Chapter 32

10.7K 563 263
                                    

"I'm sorry, Nanay. We know that you are busy at work but we disturbed you. What we did is wrong po. Hindi na po mauulit, Nanay. Wag na po ikaw magalit sa amin ni Pollux. Sorry po."

Si Castor na umiiyak na ngayon. Nakita kong kinalabit niya ang kakambal para ito naman ang magsalita pero blangkong tingin lang ang pinukol ni Pollux sa kanya saka nagbaba ng tingin.

Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanilang dalawa. Si Castor ay tahimik na umiiyak pero si Pollux ay nakayuko lang. Mula sa school, dumiritso na kami dito sa bahay ng mga magulang ko. Si Kuya naman umuwi na rin dala ang anak niya. Gusto pa nga sanang pumunta ni Hawk dito para makipaglaro sa mga pinsan niya pero tumawag ang mommy niya, pinapauwi silang dalawa ng daddy niya. 

Akala ko hindi na ito magsasalita pero bigla itong nag-angat ng tingin sa akin. Sumalubong ang kulay asul niyang mga mata na ngayon ay may namumuo ng mga luha. 

"I'm sorry for disturbing your work Nanay but I'm not sorry for protecting Castor. It's not our fault, Nanay. We only did that because they started it. It's not only today. Kuya Hawk and I let it pass the first time but they did it again."

"Pollux--" mahinang saway ni Castor sa kanya pero kunot noo lang na tumingin si Pollux sa kanya.

"Why? It's true Castor, it's not the first time the teased us about our dad. But we just keep quiet because we don't want to stress Nanay but he pushed you today that's why I'm mad at him. He pushed you Castor, he hurt you and I can't allow that. No one will hurt my twin, I will fight." then a small sob escaped from his mouth. 

How come I didn't know about this bullying? The nanny's never told me about this. Kung hindi pa nakipagsuntukan ang mga bata ngayon hindi ko pa malalaman. 

My twins started crying kaya hindi ko na rin napigilan ang sariling mapaluha. Marahan ko silang hinila palapit sa akin at niyakap. I prepared myself for this but I never expected that it will happen so soon. Alam ko namang dadating ang panahong to pero kahit sabihin kong hinanda ko na ang sarili mahirap pa rin pala lalo na kung may mga batang nasasaktan. 

Hindi ko naman itatago sa mga bata sakaling magtanong sila sa akin tungkol sa ama nila. I am so blessed to have them as my sons despite what happened to me in the past. Maraming masasakit na bagay na nangyari sa akin pero marami din namang bagay na dapat ipagpasalamat. At isa na itong mga anak ko. 

Hindi man maganda ang nangyari sa amin ng tatay nila. Pinagpasalamat ko pa rin na binigyan niya ako ng dalawang anghel. Dahil sa mga anak ko naging madali sa aking umahon sa lahat ng sakit. 

"I'm sorry Nanay, please don't cry." It was Castor. Naramdaman ko pa ang marahan niyang paghaplos at maliit na tapik sa likod ko. Between the two of them Castor is more showy and Pollux is strict and serious type. 

Dahan-daha kong nilayo ang katawan ko sa kanilang dalawa. Pinunasan ko ang mga luha sa kanilang mga mata. Inayos ko ang mga buhok nilang nakatabon sa kanilang mukha. Nakuha ni Castor ang buhok niya sa akin, kulay brown na medyo maalon habang si Pollux naman ay kulay itim na tuwid na namana niya sa tatay niya. 

"Both of you are strong and brave kids, you know that right? I know what you did is to protect yourselves and I understand that. But you are more than that babies, both of you are bigger person. You don't have to hurt others to prove your point. Violence is not always the answer. Do you understand me?" 

Castor nodded "Opo, Nanay."

"Don't let anger rule inside your heart kids. You know it won't bring you any good right? Walang papasok na blessing sa heart kapag puno na ng galit ang puso. Naiintindihan niya ba si Nanay?" Si Castor lang ulit ang tumango. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon