𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 32

228 8 0
                                    

CLAIRE JOYCE

“WE'RE STAYING.”

Natigilan siya bago humarap sa akin. Nandito kami sa veranda ng guestroom kung saan ay pinahanda ni Carry para sa amin ng mga anak ko dahil siya mismo ang gustong dito kami matulog sa kaniya.

Mabilis kung tinapos ang pagkain ko lalo pa’t nagrereklamo na si Keith na inaantok na siya. Iyon ang naging daan para makaiwas ako sa kaniya. Dumiretso ako sa kwarto kung saan nilagay ni Yaya si Kaye na mahimbing ng natutulog.  Pagkatapos kung palitan ng damit si Keith ay agad itong nahiga sa tabi ni Kaye at niyakap.

Sa kalagitnaan ng pagmamasid ko sa kanilang dalawa ng bumukas ang pinto at niyaya ako ni Kelvin na umuwi na. Hindi ako sumagot sa kaniya dahil nagising si Kaye. Dumiretso siya sa veranda kaya ng masigurado kung tulog na saka ako sumunod sa kaniya.

“Sa condo ko n—

“Hindi mo kailangang alalahanin ang mga bata. Ligtas ang mga anak mo dito at walang mangyayaring masama sa kanila. Bukas na bukas babalik rin kami sa resort. Sige na, lumabas ka na baka hinahanap ka na ng kasama mo sa ibaba.”

Tatalikuran ko na sana siya ng pigilan niya ako sa braso. Hindi ako humarap sa kaniya dahil tuluyan ng bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

“I’m not worried about my kids, I'm worried about you. About earlier, it's not what you think—

“Tama na, Kelvin. Hindi ako huminggi ng paliwanag mo. Ayaw kung makarinig ng kahit ano mula sa iyo. Sana sinabi mo na lang sa akin kung sawa ka! Kung pagod ka na! Para hindi ako nagmumukhang tanga!”

Binawi ko sa kaniya ang kamay ko at puno ng galit ang mga mata kung puno ng luhang humarap sa kaniya. Wala akong pakialam kung umiiyak na ako sa harapan niya. Gusto kung ilabas ang mabigat na nasa dibdib ko!

“Kung anuman ang nakita ko, iyon ang paniwalaan ko. Gusto ko lang malaman mo na nakarating kami dito na kami lang, kaya uuwi kami na kami lang. Hindi mo kami kailangang sunduin o piliting sumama sa iyo. Sagabal lang kami sa iyo kaya pwede ba lumabas ka na?”

Tinuro ko ang pintuan. Sinubukan niya akong hawakan pero iniwas ko sa kaniya ang kamay ko maging ang mukha ko. Hindi ko siya hinayaan na punasan ang mga luha ko dahil kaya ko iyong gawin para sa sarili ko. Binigyan niya lang ako ng isang malamlam na tingin bago naglakad palabas ng guestroom.

Nang makalabas siya sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko. Nakatayo ako habang nakahawak sa railing ng veranda. Nakatingala ako sa langit habang pinapakalma ko ang sarili ko.

“Cylde, you want drinks?!”

Napatingin ako sa ibaba kung na saan ang party. Nakita kung sinalubong ni Stephanie si Kelvin at inabutan ng isang baso ng alak. Nakangiting tinanggap niya ito at ininom.

Ganiyan siya kasaya pa si Stephanie ang kasama. Kapag nasa amin siya palaging mainit ang ulo niya to the point na ayaw niyang makatabi sa pagtulog ang mga anak namin.

Lumingon siya sa gawi ko ngunit bago niya pa man ako makita ay pumasok na ako sa loob ng kwarto. Inayos ko ang sarili ko bago ko tinungo ang pintuan at in-lock ito. Wala na akong ganang bumaba kaya tinabihan ko na lang ang mga anak ko. Nakatulog ako sa kakaiyak kaya ng magising ako kinaumagahan  magang-maga ang mata ko.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon