Chapter 18

9.7K 395 182
                                    

"You may now kiss the...

Hindi paman tapos sabihin ng judge ang famous line niya. Walang pagdadalawang isip ng inangkin  ni Gaston ang labi ko sa harap ng mga pamilya namin. Hindi man lang ito nahiya. Hinawakan niya pa ang ulo ko kaya hindi ako nakaatras agad.

"...bride." Natawa na lang si Judge Gonzales ng idagdag niya yun. Mukhang sanay na rin sa ganitong mga eksena. 

"Hindi naman halatang excited ang anak mo, Eon. Sabagay ang Angelo ko ganyan din." aniya na may nakabuntot na tawa bago niya kami kinamayan. 

"Congrats to both of you. I wish you a blissful marriage life, Gaston, Camilla." nakangating bati ni Judge Gonzales sa amin. Tinanggap ko ang kamay niya  sumunod naman si Gaston. Pagkatapos ay may pinapirmahan siya sa aming mga dokomento. 

"Thank you po, Tito Ern. Please send my regards to Tristan. It's been more than two decades that I haven't seen him. Masungit pa rin po ba?" si Gaston pagkatapos niyang pumirma. 

"Oh, same as before but he's little bit dramatic lately...you know, married life." sabay silang natawa dun. Kinuha niya ang pinapirmahan kay Gaston saka pinasok sa attaché case niya. "I will register this as soon as I can. Anyway I won't take long. My wife is waiting for me in the hotel. Babalik na kami ngayong araw sa Manila." Bumaling ito sa mag-asawang Sandoval. " Eon, Beth, I have to go. Bibisita na lang kami ulit dito ni Amira kapag hindi na busy."

Hinatid ng mag-asawa Sandoval si Judge Gonzales sa labas. Si Lolo Ignacio naman ay nagpaalam na  may pupuntahan lang saglit. Si Senyorito Gustavo naman ay busy sa phone niya. Mukhang may ka-chat dahil sekretong nakangiti.

Simple lang ang kasalan. Malayo ito sa mga kasalan nakikita ko na puno ng bulaklak ang simbahan, malawak ng reception, may magandang music, magaganda ang damit ng bride at mga abay, madaming mga bisita. Pero mas mabuti na ang ganun.

Walang magarbong handaan dahil yun ang una kong sinabi kay Gaston pagkatapos naming mag-usap ng mama niya sa library. Ayokong isipin niya na ngayon pa lang nag-iinarte na ako.  Nagtanong pasi Gaston kung anong pinag-usapan namin ng mama niya pero hindi ko na dinetalye sa kanya. Sinabi ko lang na kinausap ako para ibilin siya sa akin. Nung una ayaw niya pang maniwa pero kalaunan napaniwala ko din. 

Hindi na ako nagpalit ng damit. Ang puting bestida na suot ko ng pumunta kami dito sa mansion nila ang parehong damit na ginamit ko. Si lolo Ignacio ay ganun din. Si Gaston nagpalit ng puting dress shirt at slacks dahil naka t-shirt at shorts lang ito kanina. Nagpalit din ng damit ang mga magulang niya. Si senyor Gideon at senyorito Gustavo ay parehas na naka navy blue na dress shirt. Samantalang si Senyora Elizabeth naman ay itim na dress.

Mukhang hindi masaya ang ginang dahil sa dinami dami ng kulay yun pa talaga ang napili niya. Pero di bale na, uso naman na yun ngayon. May iba ngang kasal na black and white yung motif. So it's fine. Hindi ko nalang pinansin kahit na simula kanina ay wala itong kangiti-ngiti sa akin. 

Pribado ang kasal namin, dito lang din sa library ginanap. Gusto pa sana ni Gaston na doon sa Hall nila gaganapin pero ako na mismo ang pumigil lalo na nung makita kong nakasimangot ang Mamá niya. 

Hindi rin mahaba ang seremonyas ni Judge. Mas lamang pa ngang sabihing para lang kaming nagpirmahan ng kontrata ng isang proyekto sa bilis ng mga pangyayari. Hindi naman halatang nagmamadali ang lahat. Ang buod lang ng seremonyas ay ang famous na linyang 'you may now kiss the bride' at pirmahan na agad. Ganun lang. Simple.

Si Lolo Ignacio lang ang sa side ko at ang mag-asawang Sandoval at si Senyorito Gustavo lang din ang sa side ni Gaston. Hindi ko  alam kung alam ba ng mga kasambahay nila na kasal namin ngayon ni Gaston. Pero kung sakali man, sigurado akong walang maglalakas loob na magkalat nito lalo na't  wala sa mood ang senyora.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora