Chapter 30

12.5K 611 478
                                    

There's no such thing as goodness in other people. That's what I learned, so I stop trusting anyone and I should hold on to that. Maayos na ako. Inayos ko na ang aking sarili. Unti-unti ko ng nakalimutan ang mga nangyari sa akin. I've learned my lesson. Naging mailap na ako sa mga tao. I trust no one except my family.

Days, months, years passed by so quickly. Parang ang bilis lang ng panahon, hindi ko man lang namalayan na maraming taon na pala ang lumipas. Sa loob ng mga panahong  kasama ko ang pamilya ko doon ko naramdaman ulit ang tunay na pagmamahal ng isang kapamilya na minsan ko lang naramdaman nung buhay pa ang Lolo Ignacio ko. 

Ang lolo ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ako pero walang awang kinuha sa akin ng mga taong kasabwat ng demonyong nakalakahan ko. Nabigyan man ng hustisya ni Kuya Grady ang pagkamatay ni Lolo masakit pa rin para sa akin ang nangyari sa kanya. Ang hirap pa ring tanggapin na sa ganung paraan siya kinuha sa akin. 

Minsan umiiyak pa rin ako kapag naalala ko ang masasayang araw namin ni Lolo. Yung mga panahong kahit simple lang ang pagkaing pinagsasaluhan namin masaya na kaming dalawa. Nami-miss kong yung mga panahong nagku-kwentuhan kami sa gabi habang nakatingin sa mga bituin.

Nakakalungkot isipin na hindi niya na naabutan kung paano ko naabot ang mga pangarap namin. At sa tuwing nalulungkot ako tumitingin ako sa mga bituin dahil yun ang palaging sinasabi ni Lolo sa akin. Iniisip ko nalang na isa na si Lolo sa mga bituing nasa langit at nagbibigay liwanag sa gabi.  

"Lolo Ignacio, doktor na po ang apo niyo. Tinupad ko po yung pangako ko sayong magiging doktor ako, Lo. Sana masaya ka po kung nasaan ka man ngayon." mahina kong sabi habang nakatingin sa larawan ni Lolo na nasa cellphone ko. 

I finish my nursing course and recently my med school. I spent my years studying. Wala akong sinayang na panahon. Hindi ko hinayaan ang sariling malugmok. Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa tulong ng aking pamilya kahit na nahihirapan ako nung mga panahong yun. I need to divert my attention. That is my way of coping after all the heartaches I've been through in the past and I'm proud to say that I succeeded.

My family never left me. I was taken cared of. I felt loved by them. Araw-araw nilang pinapadama sa akin ang pagmamahal nila. They showered me with love and care. Binalot nila ang puso ko ng pagmamahal at pag-aaruga kaya unti-unti kong nabubuo ang puso kong durog.

Noong mga unang buwan nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi na sinasakal ko ang sarili ko o di kaya inaatake ako pero hindi nila ako sinukuan. Salitan si Kuya Grady at Ate Betty sa pagbabantay sa akin sa gabi. Minsan doon ako natutulog sa silid ni Mommy at Daddy. Hindi man nila sabihin sa akin dama kong nahihirapan din sila kaya nagsumikap akong ayusin ang sarili ko. 

We seek professional help to restore my mental health. Regular akong bumisita sa aking pschiatrist para matulungan ako. Unti-unti kong binuksan ang sarili ko hanggang sa nakayanan kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa akin. 

Ang hirap balikan ng lahat ng mga nangyari sa akin. Sobrang dinudurog ang puso ko sa tuwing binabalikan ko ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko pero kailangan, parte yun para tuluyan kong makalimutan at matanggap na bahagi ito ng buhay ko. Na lahat ng paghihirap na yun ay humubog sa akin kung ano man ako ngayon.

Sa kanilang lahat si Kuya Grady ang pinaka naapektuhan. Minsan nahuhuli ko siyang iniiyakan ako sa gabi. Ilang beses ko mang sabihin sa kaniya na wala siyang kasalanan alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit ako nalayo sa kanila. Pero wala siyang kasalanan at kung may dapat mang sisishin sa mga nangyaring yun ay yong mga masasamang tao na pinagkatiwalaan nina Mommy at Daddy.

My Dad is Greg Dela Madrid, a business tycoon. He is known in oil industry. My mom is Dra. Abigail Dela Madrid,  an ophthalmologist. One of the few ophthalmologist in the country. Our family owned the biggest Eye Care Medical hospital in the Philippines and we have hospitals too. Ate Bethany is helping mom in our business and Kuya Falcon is the one helping Dad. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now