𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 31

252 8 0
                                    

CLAIRE JOYCE

“MOMMY, I'm finished!”

Itinaas ni Keith ang milk bottle niya na wala ng laman. Nakahiga siya sa sofa habang nanunuod ng cartoons sa TV.

“Ang galing naman ng baby ko,” Inabot ko ang milk bottle niya at inilagay ko sa center table. Naka-upo ako sa pang isahang sofa habang nasa bisig ko si baby Kaye.

“It's time to sleep, baby.”

“Later Mommy, please... Let's wait Daddy.”

“Umakyat na tayo, Kieth, baka madaling araw na siya umuwi, anak. Kaya wag mo nang hintayin.”

Nakita ko na nalukot ang mukha ng anak ko. Wala na kasing oras na inilalaan si Kelvin sa kaniya kaya alam ko na miss na miss niyang kasama ang Daddy niya.

Nandito kaming mag-iina sa sala. Pagkatapos naming kumain ng dinner, ayaw pang umakyat ni Keith sa taas dahil gusto niyang hintayin ang kaniyang Daddy.

Hindi naging maayos ang pag-uusap namin kanina. Sa tingin ko ay wala siyang balak umalis kanina pero dahil sa nagkasagutan kami, umalis siya at hindi nagsabi kung saan pupunta.

“Mommy...”

Napatingin ako kay Keith. Antok na antok na ang boses niya at pa pikit-pikit na rin ang mata niya na para bang nilalabanan niya ang antok.

10:45 PM

Mga ganitong oras ay mahimbing nang natutulog ang dalawa pero ngayon ito pa rin kami sa sala naghihintay kay Kelvin dahil kahit ilang beses ko ng niyaya si Keith na umakyat na kami at sa kwarto na lang hintayin ang Daddy ay ayaw niya. Hindi ko na lang siya pinilit dahil ayaw kong mag tantrums na naman siya.

“Ang tagal naman po ni Daddy...”

Nakasimagot na naglakad papunta sa akin si Keith at  umupo sa tabi ko at sumandal sa likod ng sofa.

“Mommy, bakit palaging wala po si Daddy?”

Hindi ko rin alam ang sagot anak. Hindi ko rin alam kung saan pumupunta ang Daddy mo at kung ano ang ginagawa niya para umuwi lang siya dito upang magpahinga.

“Mommy, I miss Daddy...”

Yumakap siya sa akin kaya niyakap ko rin siya. Ako rin naman, eh. Na sanay na lang ako na wala siya palagi sa tabi namin.

“Ganito na lang baby, bukas saan mo gustong pumunta?”

“Pwede po ba sa mall?”

“Oo naman, bukas. Sa ngayon kailangan na nating umakyat at matulog para bukas may energy ka, okay ba?”

“Yey! Thank you po Mommy ko! Gusto ko po ng new cars and many dress for baby po!” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. “Let’s go to bed Mommy! I'm sleepy na po!”

“Teka lang anak,” Pinatay ko ang TV at tinakpan ko ang baby bottle niya. Hawak-hawak ko ang kamay niya habang pa akyat kami sa kwarto.

Nagtatalon siya sa kama habang nakangiti pakiramdam ko na buhayan ang anak ko. Na wala ang antok at napalitan ng excitement.

“Behave baby.” Saway ko sa kaniya dahil na gugulat si Kaye. Tumigil naman siya at umupo sa kama, inayos ko si Kaye sa gitna ng kama kaya tinabihan niya na ang kapatid niya.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now