Chapter 17

10.2K 476 478
                                    

"Are you going to marry her because something happened between the two of you, Gaston Pierre?" 

Nakagat ko ang labi ko at nahihiyang yumuko. Hindi ko inaasahan na itatanong yun ni Senyora Elizabeth. Mababa at kalmante man ang boses niya pero hindi ko maiwasang kabahan. Wala akong mababasang reaksyon sa mukha niya mula ng dumating kami ni Lolo Ignacio at Senyorito Gaston. 

Ngayon lang ako nakalapit ng ganito kalapit sa kanila. Ngayon ko lang din sila makakausap simula ng dumating ako dito sa hacienda nila. Pero alam kong mababait ang mag-asawang Sandoval, yung ang palaging bukambibig ng mga trabahante nila dito sa hacienda.

Nandito kami ngayon sa loob ng library nila dahil pinatawag kami ni Senyor Gideon at Senyora Elizabeth.  Katabi ng Ginang si Senyorito Gustavo na tahimik lang. Si Senyor Gideon naman ay nakaupo sa kabisera, seryoso man ang mukha pero tipid itong ngumiti pagkakita sa akin kanina. Ako,  si Lolo at si Senyorito Gaston ay nakaupo sa tapat nila.

Mula sa cabana kung saan nila kami ni abutan ni senyorito Gaston umuwi muna kami ni Lolo sa bahay para magbihis at mag-usap. Hindi nangyari ang gusto ni Lolo na kaming dalawa lang ang uuwi sa bahay dahil sumama sa amin si Senyorito Gaston. Nagpahatid lang ito ng mga gamit niya sa bahay at doon na rin siya nagbihis kahit na hindi siya kinakausap ni Lolo. Ilang beses ko siyang sinabihang umuwi sa mansion nila at pupunta nalang kami ni Lolo pero hindi ito pumayag.

"No Mamá. "  Mahina man ang pagkasabi niya doon pero dama ko ang kasiguraduhan sa tono ng boses niya. Naramdaman ko ang paggagap niya sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa kanya, malabing itong ngumiti sa akin at marahang pinisil ang kamay ko. "Kahit walang nangyari sa amin ni Camilla siya pa rin ang papakasalan ko. Hinihintay ko lang na makatapos siya ng pag-aaral dahil yun ang gusto niya pero heto na nga." aniya bago nilipat ang tingin sa nanay niya.

"Then how about Annika? What's the real score between you two?" 

Pagkabanggit palang ni Senyora sa pangalan ni Annika alam ko ng mas gusto niya ito para sa akin. Pero hindi ko naman siya masisisi kung mas gusto niya ang babae. Galing ito sa mayaman at kilalang pamilya, at kung tutuusin mas bagay ito kay senyorito. 

"What about her Mamá?" Naramdaman ko ang disgusto sa boses ni Gaston kaya marahan kong pinisil ang kamay niya. 

"You know what I mean, young man." may babala sa boses ng ginang. 

"I don't know what you mean, Mamá." medyo tumaas ang boses ni Gaston dahilan para tumalim ang tingin ni senyorito Gustavo sa kanya. 

"Don't raise your voice, Gaston Pierre." he said in a cold voice but I can feel the danger in it. Nakita ko pang nakakuyom ang kamao niya dahil nasa ibabaw ito ng mesa. 

Muli  kong pinisil ang kamay ni Gaston para kumalma siya. Hindi pwedeng idaan sa init ng ulo ang usapan. Naiintindihan ko namn kung anong pinupunto ng mama niya. 

"I thought that you two are in good terms, Gaston Pierre. She said to me that you're getting along so well and that you are planning to marry her after years of waiting." direktahang sabi ng mama niya at bahagya pa itong sumulyap sa akin. 

"You were okay when you came back from states. I see you toured her around the hacienda and the two of you look sweet and perfect. What happened? Why suddenly you changed?"

Alam kong nasa isip ngayon ng ginang na ako ang dahilan kung bakit nagkalabuan ang anak niya at si Annika. Di na rin ako magtataka kung sisishin niya man ako sa nagyari sa pagitan nilang dalawa. Pero alam ng Diyos na wala akong sinirang relasyon. Hindi ako ganun klaseng babae. May respeto ako sa kapwa ko babae. 

"Annika is such a sweet girl, she's nice, smart, descent. She came from a respected family. I mean..." 

Respected family...

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now