𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 42

222 6 0
                                    

CLAIRE JOYCE

“CLAI, pinagbalat kita ng mangga.”

Pumalakpak sa tuwa ang tenga ko ng marinig ang salitang mangga pero mabilis namang namuo ang galit sa dibdib ko mula kasi sa boses ng kinaiinisan ko.

“Ayaw ko niyan!”

Natigilan siya. Nagugulohang tumingin sa akin at sa bowl na hawak niya na may lamang mangga na hiniwa na.

“Pero sabi ni manang humihingi ka ng mangga! Ako na gumawa dahil abala siya sa kusina.” Bakit parang kasalanan ko pa?

“Ayaw ko sabi.” Mahinang sabi ko na ikinalaglag balikat niya.

Tinalikuran niya na ako dala ang mangga na hawak niya bumaba na siya.

Ano ba ‘yan! Bakit kasi papansin siya ng papansin?

Siya na kasi palagi ang nagtitimpla ng gatas ko sa gabi at nagpapainom ng bitamina! Madalas niya rin akong dalhan ng prutas sa kwarto pero hindi ko pinapansin. Napipikon na ako sa kaniya dahil lahat na lang ng dapat na ginagawa ni Manang siya na ang umaako kaya tuloy madalas hindi ko pinapansin o pagka-abalahang kainin na alam kong siya ang may gawa!

Sa tuwing itinitimpla niya ako ng gatas palagi kung sinasabing uminom na ako kaya ang bagsak kay Stephanie niya na lang ibinibigay tulad ng sabi ko. Kapag may mga prutas naman siyang binibili madalas hindi rin ako kumain. Minsan kinakain ni Kaye pero madalas si Kayleigh ang kumakain dahil ayaw ni Kaye na kumain sa tuwing kakain na si Kayleigh.

Pumunta ako sa veranda ng kwarto namin at tumingin ako sa tahimik na karagatan. I deep breath! I want to refresh! Masyadong stress na naman ang buong maghapon ko tulad ng mga nakaraang araw dahil hindi siya umaalis ng bahay!

“Clai.” Nilingon ko siya. “Can we talk?”

Lumapit siya sa akin. Ipinatong niya ang dalawang siko sa railing ng veranda habang tahimik na nakamasid sa karagatan. Nakatingin lang ako sa kaniya sa pagkakataong ito. Isinasaulo ko ang bawat parte ng mukha niya.

Kahit anong angulo ko siya tingnan, gwapong-gwapo siya sa mata ko. He's so hot in his simple shirt and jogger pants. Sumasayaw ang buhok niya dahil sa mahinang ihip ng hangin na mas lalong nakapadagdag sa karisma niya.

“We need to move in my old mansion.” Tumingin siya sa akin. “Look, kabuwanan na si Step walang pinakamalapit na hospital dito. Si Kayleigh, at her age dapat pumapasok na siya sa school pero walang swelahan dito na maari niyang pasukan.”

“Kung iniisip mo ang kalagayan nila then go what you what. Itira mo si Stephanie doon sa mansion mo pati si Kayleigh para makapag-aral na siya. Kaye and I will be fine here.”

Mabilis niyang hinawakan ang braso ko para pigilan na hindi maka-alis. Hindi naman ako aalis, eh! Tumalikod lang ako sa kaniya, OA!

“I said, we. I won't leave you two there, just think of it, nahihirapan ka sa mahabang byahe sa tuwing check up mo. Hindi mo rin nakakain ang mga pinaglilihian mo dahil wala iyon dito! I'm sure our princess loved to live in the city, she love shopping and eating outside. Mas maganda kung bumalik na tayo doon dahil iyon ang tamang gawin, babe. Just think it wise for the better.”

***

“Mommy big homie!”

Masayang nakatingin si Kaye sa mansion na nasa harapan namin. Pinagbuksan ako ni Kelvin ng passenger side at inalalayan na makababa, binuhat niya si Kaye at ibinaba sa tabi ko.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon