𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 1

7K 197 18
                                    

Claire Joyce Point Of View

“You look stupid Claire!” Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang napakalamig niyang boses. Omg! Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto at iniisip ko kung anong nangyari. Nakita ko siyang naka-upo sa sofa nakaharap sa laptop niya na kanina niya tinitipa. Ako naman nakatayo malapit sa may pinto na parang timang.

Nagde-daydream lang ako! Akala ko totoo. Sayang! Este — thanks god! Napakadumi na ng utak mo Claire! Ano bang ginawa ko sa past life ko at ganito ako mag-isip?

Akala ko papayagan niya kung lumabas nagkamali ako! Nakakainis na siya pinapa-asa niya lang ako! Akala ko nadala na sa lambing hindi pa pala. Hindi ko talaga siya maintindihan, bakit ganito siya sa akin? Daig niya pa na tinatago ako. Iyong tipong may nagawa akong kasalanan kaya kailangan akong manatili sa bahay.

Nagsasawa na ko rito sa bahay! Ano ba kasing meron sa labas at hindi ako pwedeng gumala? Hindi lang naman lakwatsa ang gagawin ko, e, nagtatrabaho ako! Nakasimagot na naupo ako sa kama e, ano pa nga bang magagawa ko? Ayaw ko naman na magalit siya dahil hindi ko gusto.

Pinagmamasdan ko lang ang asawa ko na kanina pa nakaharap sa laptop lagi nga kaming mag kasama ngunit iba naman ang inaatupag niya. Kung hindi naman siya nagt-trabaho may pokpok –Este babae na makikipaglandian sa kaniya.

“Clai?” Napaangat ako ng tingin ng marinig kong tinawag niya ako. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.

Kelvin called me Clai. Short for Claire.

“Hm?” Walang buhay na tugon ko sa kaniya at umiwas ng tingin. “I want to fuck you,” He directly said. Nanlaki ang mata ko at sunod-sunod akong napalunok. Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko.

“W-what?” Utal kong tanong sa kaniya. Don't tell me matutuloy ang iniisip ko kanina? Oh my god! Your so good –Wahh! Mommy.

“I said, I want to kiss you. Kiss me instead,” He said while staring at my beautiful face. Iyan ba talaga ang sinabi niya kanina? Oo, nagagawa niya akong yakapin, halikan at hipuan pero hangang doon lang ang ibinibigay ko dahil hindi pa ako handa sa bagay na iyon.

“A-ano?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Nakangisi siya. Kung ano naman ang ginaganda ng mukha niya siya namang kinasama ng balak niya.

Nagkatinginan kaming dalawa napaiwas ako ng tingin at mahigpit na napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kung bumilis ang tibok ng puso na para bang lalabas na sa dibdib ko. Inaamin kong mahal ko na siya. Sa simula pa lang ay minamahal ko na siya.

Sino ba naman kasing hindi mapapamahal sa mukha niyang iyan? Ang sarap pagmasdan, maskulado ang katawan at matangkad mala modelo ng branded na boxer kung baga. Ang sarap ipa-billboard. Aesthetic kung manamit. Matalino, workaholic, sympre pag gwapo alam mo na babaero!

“Not funny, Claire.” Malamig na sambit niya at lumabas ng silid.

Nakahingga ako ng maluwang na mawala na siya sa paningin ko ngunit may inis sa dibdib ko. Hindi dahil sa hindi niya ginawa ang sinabi niya, kundi dahil sa umasa ako na papalabasin niya ako ngayon. Pati ata rito sa kwarto ayaw niya kong palabasin? Nakakainis na nababagot na ako wala akong ginagawa. Naiinip na ako gusto ko ng bumalik sa trabaho ko.

Ngumiti ako ng may maisipan akong gawin gusto kong libangin ang sarili sa kusina kaya agad akong lumabas ng kwarto. Nang makarating ako sa sala agad rin akong napatigil sa paglalakad ng makita ko ang asawa ko na may kasamang ibang babae.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon