𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 25

3.2K 96 3
                                    

Claire Joyce Point Of View

Naging maayos naman ang naging dinner namin. Kung sa una kay Kelvin at sa Dad niya ang tension ng dumating sila Kyle ay pakiramdam ko na sa aming apat na nila Stephanie. Hindi ko lang talaga akalain na magkikita kami at ang mas malala ang unang dinner ko kasama ang pamilya ni Kelvin ay ang pagkikita namin.

"Babe, kukuha lang ako ng snack natin sa ibaba. Anong gusto mo?" Huminto ako sa pag-aayos ng higaan. Tumingin ako sa kaniya na nasa pintuan na at abala sa pagtipa ng cellphone niya. Bakit ang hype niya ngayon?

"W-wala." Napatingin siya sa akin.

"Ang kaunti ng kinain mo. Ikukuha na lang kita ng gatas," Umiling ako. "Kakainom ko lang ng gatas."

Sino ba naman ang gaganahan na kumain kahit pa masasarap ang mga nakahanda sa hapag kung ramdam mo iyong presence ng Daddy niya na mas gusto si Stephanie para sa kaniya. Close na close si Stephanie si family ni Kelvin maging sa Lolo niya, kilalang-kilala siya ng mga ito. At ang higit sa nakakawala ng gana e, 'yong kumain nga ang asawa mo pero iisang putahe lang ang kinain niya, which is the food that Stephanie's brought.

Baka nakakalimutan niyang gatas ang pantulak ko kanina habang kumakain. Wala pa ngang ilang oras gatas ulit?

"Okay, I'll get some snack." Tumango na lang ako sa kaniya bago siya tuloyang lumabas.

Naiinis ako ng maalala ko ang mga tingin sa akin ni Stephanie may mga pagkakataon na nahuhuli ko siya na iniirapan ako. Napaka-plastic! May pa beso-beso pa siya sa akin kanina! Animal.

Napahawak ako sa leeg ko ng maramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Naghintay ako ng ilang saglit kay Kelvin paniguradong may dala siyang tubig dahil kukuha siya ng snack ngunit nakalipas na ang 10 minutes, hindi ko na matiis ang pagka-uhaw ko kaya lumabas ako ng kwarto.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 1 button. Lumabas ako ng elevator ng bumukas na ito. Naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng tubig, inisip ko na matatagpuan ko si Kelvin sa kusina na kumukuha ng snack dahil hindi ko siya nakasalubong pero isang maid ang natagpuan ko doon.

"Good evening, Ma'am. May kailangan po kayo?" Tanong nito.

Tumigil ito sa pagtimpla ng juice at bahagyang lumapit sa akin para asikasuhin ako. Ngumiti ako sa kaniya.

"Ayos lang, kukuha lang naman ako ng tubig." Tumango siya. "Sige po Ma'am, ikukuh —" Hinawakan ko siya sa braso.

"Hindi na, ako na lang kukuha. Kaya ko naman..." Nginitian ko siya bago ako naglakad papunta sa fridge at kumuha ako ng pitcher at nagsalin ng tubig sa babasaging baso na kinuha ng maid para sa akin. Uminom ako ng tubig at nagsalin muli sa baso para dalhin sa kwarto.

"Kung may kailangan po kayo Ma'am. Tawagin niyo na lang po ako." Tumango ako sa kaniya. "Salamat."

Naglakad na ako papunta sa elevator para makabalik na sa kwarto. Baka nasa kwarto na si Kelvin hindi kami nagkasalubong baka gumamit siya ng hagdan. Nakalimutan ko ring itanong sa maid kung nakita si Kelvin.

"How's the food, Clyde?"

"A real definition of delicious."

"Yiee!"

"Tamis! Langgam layuan niyo ako!"

"Steph, paano kung wala pang asawa si Kelvin may pag-asa pa ba sayo?"

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon