𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 57

323 6 0
                                    

CLAIRE JOYCE

PAKIRAMDAM ko na durog ang puso habang nakatingin ako sa mukha ni Kaye na unti-unting nawala ang malapad na ngiti nito sa labi. Nangigilid ang luha nitong nakatingin kay Kelvin.

Nakatayo ako gilid ng kama ni Kelvin habang nasa paanan naman ng kama niya si Baby Kaye at nasa likod nito ang mga pinsan niyang malungkot na nakatingin kay baby Kaye.

Dahan-dahang naglakad si Baby Kaye patungo sa kabilang side ni Kelvin habang malamlam itong nakatingin sa Daddy niya at yakap-yakap pa nito ang kaniyang paboritong doll.

“D-Don’t you remember me, Daddy?” Her voice was crack their eyes meet.

Napahawak ako sa aking dibdib at napapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang anak ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na sobra siyang na lulungkot na hindi siya maalala ng Daddy niya.

“How can I forget my princess?”

Umuklo si Kelvin at binuhat si Kaye. Dinal niya ito sa kandungan kandungan niya at pinaupo paharap sa kaniya.

“My Kaye Chelsea Miranda, turning 5 this October 8, Created on January 1. The best new year of my life—

“Daddy you don't have amnesia?!”

Napaawang pa ang labi ni Kaye bago ito tinakpan ng maliit niyang kamay na kumikinang ang kaniyang magandang mata.

“Nope!”

“Yehey! I love you Dada!”

Mabilis na dumamba ng yakap si Kaye sa Daddy niya na agad namang sinuklian ni Kelvin na tumatawa-tawa pa habang hinahalikan ito sa mukha.

“I miss you, my princess! I love you.”

Ako naman ay laglag ang panga sa sahig sa aking nasaksihan. Ganu'n din sila Kenneth na animo'y nagulat rin sa inakto ni Kelvin.

“Walang hiya ka!” Inis na singhal ko kay Kelvin at awtomatikong gumalaw ang kamay ko na hinampas siya ng sling bag na hawak ko.

“Papatayin mo pa ako sa pag-aalala sa iyo! Wala ka namang amnesia! Halika rito at ako ang yayakap sa iyo sa leeg! Promise yakap lang talaga—

“Claire! Claire! Claire!”

Mabilis akong nilapitan ni Kenji at Kyle. Inawat nila ako sa ginagawa kung paghampas kay Kelvin ng bag ko na tumatawa pang nakayakap kay Kaye na sinasangga ang mga palo ko na hindi matamaan ang anak namin.

“Bitawan niyo ako! Hayaan niyo akong gulpihin ang lalaking ‘yan! Letse—

“Tama na! Tama na, Claire, baka matuluyan talaga ‘yang magkaroon ng amnesia sa lakas ng mga palo mo!” Pigil sa akin ni Kenji at inagaw ang sling bag ko.

“Claire, kumalma ka! Ako ng gagawa!”

Mabilis na lumapit si Kenneth kay Kelvin at sinakal niya ito na agad namang na tabig ni Kelvin ang kamay nito mabilis naman itong na hila ni Kennedy palayo kay Kelvin.

Iyong labis-labis na pag-aalala ko at sakit na nararamdaman ko kanina mabilis na napalitan ng inis at galit kay Kelvin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kung matutuwa ba ako? O malulungkot?

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now