Chapter 25

10.5K 478 182
                                    

"Ouch! Ang sakit! Ang sabi mo sa akin ako lang ang mahal mo Caleb!? Pagkatapos kitang luhuran, tatalikuran mo na lang ako ng ganun-ganun na lang?"

Natigil ako sa pag-iyak ng may narinig akong boses ng dalawang lalaki di kalayuan sa pwesto ko na parang nagtatalo. Yung isa ay parang maiiyak na  habang ang isa naman ay walang pakialam. Masungit lang itong nakatingin sa katabi niya. 

They are arguing in ilonggo accent kaya umandar ang pagka-marites ko, mukhang nahawaan na ako ni Amor. Umayos ako ng upo at humarap sa kanila. Bigla akong nakadama ng awa kay Ate gay, ng nilapit nito ang mukha sa lalaking masungit pero nilamukos pa ni gago ang mukha nito at tumawa. 

"Hambal mo ako lang ang bebeghorl mo! Tapos ngayon may Jonas ka na? Yudeputa , pirte gid kasakit ya! Gintonto mo lang gid ko, Caleb haw? San-o pa ni? San-o niyo niyo pa ko ginlipat ni Jonas? Mga yudeputa kamo! Mga traydor!" 

"What the hell are you talking Cairo? Will you please move, asshole! Get a life!" then he pushed ate gay harder that he almost bump his head on the wall. 

"Pagkatapos mong pagsawaan ang kabibe ko amo na ni ang ibalos mo sa akon? Wala ka gid utang na labas Caleb! Huhuhuhu. Ang sakit sakit ng ginawa mo sa aki---"

"Shut up you fucker! Stop with your craziness or else I will punch your fucking ugly face. " at umakto itong susuntukin si Ate gay na ngayon ay nakatakip na sa mukha. Doon na ako hindi nakatatiis. Hindi ko man naiintindihan yung pinag-uusapan nila, hindi naman tamang saktan niya si Ate gay. 

Parang biglang nakita ko ang sarili ko kay bakla nung araw na sinaktan ako at wala man lang tumulong sa akin. 

"Hoy! Lalaking masungit na feeling gwapo!" sabay silang dalawang napalingon sa akin. Yung isang masungit tinaasan ako ng kilay at si ate gay naman ay nanlalaki ang mga mga mata at may patakip pa sa bibig.

Tumayo ako sa harapan nila at mabilis kong kinwelyuhan ang masungit na lalaki .Nakita kong pagkabigla niya sa ginawa ko dahil nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin. 

"Sino ka ha para saktan yang jowa mo? Ang kapal ng pagmumukha mong saktan siya pagkatapos mo siyang lokohin!" Inambahan ko siya ng suntok. 

"What the fuck?" Malutong niyang mura sa akin.

"Pakpakin mo mukha mo! Fuck you!" malakas kong sigaw sa mukha niya. 

 "Who the hell are you? Are you sure you wanna fuck me?" maangas itong tumingin sa akin.

"Bastos!"  inambahan ko siya ng suntok pero nagumisi lang ang gago sa akin. Marahan niyang tinanggal ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng polo shirt na suot niya. Pinagpag niya pa ito na akala mo talaga may dalang germs ang kamay ko. 

"What's your fucking problem, Miss whoever you are?!" he asked in his thick english accent. Nawala yung ilonggo accent nilang magkapatid kanina. 

"Wag mo akong englisin gago ka! Akala mo matatakot mo ako sa pa-englis -englis mo. Huy gago, ulol ka! Ako ang kalabanin mo! Kung ayaw mo kay sismars magsabi ka ng maayos. Hindi yung sasaktan mo pa siya. Niloko mo na nga sasaktan mo pa, tang-ina mo ah!" palaban kong sagot sa kanya. Tinapatan ko rin ang pagsusungit niya sa akin. 

"Sismars? Who the fuck is sismars?"halos mag-isang linya ng ang mga kilay nito na konti na lang ay manununtok na.  Pero hindi na ako natatakot sa mga ganito. Narealize ko, kaya siguro madaming umaabuso sa akin dahil hinahayaan ko lang. Pwes ngayon hindi na. Simula sa araw na 'to ibang Camilla na ang makikilala ninyo. 

 Tiningnan niya ang Ate gay na ngayon ay parang nag-eenjoy pang nanonood sa aming dalawa. 

"Are you referring to this idiot here?" Oh diba gago lang? Tinawag pang idiot si bakla, apaka insensitive! "Agh! Woman and their issues!"

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now