𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 30

1.9K 45 0
                                    

KELVIN CLYDE

NAGISING ako ng marinig ko ang mala-anghel na hagikhik ng anak ko. Pinilit kung iminulat ang mata ko kahit na kumikirot ang ulo ko dahil sa putanginang alak na nainom ko.

Ihihilamos ko na sana sa mukha ko ang kamay ko ng mapansin kung basa ito. Kaagad naman akong napatingin sa anak ko ng bigla itong umiyak. Shit, kaming dalawa na lang pala ng princessa ko ang nasa kwarto at mas na una pa siyang na gising sa akin at ang kamay ko puno na ng laway niya.

“Hey! Hey, baby…”

Ibinigay ko ulit sa kaniya ang kamay ko dahilan para matigil siya sa pag-iyak. Napangiti naman ako ng makita ko siyang ngumi-ngiti at pa minsan minsan ay humahagikhik ng tawa na para bang nag-eenjoy siyang gawing lollipop ang hinlalaki ko.

Naghugas naman ako kagabi pagkatapos, kaya malinis ito!

Hinalikan ko sa noo ang anak ko. “Good morning my princess. Kaye Chelsea Castro Miranda.” I completely said her beautiful name.

Pinupog ko siya ng halik sa mukha dahilan para mas lalo siyang humagikhik.

“I miss your cute smile baby. I miss all about you… My princess.” Binuhat ko siya at dinala sa banyo.

Nagmumog at hilamos ako habang siya panay ang tawa na makita ang reflection namin sa salamin. Hindi ko pinalampas ang moment na iyon kaya kinuha ko ang cellphone at nag picture kaming mag-ama.

Pumunta ako sa closet at nagpalit ng damit. Inilagay ko si Baby sa isa upuan habang nasa loob ng t-shirt ko. Panay ang hagikhik niya habang nagbibihis ako. Enjoy na enjoy naman siya kung paano makaka-alis sa damit ko. Bibihisan ko pa sana si Baby ngunit nakita ko na hindi na siya nakapantulog kaya bumaba na kaming dalawa.

Nagtungo ako ng kusina ng wala akong makita na tao sa sala, impossible naman na tulog pa ang mga tao dito sa Mansion e, tanghali na. Nasa labas pa lang ako ng dinning dinig na dinig ko na ang tawanan sa loob.

Pagbukas ng pinto. Hindi nga ako nagkamali kompleto sila dito ako na lang ang kulang. Napatingin silang lahat sa amin parang na ulit lang ito ng dati, kaso ang pinagkaibahan si Claire ang kasama ko para ipakilala kay Grandpa, ngayon karga ko ang anak ko.

Napatingin ako sa upuan ni Grandpa na at nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang naka-upo doon habang malapad ang ngiti niya sa akin hangang sa dahan-dahan itong na wawala.

Napatingin ako sa harap ko ng may tumalon, it’s klea.

“Good Afternoon, Baby Kaye! Buti naman na isipan na ng Daddy mo na ibaba ka na dito!” Pinangigilan niya ang pisngi ng anak ko na agad ko namang iniwas sa kaniya.

“Stop it! Nasasaktan ang anak ko!” Hinawi ko ang kamay niya. Sinimangutan ako ni Klea.

“OA mo naman kuya! Damot m—Kulang na naman ang earing mo!”

Hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan ang dalawang tenga ko bago bumaba ng tingin kay Baby na hawak ko.

“Ito na pala kay Baby, mas bagay iyan sayo baby kaysa kay Daddy mo!” Inirapan ko siya.

Dami-daming na papansin, lahat-lahat na lang. Ganu’n rin siya ng ibigay ko kay Claire ang Isang pares na suot ko.

“Tss.” Nilampasan ko siya at lumapit sa mag-ina ko na naka-upo sa harap ng mesa.

“Hi.” Hinalikan ko sa labi si Claire. Hinawakan niya pisngi ko.

“Masakit ba ang ulo mo?” Tanong niya sa akin na may pag-aalala sa mukha.

“A bit.” Kinindatan ko siya at ginulo ko naman ang buhok ni Keith na naka-upo sa kandungan ng Mommy niya.

“Hey, buddy!”

“Keith want to kiss baby Kaye!” Ngumuso siya at parang inaabot ang kapatid niya kaya ibinaba ko ng bahagya upang mahalikan niya.

“Maupo ka na, para maka-kain na tayo.” Sabi ni Mom pero nginitian ko lang siya.

“If you don’t mind I want to date my family. You all enjoy the foods, we’re go ahead.” Pa alam ko sa kanila.

“If that so, then enjoy your date.” Tugon sa akin ni Daddy ng nakangiti. “Thanks.”

Nagkatitigan kami ni Claire bago sila tumayo ni Keith sa kina-uupuan nila. Nagpa-alam na kami sa kanilang lahat bago lumabas ng silid. Hawak-hawak ni Claire ang kamay ni Keith habang nakayapos ang isang kamay sa braso ko na naglakad kami palabas ng bahay.

Nakasalubong ko ang isang lalaki na kagabi ko pa ito hindi nakita sa party. He’s part of the family, after all he’s still my brother.

“Kuya!” Tawag nito sa akin ng makalapit.

“Jake.” I tap his shoulder.

“Magkakilala kayo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Claire sa akin.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now