Chapter 16

9.7K 487 136
                                    

"Camilla!" 

Dinig kong tawag ni Amor sa akin pero hindi na ako lumingon. Narinig ko rin ang pagtawag ni Lolo pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Gusto kong makalabas ng mansion nila, gusto kong lumayo, gusto kong mapag-isa pero pagdating ko sa gate hinarang ako ng mga gwardiya.

"Ikaw ba si Camilla?" tanong ng gwardya sa akin, Tumango lang ako sa kanya. Halos hindi ko na siya makita sa dami ng luhang bumalot sa aking mga mata. "Pasensya na  pero hindi ka pwedeng lumabas. Maghintay ka muna dito at may maghahatid sayo pauwi sa inyo."

"Apo po ako ni Lolo Ignacio, malapit lang ang bahay namin dito lalakarin ko nalang po." pagmamakaawa ko, putol-putol na rin ang boses ko dahil sa pag-iyak pero lalo lang nila sinara ang gate. 

"Pasensya  ka na Camilla, pero may tumawag na hindi ka muna papalabasin." 

"Bakit hindi ako papalabasin, Kuya?" Wala naman akong kasalanan, gusto ko lang namang makalayo pero bakit hindi nila ako pinapalabas? 

Hanggang sa hindi ko namalayang napalakas na pala ang iyak ko at tuluyan na akong humagulhol. Nanghihina akong umupo sa harapan ng mga gwardiya. 

"Ayawg hilak Day, wa baya namo ka unsaa. Mawad-an niya mig trabaho ani." (Wag kang umiyak Day,  baka isipin nilang may ginawa kami sayo,  baka matanggal kami sa trabaho neto.)

"Parang awa niyo na Manong, palabasin niyo na ako." hindi na ako nahihiyang magmakaawa. Wala naman akong ninakaw sa kanila pero bakit kailangan akong pigilan ng mga gwardya?

"Pasensya na Camilla, napag-utusan lang kami." aniya pero sakto namang narinig ko na may motor na papalapit. Paglingon ko nakita ko si Jepoy ang nagmamay-ari nun. Bigla akong nabuhayan ng loob. Agad akong tumayo para salubungin si Jepoy. 

"Camilla tara! Ihatid na kita." tawag ni Jepoy sa akin. "Kol, ako na bahala kay Camilla. Nakiusap si Lolo Ignacio na ihahatid ko siya sa bahay nila dahil may tatapusin lang siya."

"Nitawag ang bodyguard ni Senyorito Dong, pahulaton kuno si Camilla diri kay si senyorito ang muhatud niya." (Translate: "Tumawag ang bodyguard ni senyorito, pahintayin daw si Camilla dahil si senyorito Gaston ang maghahatid sa kanya.")

"Si Lolo Ignacio ang nag-utos sa akin Kuya, masama pakiramdam ni Camilla kailangan niyang makainom agad ng maintainance niya." Seryoso si Jepoy ng sinabi niya yun. Napansin ko ang pagtinginan ng mga gwardya pero hindi ko na hinintay kung anong sasabihin nila.  Mabilis akong sumampa sa likod ng motor ni Jepoy. Mabuti nalang at binuksan nung isang guwardya ang gate. 

Narinig ko pang may sumerbatong sasakyan sa amin pero mabilis na pinatakbo ni Jepoy ang motor niya. 

"Humawak ka Camilla."  aniya ng makalabas na kami. 

"Salamat Poy. Sa bahay mo na lang ako ihatid." sabi ko. 

Humawak ako sa balikat niya dahil mabilis ang pagpapatakbo niya sa kanyang motor. Walang sinasabi si Jepoy at tahimik lang akong umiiyak. Malayo-layo na ang narating namin pero sa halip na dalhin niya ako papuntang bahay ibang direksyon ang tinahak ng motorsiklo niya. 

Bigla akong kinabahan dahil hindi ito ang daan papunta sa bahay ni Lolo. Sa kabilang bahagi ito ng hacienda, papunta sa dairy farm. Hindi ako nagagwi sa lugar na ito dahil malayo ito sa amin kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot. 

"Jepoy saan mo ako dadalhin?"nagsimula na akong kabahan pero hindi niya ako sinasagot. Lalo niya pang binilisan ang pagpatakbo niyang ng motor. 

Masyadong madilim ang paligid. Ang ilaw lang mula sa motorsiklo niya ang nagbibigay liwanag. Tumingin ako sa likuran, nagbabakasakaling may nakasunod na sasakyan sa amin pero wala. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now