Chapter 13

9.4K 442 126
                                    

Each passing day is like a living hell. I was traumatized. I don't have proper sleep. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko bumabalik lahat ng mga masasamang nangyari sa akin. Nararamdaman ko ang haplos ng mga demonyo. Kahit sa aking pagtulog hinahabol nila ako. Naririnig ko ang mga halakhak nila.

Ilang beses kong sinubukanag kitilin ang buhay ko pero hindi ako nagtatagumpay. I don't want to live this miserable life anymore. I hate that I was born. I hated myself, I hated my body,  I hated my face. I hate everything about me. I want to end this fucking life. 

Para na akong mababaliw. Wala na akong ganang mabuhay. Ayokong makakita ng tao. Ayoko ng may kumakausap sa akin. Konting kaluskos lang pakiramdam ko may mangyayari na sa akin. Feeling ko mamatay na ako. 

I wished, I really wished to be gone. I prayed for that everyday. I prayed for that every night. But the next morning I am still alive. I don't know why I am still alive. I don't deserve this life. I don't deserve myself. 

Araw-araw, gabi-gabi, walang pinapalagpas. Nagigising ako dahil sa malalakas ng tawa ng mga demonyo sa utak ko. Naririnig ko ang boses nila. Nararamdaman ko ang mga haplos nila. 

Minsan nagigising akong sinasakal ko ang aking sarili. Punong puno ng pawis ang aking katawan. Hinahabol ko ang aking paghinga. 

Hanggang kailan ako magiging ganito? 

Ilang araw, buwan o taon pa ba ang paghihirap ko? Bakit hindi Mo nalang ito tapusin?

Nagsisimula na namang manlabo ang mga mata ko dahil sa aking mga luha. 

"Why did you allow this to happen? Of all the people bakit ako pa? Anong kasalanan ko sayo?!"

I was crying hard questioning Him. I poured out all my emotions.  I was crying non -stop asking blaming Him for my miserable life. 

I believed in him pero ngayon hindi na. Hindi na ako naniwalang may Diyos dahil kung meron man bakit ko kailangang maranasan lahat ng 'to?

"Bakit sa dinami daming tao dito sa mundo ako pa. Anak Mo din naman ako diba?! Bakit ang unfair mo! Naging mabuti naman akong tao. Naniwala ako sayo, naniwala akong po-protektahan Mo ako pero anong ginawa Mo? Anong ginawa mo!?" lumakas ang mga iyak ko. 

"Bakit Mo ako pinabayaan? Bakit Mo hinayaang mangyari sa akin 'to? Palagi nalang akong nasasaktan! Hanggang kailan mo ako parurusahan sa mga kasalang hindi ko ginawa!? Wala na ba talagang natirang awa dyan sa puso Mo para sa akin?! Bakit hindi mo na lang ako patayin? Please parang awa Mo na, kunin Mo nalang ako. Ayoko na dito! Ayoko na!"

It's been a month, but the demons are still haunting me. Malayo na ako pero bakit nakasunod parin sila sa akin? Bakit hindi sila umaalis sa utak ko?

 Lumabas ako sa bahay ng taong nagligtas sa akin at tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa umabot ako sa gitna ng kagubatan.

Malakas ang ulan, mahangin, kumukulog at kumikidlat. Pero hindi ko inalintana ang lahat ng ito. Patuloy lang ako sa pagtakbo, walang direksyong, walang patutunguhan. Hanggang sa makarating ako sa pinakatuktok ng burol. 

Madilim. Sobrang dilim. Pero mas masaklap pa ang kadiliman na aking hinaharap sa araw-araw. 

Muling bumalik ang alaala ko ng gabing yun. 

May dugo...

Nakapatay ako!

Isa na akong kriminal. Kagaya nila, isa na rin akong demonyo. Mamatay tao!

"Bakit?!" Malakas kong sigaw. Nakaluhod at nakatingin sa kawalan. Ang mga luha ko ay humahalo na sa ulan. Basang-basa na ang buong katawan ko. 

"Bakit kailangang mangyari sa akin 'to? Pagod na pagod na ako. Parang awa Mo na, nagmamamakaawa ako Sayo. Kunin mo na ako. Ayoko na dito. Hindi ito ang buhay na gusto ko. Ayoko nito! Ayoko...Parang awa Mo na, tapusin mo na lahat ng paghihirap ko." 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now