Chapter 3

15.8K 542 223
                                    

"Lo, ang sarap naman ng apo mo..."

Natigil ako sa tangkang paglabas pagkarinig ko sa boses ng nagsasalita sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ang malokong senyorito na naman ang kausap ni lolo Ignacio ngayon. Alas sais palang ng umaga andito na naman siya? Wala bang ibang magawa ang senyoritong ito kundi ang mambwesit ng tao?

At anong sabi niya? Masarap ako? Bastos!

"...I mean ang sarap ng suman na gawa ng apo mo, Lo."

Susugurin ko sana ito, mabuti na lang at binawi niya agad. Hindi man lang nahiya, senyorito pa namang naturingan. Wala sa ayos ang bunganga.

"Masarap talaga magluto ang batang yan? Swerte ko nga at dumating si Camilla sa buhay ko, bukod sa matalino na, masipag pa. Lahat ng gawain dito sa bahay siya na ang gumagawa, mula pagluto, paglaba at paglinis."

"Oo nga Lo, mukhang mabait yong apo niyo. Masarap pa...magluto ng ulam. Ang sarap nung tilapya ni Camilla kagabi." May nakabuntot pang tawa sa sinabi niya kahit wala naman akong nakitang nakakatawa.

Tilapya ni Camilla...

Pero teka, ulam pa ba ang pinag-uusapan nila mukhang iba ang dating sa akin nung mga sinasabi niya ah? Ang sagwa naman kasing pakinggan nung tilapya ni Camilla, parang iba yung dating. 

Mukhang nahawaan na ata ang utak ko ng kalaswaan ng utak ng senyorito. Bakit ba kasi kapag nanggaling sa kanya nag-iiba ang pagkakaintindi ko dito?

 "Nga pala, Lo, bakit may suman ngayon? Anong meron?"maya-maya ay dinig  kong tanong niya.

Bakit kailangan ba may dahilan para magsuman? Hindi ba pwedeng gumawa lang ako dahil gusto kung kumain? O baka naman may iba na naman itong naiisip?

"Ah may-outing daw sila mamaya kasama ang mga kaibigan niya, yan daw ang ambag niya."

Kagabi nga dahil wala naman kaming ibang libangan ni Amor naisipan naming dalawang gumawa ng suman, may malagkit kasi akong nabili sa bayan nung nakaraang araw. Ito na rin ang plano naming dalhin mamaya doon sa talon para sa outing namin kasama ang ibang  mga scholar ng mga Sandoval. Malapit na kasi kami mag-back to school.

"Sinong mga kaibigan, Lo? Saan daw sila pupunta? Baka naman may mga lalaki doon, delikado pa naman ang panahon ngayon, Lo. Kung ako sa inyo hindi ko yan basta-basta pinapayagan."

Wow! Ang lakas ng loob makasulsol kay Lolo ah. Kala mo naman kung saan kami pupunta e doon lang naman sa may talon. Isa pa kilala ni lolo ang mga kasama ko. Apaka judgmental niya!

"Mga skolar lang yung kasama niya mamaya, anak ng  mga kapitbahay ko. Kilala ko din ang lalaking kasama nila, si Jepoy na anak ni Ruben at Long-long na anak ni Dencio,  mga trabahador ng planta. Kasama din ang kaibigan niyang palaging pumunta dito sa bahay, si Amor."

"Apat lang sila, Lo? Pares-pares?"

Wow ulit! Anong pares-pares? Kung maka-intriga ang senyoritong to apaka chismoso. Anim kaming pupunta doon, kami ni Amor at ang dalawang kapatid niyang babae, si Jepoy at si Long-long.

"Saan daw sila pupunta, Lo? Baka naman may boyfriend na ang apo mo, Lo. Hindi mo lang alam."

Napaka tsismoso! Wow na wow kung maka-intriga dinaig pa ang dakilang marites na mga kapitbahay namin. 

Ano naman ngayon kung me nobyo ako? Sino ba siya para magtanong ng ganun? Kuya ko ba siya?

"Wala pang nobyo yang apo ko." dinig ko pa ang mahinang tawa ni Lolo. "Gusto niya dawng magtapos ng pag-aaral bago siya magnobyo. Pero swerte ang lalaking mapapangasawa niyan, marunong sa buhay at madiskarte. Wag lang talaga magkamali ang sinumang lalaki na saktan ang apo ko dahil hindi ako magdadalawang isip na ibigay ang buhay ko para sa kanya."

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now