Chapter 47

12.1K 567 464
                                    

"Dito ka lang huh? Wag mo ako iwan." Parang akong bata na ayaw bumitaw kay Camilla. Iba kasi ang nararamdaman ko. Feeling ko iiwanan niya ako at totohanin niya yung sinasabi niyang annulment. Feeling ko nga dinaig ko pa ang kambal kung makadikit ako sa nanay nila. It's been weeks that I'm like this. Nawawala lang siya sa tabi ko feeling ko iniwan niya na ako. 

Natatakot kasi ako na baka bigla nalang itong mawala. Natatakot ako na baka lalayo siya kasama ang kambal o di kaya ilalayo siya ng Kuya niya sa akin.

I have so many fears, I have so many insecurities lalo na sa kalagayan ko ngayon. I am not the same Gaston anymore. I lost my confidence when it comes to her especially that I know I did so many things that hurt her in the past. 

Natatakot ako na baka pagbalik ng paningin ko ang annulment na sinasabi niya sa akin ang siyang bubungad sa akin. She's been constantly talking about this lately. Hindi niya man diretsahan sinasabi sa akin malakas na ang kutob ko na may pinaplano na ito. Pero hindi ako nagpapatalo sa kanya. I always have my defense but deep inside it really scared me. Nagbago man siya ng pangalan siya pa rin ang Camilla na una kong nakila at yun ang ipinaglalaban ko.

"Star, answer me please." I hugged her tight but still she's not responding me. "Please promise me, Baby. I want you to be there when I open my eyes. Gusto ko ikaw at ang mga bata ang una kong makita."

Simula nung malaman ko ang tungkol sa plano niyang pagpunta sa New York hindi na ako mapakali. Lalo na't wala pa akong natanggap na confirmation mula sa masungit at bugnutin kong kaibigan na abugado. Hindi pa ako sigurado kung tatanggapin niya ba ang kaso ko pero nakausap ko na si Guerrero at ang bago kong bff sa grupo, si Dominguez. 

Sabi nilang dalawa, sila daw ang tutulong sa akin. Di ko lang alam kung anong klaseng 'sila ang bahala' dahil ewan ko minsan parang di ko kaibigan ang mga gago. 

Dagdag pa sa kinatatakutan ko ay ang kapatid niya. Si Ibon, Falcon Grady Dela Madrid, ex-military, former US navy. One of the few trusted men of Castillo and Montenegro, who happened to be Caleb's friend. 

Alam kong hanggang ngayon nagngingitngit pa ang kalooban nito sa akin. Pinagbibigyan lang ako dahil hindi pa ako nakakakita. Sa pamilya ni Camilla, siya na lang yung hindi ko mahuli-huli ang loob. Siguro kung nakakakita lang ako, hindi lang bugbog ang aabutin ko sa kanya. 

Ang lakas niya pa namang manuntok. Nung sinapak niya ako sa panga feeling ko madislocate ito kapag nasundan pa. Nabingi ako ng slight sa lakas ng kamao ni Ibon. Fuck! Baka kapag nakakakita na ako mas matindi pa ang aabutin ko doon. Di bale pogi points daw tawag dun sabi ng mga siraulo kong kaibigan.

"You're scaring me, Nanay." I whispered when I heard nothing from her. Siniksik ko ang mukha sa leeg niya. Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na hininga pagkatapos ay marahang hinaplos ang likod ko.

"I will be here with the kids. Hihintayin namin na makakakita kang muli." I'm not sure if she meant that but I smiled and caught her hands, dinala ko ito sa aking mga labi at masuyong kinintalan ng halik. Panghahawakan ko ang sinabi niyang maghihintay sila ng kambal.

"Thank you, Nanay, thank you." bulong ko saka muling siniksik ang sarili ko sa kanya. 

I want to feel her warmth dahil nagsisimula na akong kabahan. Siguro naramdaman niya ang nararamdaman ko kaya marahan niyang hinahaplos ang likod ko and it somehow calms me down. Simple touch from her but it really meant a lot to me. It gives me comfort na tanging sa kanya ko lang naramdaman, noon pa man. 

"Are you ready?" malambing niyang tanong sa akin, tumango lang bilang sagot sa kanya. I'm ready and nervous.

Today is my scheduled operation. We are just waiting for the time. I'm nervous but at the same time I'm excited. Finally after long years of living in the dark I will be able to see the light again. Plus a bonus that I know after the operation, by God's grace,  I can finally see my star again, my wife with our littler stars, Castor and Pollux. At kung papalarin, more to little stars to come pa. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now