago tumalikod bitbit ang cheesecake niya. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now