𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 47

210 2 0
                                    

CLAIRE JOYCE

“ANO?! Bumukaka sa lalaking hindi mo kilala? Isang lalaki na may tattoo sa braso na umaabot sa dibdib ba? Oh... God! Baka mabuntis ka!”

Infertile ako! Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon pero mali pa rin ang ginawa ko!

Pinuntahan ko si Carry sa bahay niya at sinabi ko ang lahat ng nangyari sa party maging ang ginawa kong katangahan. Nakayuko ako. Nakatitig ako sa baso ng juice na hawak ko. Mas humigpit pa ang hawak ko dito dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Ang dumi-dumi ko...” Humagulhol ako. “Ang sama-sama ko! I hate myself! I really hate myself! Ang tanga-tanga ko! Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng pokpok! I hate myself!”

Mabilis akong dinaluhan ni Carry at niyakap ng mahigpit. I cried on her shoulder. Hiwalay man ako sa asawa pero hindi ko akalain na magagawa ko iyon!

“Hindi totoo ‘yan... Wag na wag mong sasabihin ‘yan.”

Hindi ko matanggap!

Ano ang mukhang ihaharap ko sa mga anak ko? Si Keith, ano na lang ang sasabihin niya sa akin? Mas lalong magagalit sa akin si Kelvin dahil iniisip niya na inabandona ko si Keith at sa ginawa kong iyon mas lalo ko lang siyang binigyan ng dahilan para hindi niya na sa akin ipakita ang anak ko.

Aaminin ko na umaasa ako na magkabalikan kami pero wala na ang katiting na pag-asa! Paniguradong pandidirian niya ako kapag nakarating iyon sa kaniya.

Dinala ako ni Carry sa isa sa mga silid niya dito sa bahay nila upang makapagpahinga ako. Pilitin ko mang matulog ay hindi ko magawa. Maraming tumatakbo sa isipan ko.

Nandito na ako pero hindi ko pa rin makita ang anak kong si Keith. Hangang ngayon ba naman magdudusa ako? How can I get the happiness I really deserve?

Nagpalit ako ng damit na dinala sa akin dito ni Carry kanina. Sports bra iyon at isang square pants kaya hindi na ako nag-inarte dahil iyon rin lang naman ang available niya dito dahil puro maternity dress ang meron siya!

“Manang na saan po si Carry?” Tanong ko sa Mayordoma ng makasalubong ko ito ng pababa ako ng hagdan.

“Nasa may swimming pool area sila, Ma'am.” Tumango ako sa kaniya at naglakad ako papunta sa sinabi niyang lugar. Nasa bungad pa lang ako rinig na rinig ko ang tawanan ng mga kalalakihan.

Nandidito na ang bisita na sinasabi ni Carry? Wala na sana akong balak na tumuloy dito pero gusto ko ng umuwi kaya magpapa-alam lang ako sa kaniya.

Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko sila na naka-upo sa sofa na naririto. Kung hindi ako nagkakamali ang lalaking nakikita ko ay si Kenneth!

“Patingin... ng mukha ng naka-score!” It was him.

“Yohooo!” Katsiyaw naman ni Kennedy at Kyle.

Sunod-sunod akong napalunok ng makita na lahat ng Miranda ang naririto. From, Kenneth, Kennedy, Kenji, Kyle and of course Kelvin.

“Sis! Nandiyan ka pala!”

Natigilan silang lahat at tumingin sa direction ko maliban maliban kay Kelvin na nanatiling nakatungo. Nakita ko namang na gulat ang tatlo ng makita ako. Ngumiti ako sa kanilang lahat.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now