𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 46

213 2 0
                                    

CLAIRE JOYCE

“AIRA, ikaw ng bahala sa mga bata, ah?” Bilin ko sa yaya na kinuha ko para sa mga bata.

Hindi ko pa kasi kayang kumuha ng dalawang yaya kaya isa lang muna iyong may makakasama ang mga anak ko sa tuwing may trabaho ako.

“Wag kang mag-alala, Ate! Akong bahala kay Dagat at Tolda.”

“Aira!”

Yumuko siya at napakamot sa ulo. “Sorry, Ate. Narinig ko kasing nag-aasaran ang dalawa sa pangalan nila. Ano po ba kasi ang totoo nilang pangalan?”

Napatampal ako sa noo. “Ewan ko sa iyo, Aira! Tent at Sea nga ‘di ba? Tinagalog mo na nga!”

Nagmamadaling bumaba na ako at nakita ko ang dalawa kung anak na kumakain ng almusal sa mesa.

“Mama!” Tawag sa akin ni Sea.

“Wow. Mama, ang ganda mo po!” Tent giggles.

Nakangiting umikot ako sa kanilang harapan na para bang proud na proud ako sa aking ayos. “Talaga? Maganda si Mama?”

Umirap si Sea. “Maganda ka Mama pero pangit ang damit mo!”

Anong masama sa suot ko? Isang black fitted dress ang suot ko at stiletto na may limang pulgada ang taas. Hapit na hapit nito ang maliit kung bewang at kitang-kita ang mahaba at makinis kung legs dahil sa hangang kalahati ng hita ko lang ang dress.

“Hindi naman ah?” Bumusangot si Sea. “Ayaw ko niyan! Hindi bagay!”

Bumuntong hininga ako. “Kesyo bagay o hindi kay Mama, ito ang dapat na sinusuot ko dahil sa work ko. Mama, doing everything for you and for Kuya Keith, right?”

Alam nila ang tungkol kay Keith dahil walang oras na nakalimutan ko siya maging si Kaye ay na ik-kwento ko na sa kanila.

“Pero mama, nakikita ang legs mo! Litaw rin ang boobs mo! Madaming manyak doon sa work mo!” Pamgangatwiran ni Sea.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kuhang-kuha niya ang ugali ni Kelvin pagdating sa pananamit ko.

“Mama, kailan ba namin makikita si Kuya?” Singit ni Tent.

Natigilan ako. Hindi ko alam at hindi ko pa rin alam kung na saan ang anak ko!

“Kailan natin dadalawin si Ate? Sabi ni Papa dito daw siya nakalibing...” Uminom si Sea ng juice.

Alam nilang dalawa ang tungkol kay Keith at Kaye pero kay Kelvin ay hindi... Hindi ko na siya pinakilala pa sa mga bata dahil nandiyan naman si Dexter na tumatayong ama nila.

Siguro sa part na iyon ako naging madamot, ipinagkait ko sa kanila ang malaman kung sino ang kanilang totoong ama and I'm really sorry my babies!

***

NAGMAMADALI akong pumasok sa hotel kung saan ang meeting ko sa isang producers! Napahaba ang usapan namin ng mga anak ko at dumaan ako sa simbahan kaya hindi ko namalayan ang oras kaya na late ako ng limang minuto.

Nagmamadali kung tinungo ang room number na ibinigay sa akin ng assistant ng aking manager. Mabilis kung binuksan ang pinto sa na sabing numero.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now