Chapter 35

12K 662 438
                                    

Kuya fixed everything for us. Only me and the kids are going dahil nakiusap ako kay kuya na kami lang muna ng mga bata para iwas gulo. I know Kuya very well, may makita lang itong hindi kaaya-aya sa paningin niya iinit agad ang ulo nito. Baka doon pa sa Davao matuloy ang away nila ni Caleb, hindi lang si Caleb baka pati mga kapatid ni Caleb makisali din.

Higit sa lahat iniisip ko rin ang maari niyang gawin kay Gaston. Alam kong matagal ng nagtitimpi si Kuya. Siguro kung walang nangyari kay Gaston baka matagal niya na itong hin-hunting. 

Noong una ayaw ni Kuya pumayag, nagmamatigas talaga siya. Pati sina Dad, Mom at Ate Betty ay nakisali na rin sa pagkumbinse sa kanyang payagan kami dahil naghahanap na rin ang mga bata pero ayaw niya pa rin. Kung hindi pa siya kinausap ng asawa niya hindi pa ito makikinig sa amin. Mabuti nalang talaga at sumama ang asawa niya kahit malaki na ang tiyan nito ng pumunta si Hawk at Kuya sa bahay. 

Saglit niya lang kinausap si Kuya Grady, kalaunan pumayag din pero sa maraming kondisyon. He made sure that everything will go according to his terms. He is really very strict pagdating sa akin at sa mga bata.  I heard him talked to Caleb that day and they discussed how are we going to go there safely.  He had security men assigned to us. Para kaming sasabak sa gyera sa sobrang higpit ni Kuya. 

Iilan lang ang mga tauhan niyang nakikita ko pero alam kung marami siyang pinabantay sa amin. Si Kuya Rene at yung isa pang kasama niya ang makakasama namin ng mga bata pero narinig ko ang usapan nilang may mga tauhan na rin nag-aantay sa amin sa Davao at pati sa loob ng hacienda ng mga Sandoval. At walang magagawa ang mga Sandoval dahil kung hindi sila papayag, hindi kami matutuloy ng mga bata sa Davao. 

May pinadalang chopper mula sa hacienda para sumundo sa amin pero hindi kami pinasakay ni Kuya sa chopper nila. We will fly to Davao using our own bird, si Falcon, ang tawag ni Kuya sa private chopper ng pamilya. Ito ang pinagamit ni Kuya para daw masiguro niya ang kaligtasan namin. Magiging standby by din ang  chopper namin doon dahil ito din ang gagamitin namin pauwi.

Davao is just nearly 2 hours away from Manila. Pero pakiramdam ko yun ang pinaka mahabang oras sa buong buhay ko. Hindi ako mapalagay na ewan. Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman.

Ang maingay at madaldal na si Castor ay tahimik mula pa pagsakay nito sa chopper. Samantalang si Pollux ay kalmado lang. Magkahawak kamay silang dalawa mula pa kanina.

Castor is wearing a white polo shirt paired with black pants and white sneakers. He's is wearing a black Ray-ban aviator and his wavy brown hair is tied into a messy man-bun. 

Pollux on the other hand is wearing a black polo shirt tucked inside his white pants. He's wearing a pair of black sneakers. His black straight hair is neatly brushed up. He is also wearing a black aviator Ray-ban just like his twin brother. 

Both of them are so quiet but Pollux is more relaxed. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nilang dalawa. Gusto ko silang kausapin pero pati ako hindi ko rin alam paano magsisimula. Marami akong gustong itanong sa kanila pero pinili kong tumahimik na lang din. 

Gaya ng napag-usapan, si Caleb at Cleo ang susundo sa amin. Sila ang magdadala sa amin sa bahay na pinatayo ni Gaston noon. Malapit lang sa hacienda nila ang lupaing nabili ni Gaston. Sinadya niya yun noon para daw mas madaling madalaw ng mga magulang niya ang mga apo nila at para na rin hindi kami mahirapan kapag gusto namang pumunta sa hacienda.

Sana...

Biglang pumait yung panlasa ko at bago pa kung ano-anong pumasok sa utak ko agad kong winaksi ang mga alaalang yun. Hindi ito ang oras para doon. 

"Castor! Pollux! Camilla!" malayo palang sumisigaw ni si Cleo. 

Nasa patag na bahagi kami ng hacienda. Kakating lang namin. Mula sa kinatatayuan ko kita ko ang mga nakahilerang  itim na sasakyan at isang sasakyan doon ang pamilyar sa akin, ang Hummer na itim. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now