𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 7

4.7K 146 5
                                    

Kelvin Clyde Point Of View

Hindi. Hindi ako pumayag na si Kenneth ang nakikipaglaban para sa akin. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kakayahan niya kundi dahil ayaw kong may gagawa ng bagay na dapat ako ang gagawa. Hindi ko ugali na iasa sa iba ang naka-atas sa akin. Si Claire ang pinag-uusapan dito, dapat na hindi ako magkamali.

"Habang tumatagal tayo rito sa kakadadak! Nahihirapan ang asawa ko at hindi ko gusto ang nakikita ko! Bakit hindi pa natin simulan Winston?!" Sambit ko habang hinubad ko ang jacket ko!

"Oo nga naman kawawa naman ang asawa mo mukhang gustong-gusto mo ng makuha at maihiga sa malambot na kama habang nakapatong ka, sa kasamaang palad hindi pa pwede... At kung makukuha mo man siya sa kamay ko siguradohin kong wala ka ng buhay na lalabas dito." I smirked. Ilang araw kaming nagkalayo kaya dapat lang.

"Papatong at papatong ako sa kaniya lalo na kapag kaming dalawa lang ang nasa kama. Kung patungan lang ang pag-uusapan magaling ako diyan, mas lalo naman sa bugbogan... Gusto mong subukan?" I smirked as I saw his irritated face.

"Ang hangin mo pa rin Miranda! Tingnan natin kung may ipagmamayabang ka pa! - Draco!" May tinawag siya, "Lumabas ka na! Handa na raw si Kelvin Miranda na makita si satanas!"Dagdag niya.

May lumabas naman ang isang lalaking putangina! Maladambuhala! Galing sa isang sulok. Matangkad at bakat na bakat ang katawan nito.
Kung katawan ang pag-usapan lamang na lamang ito sa akin. Sa tangad naman ay hindi kami nagkakalayo. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang dambuhala nito dahil panigurado akong malalakas ang suntok nito sa laki ng katawan nito hindi malabong durugin ako nito.

"Ano 'to? Wala sa usapan na ang makakalaban ni Kelvin!" Protesta ni Kennedy.

"Wala rin sa usapan na hindi niyo ako sisiputin sa laban kanina! Pinag-antay niyo ako, napagod ako kahihintay kaya siya na muna ang kapalit ko! Pagpasensiyahan mo na Miranda, hindi madaling kalaban si Draco!" May pang-aasar na ngisi sa labi niya bago binalingan ang dambuhala. "Draco! Lumpuhin mo!" He smirked.

As if kinagwapo niya ang ganu'ng asal! Eh mas nagmukha nga siyang asong ulol. Pwes mang hihiram siya ng mukha sa aso pati ang dambuhala niyang tuta.

"Kung kaya ng bata mo!" Sigaw ko na may pagmamalaki.

Naghanda na ako ng makita kong handang-handa na kung sugurin ng dambuhala na mukhang gurilya.

Pinagmasdan kong mabuti ang kalaban ko bakat na bakat ang kaniyang muscles kumikinang rin siya sa sobrang itim niya magalaw rin ang paa niya mukhang magaling rin siya at may angking bilis pero isa lang ang alam matatalo ko siya kapag na kabisado ko na ang mga galawan niya.

Habang isinasaulo ko ang galaw ng dambuhala na 'to nahagip mata ko si Claire. Nakatingin siya sa akin. Punong-puno ng luha ang kaniyang mukha ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay umiling na para bang sinasabi niyang wag akong lumaban. Pinagsawalang bahala ko ang nais niyang iparating. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nagkunwari na hindi ko siya nakuha ang nais niyang iparatin.

"Masyado kang mayabang bata baka gusto munang mamatay?" Maangas na saad ni gurilya sa akin. "Kung ako sayo, susuko na ako para hindi na masaktan pa," Dagdag niya pa.

"Iyon lang, hindi ako ikaw. Kaya wag kang magmayabang dahil parang hinukay mo na ang libingan mo!" Hinubad ko ang suot kong black t-shirt at tinapon ko kung saan. Sinulyapan ko ng tingin si Claire at nakita kung naka-awang ang labi na nakatingin sa katawan ko. Sinundan ko ang kaniyang mga mata na nakatingin sa tattoo na nasa katawan ko. My body covered of different tattoo with different symbolism. This is the first time she saw what's on my body.

"Puta! Wala pang pahingga si Kelvin baka hindi niya kayanin," Rinig kung sabi ni Kyle na may pag-aalala.

"Masyado rin silang marami, lima lang tayo. Priority natin si Claire dapat na makuha natin siya bago magsimula ang laban," ani naman ni Kenji.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now