Chapter 21

9.6K 387 131
                                    

"Where are you and Camilla, Gaston? We are worried here at home. Nag-aaway na si Mamá at Papá. Ano ba kasi ang nangyari?"

Tahimik lang akong nakaupo habang nakikinig sa asawa kong kausap si Kuya Gustavo. Andito kami ngayon sa hotel na pagmamay-ari daw ng anak ni Ate Zia.Malapit lang ito sa university na pinapasukan ko. Tinawagan niya kanina si Ate Z at nakausap niya ang asawa nito na siyang nagsabing dito kami sa hotel nila.  Ang sabi ni Gaston sa akin dito muna kami pansamantala habang naghahanap pa siya ng bahay na pwede naming lipatan.

Kanina pa tumatawag si Kuya Gustavo sa kanya, ngayon niya lang sinagot. Pati ang Papá at si Senyora ay tumawag din pero hindi niya sinagot isa man sa kanila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I know my husband is hurting, nakita ko pa siyang umiyak kanina nung paalis kami sa mansyon nila. Alam kong naiipit siya sa pagitan namin ng mama niya. Hindi ko gusto ang mga nangyayari pero wala akong magagawa.

"We're safe Kuya, don't worry about us." narinig kong sagot niya sa kapatid. 

Naka-upo ito sa sahig, ang likod nakasandal sa gilid ng kama,  nakayuko at nakatabon ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Naka-loud speaker ang cellphone niyang nasa sahig kaya dinig ko ang usapan nilang magkakapatid.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit umiiyak si Mamá nung dumating kami ni Papá dito? She said something but I want to hear your side."

"We fought."

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil doon. Dama ko ang paghihirap sa boses niya. Gaston loves his mother so much and I know its hard for him what happened between them.

"I told you,  don't mind, Mamá. She's just like that but she loves you. She only cares for you."

"It's not only about me this time, Kuya. It's about my wife. Mamá is not respecting Camilla. Hindi ko naman hiniling sa kanyang gustuhin niya ang asawa ko pero sana kahit respeto man lang bilang tao. My wife is a nice person Kuya and Mamá doesn't want to see that. She's blinded. Sarado ang utak ni Mamá pagdating sa asawa ko. Lahat ng lang pagdating kay Camilla mali. She is so hard to please."

Hindi sumagot si Kuya Gustavo pero dinig ko ang malakas niyang buntong hininga. 

"How's Camilla? Is she okay? Papá is asking." tumingin sa akin si Gaston. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinapit niya ako at inalalayang umupo sa harapan niya. Nakayakap siya sa akin ngayon, ang mukha ay nasa aking balikat at ang kamay ay nakayakap sa bewang ko.

"My wife is okay. Please tell Papá thanks for asking." Naramdaman ko ang paghalik niya sa gilid ng pisngi ko. Medyo kumalma na ito ngayon. 

"Can I talk to her?" 

Ginilid ko ang mukha paharap sa kanya para makita ko ang reaksyon niya. Magkasalubong ang kilay nito na para bang ayaw akong ipakausap sa Kuya niya.

"I just want to make sure if she's fine."

"She's fine--"

"K-kuya..." sabat ko. "Si Camilla po 'to."

"Baby..." he mouthed but I glared at him.

"How are you, Camilla? Are you hurt? Did Mamá do something?" dama ko ang pag-aalala sa boses ni Kuya. Parang matutunaw ang puso ko sa tuwing ganito sila sa akin.

"Ayos lang po ako, Kuya. Hindi po ako sinaktan ni Senyora, may di pagkakaunawaan lang po.Pero ayos lang po, Kuya. Wag po kayong mag-alala sa amin ni Gaston. " naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Gaston sa akin. " Pakisabi po pala kay Papá na wag kalimutan inumin yung maintainance niya. Naka-ready na po yun Kuya nasa loob ng cabinet malapit sa may first aid kit. Naka save sa phone ni Papá ang timings ng pag-inom niya ng gamot, paki-follow up nalang po. Baka kasi hindi na naman niya mainom sa tamang oras mga gamot niya."

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now