𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 23

3.3K 111 3
                                    

Claire Joyce Point of View

Kinabukasan.

Nayayamot pa ako kay Kelvin. Napipikon talaga ako sa kaniya kapag nagtatama ang mata naming dalaga lalo na kapag nakikita ko ang ngisi sa labi niya nakakapikon!

Naka-score lang naman siya kagabi!

Kaagad akong bumaba sa sasakyan niya hindi ko na hinintay na pagbuksan niya dumitso kaagad ako sa entrance ng hospital. Maingat akong naglakad sa pasilyo papunta sa opisina ng ob-gyne doctor ko.

"Babe." Hinawakan niya braso ko at hinarap sa kaniya. "Ang bilis mo namang maglakad parang hindi ka naman buntis niyan," Kumamot siya sa batok niya.

"Lumayo ka sa akin dahil kapag hindi ako nakapagtimpi sayo, hahambalusin kita!" Irita'ng sambit ko.

It's Friday. Dapat nasa opisina siya pero dahil check-up ko today ginawa niya kahapon ang dapat na gagawin niya ngayon para masamahan ako. He always wanted to accompany me.

"Galit ka pa rin? Pwede naman kasi nating gawin iyun bakit ba kasi ayaw mo? Anong ikinagagalit mo? Nabitin ka ba?" Inambangan ko siya ng sampal pero nakahilag siya.

Aba, nagmukha pa akong uhaw sa sex sa tanong niyang iyan, e, siya nga itong ayaw pa'ng tumigil kahit sumisilip na ang haring araw.

"Kapag hindi maganda ang kalagayan ni Baby, mapapatay kita!" Akmang hahampasin ko siya ng bag ko ng bumukas ang pinto sa harapan namin. Bumungad sa akin si Doc. Perez. She's my ob-gyne doctor friend siya ni Daddy kaya wala akong dapat na ikabahala. Nasa middle 40's na siya.

"Good morning, Doc." Bati ko sa kaniya ng nakangiti. Nginitian din ako nito, "Good morning, ikaw pala, tuloy kayo." Sambit nito at lumipat ang tingin kay Kelvin.

"Hi, Mister Miranda. It's nice to see you, again." Iniabot nito kay Kelvin ang kamay. Napatingin naman ako kay Kelvin ng nag-iba ang mood niya.

Bakit parang iba iyung datingan sa akin ng approach ni Doc kay Kelvin? Seems like they already meet before or ako lang itong nag-iisip ng kung ano.

Nakipagkamay si Kelvin sa kaniya. "Hi, Doc." Tipid na bati ni Kelvin at inakbayan ako. Pumasok sa loob si Doc na at may ka-usap siya sa loob.

Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Kelvin sa may tenga ko. "Don't worry, will ask your doctor in that matter." Hinalikan niya ako sa gilid ng noo bago tumuloy papasok sa loob ng opisina ni Doc.

"Your baby is normal, malaking tulong ang pag-inom mo ng gamot na pampalakas ng kapit ng bata, continue to drink it but still you need to be careful avoid stress and heavy chores." Nakangiting sambit ni Doc pagkatapos niya ako'ng tingnan.

"Doc, can I ask?" Napatingin kami pareho ni Doc kay Kelvin na kanina pa tahimik sa tabihan ko. Nakita kung sunod-sunod na napalunok si Kelvin at bahagya pa siyang namula, may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.

The doctor chuckled. "I know what's in your mind, Mister Miranda and my answer is yes. As long as comfortable si Missis, maybe some position that your baby will not be jolt. It's delicate so you need to be double careful."

Sa pagkakataong ito ako naman ang namula hindi dahil sa inis kundi sa hiya. Buwisit talagang Kelvin ito! Masyadong nagpapahalata na mahiling!

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now