Chapter 46

11.1K 529 330
                                    

"Miss wag mong hawak---"

"I'm a doctor." sabi ko sa mga taong nakapalibot doon. "Please move farther, we need air."

They are surrounded by people, Sandoval's men and Kuya Falcon's team are there alert. The police force also came. 

Mamá is lying on the ground, weak and groaning in pain. A meter away from her is Cairo Ford, blooded and unconscious. Meron din dalawang tauhan ng mga Sandoval ang duguan sa unahan, nakaupo at merong isang nakahiga. They're just few blocks away from the mansion kaya mabilis namin silang napuntahan. 

May nakita akong mga naka-uniporme na pang-nurse ang lumapit sa kanila. Ako naman ay diretsong lumapit kay Mamá.

 "Ma..." My body is trembling, my knees are wobbling as I held Mamá Beth's hands. "Ma, we're here...we're here. Hold on, Ma, hold on."

Hindi ko na napigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko. Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at nilagay doon sa tagiliran niya para pigilang ang pagdurugo. 

Kasama ko ang mga lalaking Sandoval, si Caleb, Hunter, Thunderat Kuya Gustavo. Naiwan si Gaston at si Papá sa bahay kasama si Cleo at asawa ni Kuya Gustavo pero susunod din sila mamaya sa ospital.

"The ambulance is on the way, Ma'am." Imporma sa akin nung isang tauhan na nakita kong kausap ni Cleopatra kahapon. Tumango lang ako sa kanya.

"Move away people!" parang kulog ang boses na sigaw ni Thunder. Habang hinahawi ang mga taong nakikiusyuso.

Si Caleb naman ay mabilis na lumapit kay Cairo. " Bal!Ford! Open your eyes. Please open your eyes, Ford!" I can hear the panic in his voice. 

"What the hell happened, Silas?" I heard Hunter talking to the man who approached me earlier. He is mad. Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila, dahil binaling ko ang tingin kay Mamá.

"M-ma, si Orion to, are you okay? Please hold on, help is on the way." Si Kuya Gustavo na lumuhod sa tabi ni Mamá. Nanghihinang tumango si Mamá. 

I want to cry but I have to stop myself from crying. I need to be strong. Mamá Beth needs my help. "Don't close your eyes, Ma, si Camilla to. Andito kami mga anak mo. Parating na ang ambulansya dadalhin ka namin sa ospital."

Her beautiful pair of brown eyes are filled with unshed tears. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. May dugo sa tagiliran niya, ang nanginginig niyang mga kamay ay nakahawak doon. 

 "I'm...I-I'm numb, nak. I can't feel anything..." she said weakly, almost in a whisper at may tumulong luha sa gilid ng mga mata niya. Parang may pumiga sa puso ko ng sunod-sunod ng nag-unahan ang mga luha niya. 

"Help is on the way, Ma. Wag kang bumitaw, please" Hinawakan ko ang kamay niya. 

Pagtingin ko kay Kuya Gustavo, nakita ko ang pag-igting ng mga panga at ang mariing pagkuyom ng mga kamao niya. 

"I...I-I want to make it, son. I d-don't want to leave your Papá yet but...I-I feel..I-I f-feel this is my end." umiling si Kuya. Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya at ang pagpipigil sa sariling wag maiyak. 

"Si G-Gideon...a-alagaan niyo si Gideon, i-ipangako niyo sa aking aalagaan niyo ang Papá." hindi ko na napigilan ang panlalabo ng aking mga mata dahil sa mga luha. "Magmahalan kayong magkapatid,alagaan niyo ang isa't-isa...Wag kayong mag-away-away."

"Ma, don't...please d-don't s-say that. You'll gonna make it. Stay still." nakita ko ang pagkurap ni Kuya ng ilang beses para pigilan ang mga luha niya. 

"You are strong, Ma. You will live long, okay? You'll gonna watch our children go. Aalagaan mo pa ang anak ni Gaston diba? Sabi mo, aalagaan mo pa ang anak nila ni Camilla, babawi ka pa sa kanila. Kaya lumaban ka, Ma. Lalaban ka Mamá diba? Diba?"  maliit na ngumiti ang ginang sa kanya. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now