Chapter 11

10.9K 424 236
                                    

Sakay ng itim na Hummer ni Senyorito Gaston pumunta kami sa bahay ng bestfriend niya. Malayo pa lang tanaw na namin ang isang magandang babae na nakaabang sa labas ng bahay nila. Katabi nito ang isang lalaking matangkad na may bibit na payong na halos yumakap na  sa kanya at sa harapan naman nila ay isang batang lalaki na sa palagay ko ay nasa sampung taong gulang. 

Malayo palang kami kumakaway na ito sa amin. Nakaplaster ang malawak na ngiti sa kanyang magandang mukha. Matangkad, maganda ang katawan, morena ang kulay ng balat. In short she is  really beautiful. Tama lahat ng sinabi ni Lolo Ignacio tungkol sa kanya. 

"That's Zia." bulong ni Senyorito sa akin. "Beside him is Dominguez, her first love and father of her son, Dalton Ambert. Siyan yung batang nasa profile pic ko noon."

"Papa G!!!!!! I missssss you." Naunang bumati ang batang lalaki. Tumakbo ito palapit sa amin at mabilis na yumakap kay senyorito."Up! Up!" aniya, nagpapabuhat. " I know how to ride a horse now, daddy taught me.  I'm sure I can beat you now." pagmamalaki nitong sabi. Kita ko pa ang paglingon niya sa ama niyang proud na nakatingin sa kanya. 

"How are you young man? Papa G miss you too, a loottttt!" they are  hugging each other tightly. Buhat ni senyorito ang bata at iniikot sa ere. Parang ilang taon silang hindi nagkita. Unang tingin palang kita mo na talaga kung gaano sila ka-close sa isat'isat. "Do you want to come with me? You can ride my favorite horse, the one I told you, Rodrigo."

His face lit up. I noticed that he resembles his father. He really look like him, namana niya lahat sa ama niya. Mula sa kulay ng mga mata, tangos ng ilong at porma ng labi. Kuhang-kuha lahat. 

Kami kaya? Kanino kaya magmamana?  Sa akin kaya o kay Gast...Oh shit! Did it really come to my mind? 

"Oh, I love that , Papa, but  put me down first please. I want to meet your friend." aniya saka ngumiti sa akin. Binaba naman siya agad ni Senyorito at pinaharap sa akin. Kagaya ng mommy niya malawak ang ngiti niya. Mukhang palakaibigan ang batang kulay tanso ang mga mata. 

"Hi Miss, you are so beautiful po. I am Dalton Ambert Hernan Dominguez.  Are you my Papa's girlfriend? Can I call you Mama?" diri-diritso niyang sabi.

Mapanabay kaming napasinghap  ng mga magulang niya. 

Wow! Wala man lang paliguy-liguy baby boy? Yun agad ang tanong?

"Dalton Ambert. Come here." saway nung babaeng maganda. She then smiled at me apologetically, bago niya tinapunan ng makahulugang tingin si senyorito Gaston.

 "Hi! I'm Zia! Pasensya ka na sa tanong ng anak ko."  hinging paumanhin niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. 

 "Ayos lang po. " sabi ko sabay abot sa kamay niyang nakalahad sa akin. " My name is Camilla."

"Oh, Camilla. You have a nice name, bagay sayo at sa ganda mo." Napansin ko ang makahulugang tingin niya kay senyorito Gaston na ayaw kong pangalanan. 

" Anyway this is is my son, Dalton Ambert and this is Ethan my---"

"Husband." dugtong nung lalaki. Sabay hila kay Zia palapit sa kanya. Malambing pa nitong hinalikan ang gilid ng ulo ng asawa ng nakatingin kay senyorito na para bang nang-iingit. Mukhang mas malala pa ito kay Senyorito Gaston kung makayakap sa asawa niya. The way she looked at Ate Z, parang ito lang ang taong nakikita niya sa paligid. He's obviously smitten by her beauty. Di rin naman nakakapagtataka dahil ang ganda din naman talaga ng asawa niya. 

"Daddy, say hi  to Camilla. " saka pa ito lumingon sa akin saka tipid na ngumiti. 

"Hi Camilla. Nice meeting you." bati niya sa akin, ngumiti ako. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now