𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 51

226 3 0
                                    

CLAIRE JOYCE

NANGINGINIG pa rin ang buong katawan ko na tinungo ang mansion ni Kelvin. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang balitang narinig ko.

Hindi ako makapaniwala kaya gusto kong masiguro at mariniing mula sa labi ni Kelvin ang totoong nangyari sa aming Baby Kaye!

Mabilis akong lumabas ng driver seat ng maihinto ko ang sasakyan sa tapat ng kaniyang mansion. Agad naman akong pinagbuksan ng guard na naruruon kung hindi ako nagkakamali siya ang guard ng araw na dinala ako dito ni Kelvin.

“Si Kelvin?”

“Nasa loob—Ma’am hindi kayo pwedeng pumasok!”

Habol nito sa akin ng mabilis ko siyang tinalikuran ng marinig kong nandito si Kelvin hindi ko na gusto pang marinig ang iba niyang sasabihin.

Mabilis rin akong natigilan ng makatayo ako sa tapat ng pinto ng mansion ng marinig ko ang malakas na boses ni Kelvin na mukhang galit na galit kasabay ang pagkabasag ng kung anong mga gamit.

Kung galit siya ngayon pwes may dahilan rin ako para magalit sa kaniya. Agad kong binuksan ang pinto ng makita kung malapit na akong abutan ng guard na humabol sa akin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng bumungad sa akin si Kelvin na ginugulpi niya ang isang lalaki. Punong-puno na ng dugo ang mukha nito at madami ng sugat sa mukha kahit ganu'n na ang itsura nito ay nakilala ko pa rin ito.

Maraming lalaki ang nakabantay dito pero ni Isa walang naglakas ng loob na awatin si Kelvin sa ginagawa nitong pambubugbog!

Kung hindi ako nagkakamali, siya si Doctor Wenard ang doctor na tumingin kay Kaye at nagdeklara na patay na ito.

“Where’s my daughter?!”

Galit na boses ni Kelvin ang umalingawngaw sa buong sala. Sinasakal niya si Wenard gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman nitong kamay ay may hawak na baril na nakatutok sa noo nito.

Para akong naging yelo at nanginginig sa takot ng makita ko ang itsura ni Kelvin. Ilang beses ko na siyang nakitang na galit pero ito ang pinakamalala sa lahat na hindi ko gugustuhin na ganito ang itsura niya.

Nanlilisik ang mata niya sa galit at pulang-pula ang kaniyang mukha. Para siyang mabangis na tigre na isang maling galaw ko lang dito sa kinatatayuan ko ay maaring ako ang sakmalin niya.

“K-Kelvin...”  Nahihirapan ng humingga si Wenard ilang beses rin nitong tinatapik ang kamay niya na para bang sinasabi nitong hindi na siya makahinga.

“I fucking trusted you, traitor! I was really broke deep down when I heard that my daughter is gone! My wife and I got annulled! Then now, you're here saying that my daughter is alive?! Are you really saying the fucking truth or your just fooling me around?!”

Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang sinabi ni Kelvin. Mabilis akong lumapit sa kanila at niyakap ko si Kelvin. Natigilan naman siya at mabilis akong nilingon.

“T-Tama na... Please, Kelvin.” Paki-usap ko sa kaniya habang umiiyak.

Unti-unting lumambot ang itsura niya at mabilis na binitawan si Wenard. Niyakap niya ako at iginaya palayo dito. Humagulhol ako sa dibdib niya ng maramdaman kung niyakap niya ako.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now