Chapter 31

10.8K 601 412
                                    

Katatapos lang ng consultation ko sa  pasyente ng makatanggap ako ng tawag mula sa yaya ng mga bata. Bigla akong kinabahan dahil hindi naman basta-basta tumatawag sa akin si Rowena kapag hindi importante. Maaga pa at hindi pa uwian ng kambal. Wala ding binanggit ang dalawang bata sa akin kanina na pupuntahan nila ako kaya nakapagtataka.

"Yes Weng, ba't ka napatawag?" bungad ko sa kanya. Nakatingin pa ako sa chart ng pasyente pero nabitawan ko ito ng marinig ang pagkabasag ng boses ni Rowena mula sa kabilang linya.

"Ate kasi si Hawk..." Unang salita palang mula sa kanya lumakas na ang tibok ng puso ko lalo't  naramdaman ko ang kaba sa boses niya pagkabanggit niya ng pangalan ng aking pamangkin. Kung ano-ano agad ang pumasok sa aking isipan. Wag naman sanang may masamang nangyari kay Hawk.

"Bakit anong nangyari kay Hawk? Natawagan mo na ba si Kuya?" medyo napalakas pa ang boses ko kaya napasilip ang secretary ko sa akin. Senenyasan ko siyang ayos lang. "Wait, Rowena,  tawagan ko muna si Kuya para kontakin--" pero agad niya akong pinutol. 

"...at ang kambal din po ate." dumoble yung kabang naramdaman ko ng marinig kong humikbi si Rowena sa kabilang linya.

"Ha? Ang kambal? Anong nangyari sa mga anak ko?" lalong lumakas ang hikbi ni Rowena. Abot-abot na ang kaba sa aking dibdib." Anong nangyari sa mga bata Weng?" Agad akong tumayo para tanggalin ang doctor's coat na suot ko at nagmamadaling kunin ang bag ko. "Saan kayo ngayon Rowena at pupuntahan ko kayo. Anong nangyari sa mga bata? Ang mga guards niyo nasaan?"

"...napaaway silang tatlo Ate. Dito pa kami sa school." tuluyan na nga itong umiyak sa kabilang linya.  

Hindi agad ako nakapagsalita. Si Hawk at ang kambal napaaway? Bakit? Hindi palaaway ang mga anak ko at ang anak ni Kuya kaya paanong napaaway silang tatlo?

"Nandito kami sa principal's office ngayon, Ate. Papunta na rin yung magulang ng mga batang nakaaway nila. Kailangan daw pong pumunta kayo dito o si Sir Falcon pero natatakot po akong tawagan si Sir Falcon,  Ate Yllena.  Ang yaya naman ni Hawk nandun sa loob, pinapakalma ang alaga niya kasi nagwawala."

"Si Castor at Pollux saan?" tanong ko. 

"Nasa loob ang kambal Ate kasama si Betchay. Pinapakalma din si Pollux. Lumabas lang ako saglit kasi sabi nung guidance ipatawag ka. Pero kailangan ko ng bumalik doon ate dahil kailangan ko din tingnan si Castor."

Hindi ko na pinatagal ang tawag. Nagmamadali akong lumabas ng clinic para puntahan sina Rowena. Binilin ko sa secretary na hindi na ako babalik at umuwi na rin siya ng maaga.

Agad na lumapit  sa akin ang dalawang bodyguards na in-assign ni Kuya pagkakita nila sa aking lumabas ng clinic. Oo, dalawa silang nakaabang sa labas ng clinic ko sa loob ng hospital namin at meron pang hindi ko alam kung ilang ang nakasunod sa tuwing lumalabas na ako. Simula nung matagpuan ako ni Kuya Grady hindi na ito naging kampante.

Noong una naninibago pa ako pero kalaunan sinanay ko na rin ang aking sarili. Ang sabi ni Ate Betty ganun din naman daw sa kanya. Kahit nung wala si Kuya at nagtatrabaho ito sa iba, palagi rin daw na may nakabuntot na bodyguards sa kay Ate Beth. Pati rin sa mga magulang namin. Mas dumoble nga lang daw ito ngayon lalo na nung may mga bata na. 

May nakabantay na body guards sa labas ng classroom ng mga bata. Oa na kung oa pero walang pakialam si Kuya Falcon. Ayaw niya daw mangyari sa mga bata ang nangyari sa akin noon. Ano daw ang silbi ng pera kung hindi naman gagamitin para maprotektahan kami."

"Kuya pakihanda ang sasakyan." halos lakad takbo na ang ginawa ko. Kailangan mapuntahan agad ang mga bata.

"Aalis po kayo, Doc?" tanong ni Kuya Rene. Siya ang pinaka-unang bodyguard na nagbantay sa akin at driver na rin. Siya lang ang tanging pinagkakatiwalaan ni Kuya sa lahat.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin