𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 22

3.1K 107 0
                                    

Claire Joyce Point of View

Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko ng makaramdam ako ng gutom. I want to eat chocolate stick-O habang isinasawsaw sa ketchup. Tinatamad akong kumilos pero hindi ko na talaga matagalan ang gutom na para bang ikamamatay ko ang hindi pagkain ng crave ko. Hindi ako mapakali sa pagkakahiga ko. Dahan-dahan akong naupo ako sa kama at isinandal ko sa headboard ang likod ko ng maalala ko na may natutulog sa tabi ko. Binuksan ko ang lampshade malapit sa akin. It's one AM in the morning.

Napatingin ako sa lalaking natutulog sa tabihan ko. Nakadapa ito sa kama habang nakayakap sa unan paharap sa akin. Wala itong saplot pang-itaas kaya malaya akong pagmasdan ang gwapo niyang mukha maging ang maganda niyang katawan na nakasilip sa kumot.

Gusto kung kumain kaso mahimbing na natutulog si Kelvin. Late na siya umuwi galing sa company dahil nag-over time siya para bukas magkasama kama sa check-up ko. Nahihiya na ako sa kaniya lalo pa't double-double ang pag-aalaga na ginagawa niya sa akin ng malaman niyang buntis ako at kailangan ko ng double ingat dahil mahina ang kapit ni baby.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Napapangiti ako sa tuwing na alala ko ang reaction niya ng malamang buntis ako. Iyung ngiti niya pakiramdam ko mas double pa ang saya na nararamdaman ko. Ang sarap sa pakiramdam na palaging masaya at pinapadama ang pagmamahal sa isa't-isa. Ang kulit niya nga e, ilang weeks pa lang akong buntis pero ng nagawi kami sa nursery shop ng nag-shopping kami binili niya lahat ng magustuhan niyang pambata. Hinayaan ko na lang kasi alam kung magagamit rin ng baby namin. Ayaw kung maputol ang excitement niya.

Hinawi ko ang ilang buhok niya na nakatakip sa mukha niya at hinalikan ko siya sa noo. Ang swerte ko na may asawa akong katulad niya. Nagt-trabaho sa maghapon sa opisina pag-uwi sa bahay inasikasuhin niya pa ako na dapat ako ang gagawa sa kaniya. He took good care of me. Wala na akong hihilingin pa, alam ko ngayon pa lang magiging mabuting Daddy siya.

Ayaw ko siyang gisingin, kaya ako na lang gagawa ng paraan para makain ang gusto ko. Dahan-dahan kung umalis sa ilalim ng kumot, ayaw kong magising siya kaya ingat na ingat akong hindi siya maging. Akmang baba na ako ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. Napapikit na lang ako sa iisipin na hindi ako nagtagumpay, bakit ba kasi kaunting kilos lang nagigising siya?

"Where do you think you're going?" Bagsak balikat na muli akong sumandal sa headboard ng marinig ko ang boses niya na halata ang antok.

"Hm, sa bathroom." Palusot ko.

"Really? You kissed me seems your trying to scape." I rolled my eyes. Kukunin ko lang cellphone ko sa center table, tatakas agad. Nag-angat siya ng tingin sa akin, kitang-kita ko ang pagpikit-pikit pa ng mata niya.

"Do you need something? Craving for something?"

Napatingin ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Isiniksik niya ang kaniyang sarili sa akin. Hinalikan niya ang maliit kong tummy bago ipinatong ang ulo niya dito.

"Hey, baby. Are you hungry?" Pinupog niya ng halik ang tummy ko bago siya na upo at umalis sa kama. Sinundan ko lang siya ng tingin ng pumasok siya sa walk-in closet. Paglabas niya ay nakabihis na siya ng jeans. Nagsusuot siya ng itim na T-shirt habang naglalakad palapit sa akin.

"Saan ka pupunta?" Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Bakit bihis na bihis siya saan niya naman balak pumunta ng ganitong oras?

"Bumulong si Baby, gutom na daw siya nahihiya lang magsabi si Mommy." Kinindatan niya ako. Naglakad siya papalapit sa akin at naupo sa tabi ko.

Sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita ko ng malapitan ang kaniyang mukha. Kahit na kulang siya sa tulog at mukhang antok na antok hindi pa rin na babawasan ang kaa-gwapuhan niya.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now