𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 18

3.3K 89 2
                                    

Kelvin Clyde Point Of View

“Kenneth, bigyan mo ako ng alak!” Madiin kung utos dito.

Malakas kung hinampas ang counter ng hindi siya gumalaw na lagyan ng alak ang bago ko na hawak niya lang naman ang isang bote ng blended scotch whisky.

Napakamot sa ulo si Kenneth bago kumilos na lagyan ng alak ang baso ko na para bang nagdadalawang-isip na lagyan ito. Napatingin ako sa entrance ng bar ng makita kung pumasok ang isang grupo ng kalalakihan. Nayayabangan ako sa datingan nila lalo na sa mga galaw nila na akala mo sila ang hari sa bar na ito na para bang mayroon silang hinahanap.

Napahinto ito sa paglalakad at suminyas sa mga kasamahan nito na para bang natapuan na ang hinahanap ng magtagpo ang mga mata namin. Nakipagsukatan ako ng tingin ng dito ng hindi mag-iwas ng tingin. Naglakad ito papalapit sa akin.

“Kamusta, Miranda?” Sambit nito ng makalapit sa akin. Itinukod pa nito sa counter ang isang kamay paharap sa akin.

Inisaang lagok ko ang alak na nasa baso ko. “Anong kailangan mo sa akin?” Binalingan ko ito ng Malamig na tingin. He's Glen Rivera. Member ng organization na sugapa sa kapangyarihan kaya hangang ngayon tau-tauhan pa rin dahil isang malaking palpak.

“Masyado ka ng nalilibang baka nakakalimutan mo may usapan kayo ni Padrino.” Umigting ang panga ko. Masamang tingin ang itinapon ko sa kaniya.

Nginisihan niya ako. “Naiinip na si Padrino, sabihin mo lang kung hindi mo na kayang gawin ako na ang gagawa.” He laughed.

Hindi pa kalahati sa buwan na napag-usapan namin. Hindi madali at sobrang mahirap ito para sa akin lalo na kung tungkol kay Claire ang usapan. She's my everything and I won't put her in danger.

That night, I leave her without saying anything. Iniwan ko siya hindi dahil sa ibibigay ko ang hiling niya. Umalis ako dahil umiyak na naman siya ng dahil sa akin. It's all my fault. I didn't know that my fucking jokes she’ll take it seriously. I really can't imagine that she will let me go that easily.
Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Ako lang ba o ramdam niya rin sa sarili na madaming nagbago sa kaniya? She so weird. She even lose weight.

“I meet your wife, she's so damn pretty —” Naputol ang sasabihin nito ng hablutin ko ang kwelyuhan niya. Nagpanting ang pandinig ko sa sinabi niya. Napansin kung kumilos ang mga tauhan niya awtomatikong napakilos rin sila Kenneth. Ngunit kaagad rin namang natigilan ang mga kasamahan niya ng sinyasan niya ito na umatras.

“Wag mong pinagkaka-interesan ang asawa ko kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo, Glen Rivera.”Banta ko sa kaniya. Mas lalong uminit ang ulo ko ng ngisihan niya lang ako. Putangina.

Mainit na ang ulo ko dahil sa epekto ng alak. Nakaramdam na rin ako ng hilo pero wala akong balak na umuwi dahil nasa plano ko ang magpakalunod sa alak.

“Kalma, Miranda. Hindi ako pumunta dito para makipag-basag-ulo sayo.” May dinukot ito sa bulsa ng suot niyang jacket. “Pinapabigay ni Padrino.” Iniabot niya sa akin ang isang itim na sobre na may logo ng aming samahan tanda na galing ito sa itaas.

Tiningnan ko ang iniabot niya sa akin. Pinakawalan ko ang kwelyuhan niya bago kinuha ang sobre. Sinamaan ko siya ng tingin habang inaayos ang suot niyang jacket.

“Pag-isipan mong mabuti. One wrong move for one life. You had 48 hours to work for it.” He smirked. He put his hands on his pocket before he turn around and sign to his mens.

Nang mawala sila sa paningin ko binuksan ang sobre dahil chismoso ang apat nasa likod sila nakiki-esyuso kahit na patay sindi ang ilaw nakikita ko ang letra. I read what's on the paper.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin