𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 20

3.2K 87 2
                                    

CLAIRE JOYCE

Sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Daddy kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha. Umiiyak ako hindi lang dahil sa sobrang saya na makita siya kundi dahil sa ramdam ko ang sakit ng kahapon. Wala na kami ni Kelvin.

“D-daddy.” Kumalas ako sa yakap niya.

“Bakit umiiyak ang kaligayahan ko?” Tanong nito.

Umiling ako habang nakangiti. I miss him so much! I really can’t believe that he’s here. Ang alam ko ay sa susunod na buwan pa ang uwi niya bakit nandidito siya?

“I’m so happy! Daddy, bakit nandito ka? I mean, I’m so surprise.” Masayang sabi ko ngunit may isang butil ng luha ang tumulo sa aking pisngi. Pinunasan ni Daddy ang pisngi ko bago ipinatong ang kamay sa magkabilaang balikat ko.

“Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan. Anong ginagawa mo dito sa mansion?” Napalitan ng lungkot ang malapad na ngiti na naka-ukit sa aking labi. Hindi niya pa nga pala alam na wala na kami ni Kelvin, maybe he’s not expecting to see me there.

Napayuko ako. “W-we’re done, Dad.” Pag-aamin ko kay Daddy. Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha. Bumabalik ang lahat ng sakit sa akin. Lahat-lahat.

“Hush.” Pagpapatahan sa akin ni Daddy at mahigpit akong niyakap. I cried in his shoulder. I can’t really imagine that I will cry in my Father’s arms because of heart break. I never do this in my entire life cause my childhood was a colorful and full of love. I never cry because of pain, most of all the time I’m crying because of happiness.

“I don’t want to see you crying my Joyce. I really don’t. I know Kelvin hate this way too.” Kumalas ako sa yakap ni Daddy. Tiningnan ko siya sa mukha na para bang nagtatanong sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin?

“He came to me. He tell me everything about the two of you. He ask a favor for you and that is to get back home because you want to be with me. My Joyce, he loves you.”

Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Ginawa niya iyun para lang magkita kami ni Daddy? Kaya ba hindi niya ako pinuntahanan kahapon dahil nasa States siya upang kausapin si Daddy para sa akin? To make me happy?

“N-no, Dad. Sinasabi mo lang ‘yan para magkabalikan kami para hindi masira ang reputation ng ating pamilya.”

“Hindi. Matagal niya ng pinatunayan sa akin na karapat-dapat siya para sayo, Anak. Mahal na mahal ka niya at alam ko iyun sa simula pa lang.” Hindi ko siya maintindihan.

“Dad, what do you mean?”

Tumikhim si Daddy. “Noon pa lang ay alam ko na ang tungkol sa pagiging Mafia niya kaya tutol ako sa arrange marriage na ginawa ng Mommy mo. Nag-usap kaming dalawa, lalaki sa lalaki. Inamin niya sa akin na mahal ka niya. Bilang ama, gusto kung makita kung hangang saan ang kaya niyang gawin para pagmamahal niya sayo. I give him the hardest challenges I’ve known, and it is to become an government officer. And yes, he did. He become a great soldier. I thought he won’t do it because I know it’s hard for him to do it, lalo na isa siyang Mafia. After that, sinabi ko sa sarili ko na kapag nagawa niya ang huling pagsubok na ipapagawa ko sa kaniya ay labis-labis na ito para patunayan ang pagmamahal niya para sayo…”He paused.

“He smuggle drugs into four different country while he was a government officer.” He continue.

Napa-awang ang labi ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya ang lahat ng iyun para patunayan sa Daddy ko na mahal niya ako! Paano niya nagawa ang bagay na iyun na alam niya ang tama at mali lalo pa’t isa siyang alagad ng batas.

Napakurap-kurap ako ng may mabilis na itim na Van ang huminto sa tapat namin ni Dad. Bumukas ang pinto sa backseat at lumabas ang limang lalaking nakamaskara at may mga baril. Nanginig ako sa takot.

“Sino kayo?” Tanong ni Daddy habang itinago ako sa kaniyang likuran. Mahigpit akong napakapit sa braso ni Daddy. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Anong kailangan nila sa amin?

Tinabig ng isang lalaki si Daddy dahilan para masubsob sa dalawang lalaki. Hinablot naman ng isa pang lalaki ang braso ko at hinila ako pasakay sa loob ng Van.

“A-anong kailangan niyo sa akin? Saan niyo ako dadalhin?! D-daddy help me! Daddy! Daddy! Daddy!” Nagpupumiglas ako sa dalawang lalaki at tinulak ako papasok sa loob ng Van.

Lumaban at nagpupumiglas ako sa kanila ng makita kong sinasaktan nila ang Daddy ko ngunit wala akong magawa dahil masyado silang malakas at mabilis ang kilos na pinasibad ang sasakyan ng makuha ako.

“Sino kayo? Pakawalan niyo ako!” Hinampas ko ang lalaki na malapit sa pinto ngunit kaagad naman itong nasalag ang hampas ko.

“Wag kang magulo kung ayaw mong samahan ang asawa mo patungong impyerno.” Napa-atras ako at isiniksik ko ang aking sarili sa kabilang dulo ng sasakyan dahil sa ginawang pagtutok ng baril sa akin.

“H-hawak niyo si Kelvin? Anong ginawa niyo sa kaniya? Ano?!” I cried.

“Tatahimik ka o ipuputok ko ito?”

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang palad ko. Niyakap ko ang aking sarili gamit ang isa kung braso. Hindi na ako muling kumibo pa dahil ayaw kong tutuhanin nito ang sinabi. Natatakot ako hindi lang sa kung anong pwedeng gawin nila sa akin kundi dahil sa mga maskara nila na akala mo ay nasa isang horror Van ako.

Nilukob ako ng matinding kaba at pag-aalala hindi lang para sa aking sarili kundi para kay Kelvin ng sumagi sa isip ko ang dahilan kung bakit ito nangyayari. It’s about the death threat. Bagay na hindi ko na nais na muling maranasan pagkatapos ng nangyari sa akin noon. Kusang tumulo ang mga luha ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa labas ng bintana ng maramdaman kong huminto na ang sasakyan pagkatapos ng mahabang byahe. Wala akong makita dahil sa sobrang dilim.

Bumaba na ang mga lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko upang makawala sa kanila all I know is to be careful and take care of myself because of my baby.

“Miss, wag kang umiyak. Hindi ka namin sasaktan, magtiwala ka sa akin.” Nag-angat ako ng tingin sa lalaki na nakasuot ng maskara na mala-Joker. Ang pangit! But he’s voice it is very familiar on me or I just mistaken.

“Sa tingin mo magtitiwala ako sayo pagkatapos ng ginawa niyong pagkuha sa akin?” Pinilit kung maging matapang. I heard him chuckled.

“Ayos lang ‘yan. May tiwala ka rin naman sa asawa mo kahit na nagloloko, kaya bumaba ka na diyan. Naghihintay sayo ang asawa mo sa loob.” Hindi ko makita ang mukha niya ngunit alam ko na sa likod ng maskara ay isang ngisi ang naka-ukit sa kaniyang labi. I badly want to see his face to make sure my suspicion. I need to make a move for him to remove his mask.

Ma-ingat akong bumaba sa Van. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid at natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng isang abandonadong bahay sa gitna ng kakahuyan!

Nauna ang isang lalaki at nakasunod ako dito samantalang ang apat ay nasa likuran ko na para bang nakabantay sa bawat galaw ko. Hindi nila ako hinahawakan o pinupwersa na pumasok sa loob para bang hindi talaga sila kidnaper. Talagang kahina-hinala sila dahil hindi man lang nila piniringan ang mga mata ko.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makapasok sa loob ng makita ang dalawang malaking lalaki na ginugulpi si Kelvin.

“Wag!” Pigil ko ng hahampasin ng upuan na gawa sa kahoy si Kelvin. Nakahandusay na ito sa sahig at puno ng dugo ang mukha, halatang kanina pa siya pinapahirapan.

Para bang pinupunit ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naawa at nasasaktan akong makita si Kelvin sa ganu’ng kalagayan. Hindi ko lubos maisip na makikita ko siyang ganito.

“Tama na! Please, parang awa niyo na!” Tumakbo ako palapit sa kaniya ngunit may dalawang lalaki na humawak sa magkabilaang braso ko at sabay na hinawakan ang balikat ko dahilan para mapa-upo ako sa upuan na ipanghahampas sana kay Kelvin.

“Bitawan niyo ako!” I protested.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko ng makitang hirap na hirap si Kelvin na kumilos. He’s eyes is almost half open and close. He look so weak. Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita ang munting ngiti sa labi niya na para bang sinasabi niyang okay lang siya, wag akong mag-aalala.

“Any last message for your husband, Missis Kelvin Miranda?” ani ng lalaki na kumausap sa akin ng maayos kanina.

Napa-awang ang labi ko ng makitang tinutukan niya ng baril si Kelvin sa noo habang nakahandusay ito sa sahig. Narinig ko rin ang tunog ng baril na tanda na makalabit niya lang ang gatsilyo ang babaon ang bala sa ulo ni Kelvin.

“Wag! Wag mong gagawin iyan. Please, maawa ka. Sabihin mo kung anong dapat kung gawin wag niyo lang papatayin ang asawa ko. L-luluhod ako paki-usap, wag…” Paki-usap ko sa kaniya. Nagbaba ako ng tingin kay Kelvin at nakita ko ang sunod-sunod na pag-iling niya na para bang nakiki-usap siyang wag kung gagawin.

The man laughed. “Mukhang maganda iyang naisip mo, ngunit hindi ikaw ang gusto kung gumawa niyan. I want Kelvin Miranda to kneel in front of me while his pleading which one of you can go home, alive.”

“Tayo!” Sinipa nito si Kelvin sa tiyan dahilan para mapadaing ito sa sakit. “Tumayo ka sabi!” Ulit nito at patuloy sa pananakit kay Kelvin.

“Kelvin, lumaban ka! Tumayo ka, please, promise me na pareho tayong makakalabas dito ng buhay!” I cried. Alam ko na kapag ginawa ni Kelvin ang sinabi ng lalaki ay gagawin niya iyun habang kapakanan ko ang mahalaga sa kaniya. Nagawa niya ang mga bagay na hindi ko akalain na gagawin niya para patuyan sa Daddy ko na mahal niya ako at alam ko na kaya niyang isuko ang buhay niya kapalit ng kaligtasan ko.

Gumapang si Kelvin papalapit sa akin. Nagpumiglas ako sa dalawang lalaki na nakahawak sa akin at lumuhod ako sa sahig upang yakapin si Kelvin. Niyakap ko siya ng mahigpit kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko dahil hindi ko gusto ang nakikita ko na nasasaktan siya at nagmumukhanh talunan. Hindi siya ang Kelvin na asawa ko na hindi lumalaban at hinahayaan lang ang lahat na gulpihin siya.

“B-babe.” Nag-angat ang isang kamay nito patungo sa aking pisngi at pinunasan ang luha ko.

Smile flashed on his lips. “Anuman ang mangyari sisiguradohin kong makakalabas ka dito ng buhay.” Umiling ako. Bakit ako lang? Dapat kaming dalawa!

“I’m sorry for all what I’ve done to you. Babe, if there’s have an second chance for us, I won’t waste it, I’ll kept just like a treasure, but I’m sorry…” Handa akong ibigay sa kaniya ang second chance, wag niya lang ako g iiwan!

“N-no! No, wag kang magsasalita ng ganiyan. Please, lumaban ka. Wag kang bibitaw, wag mo akong iiwan…” Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha kahit na naliligo sa sariling dugo. My tears drop. “Kelvin, alam ko na ang lahat ng ginawa mo mula sa umpisa. Walang nagbago, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo sa kabila ng lahat ng natuklasan ko. Mahal na mahal kita Kelvin at tanggap kita maging ano ka pa! Yayakapin ko ng buong-buo ang totoong ikaw dahil mahal kita…”

Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko rin ang paghawak niya sa kamay ko at mahinang pinisil ito. Sana hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa. Kung noon pa lang ay makipag-usap na ako sa kaniya ng maayos ay hindi kami aabot sa ganito.

“Tama ng drama ‘yan! Kunin ang babae!” Sigaw ng lalaki na si Joker ang maskara. Sa tingin ko siya ang leader ng grupo.

May humablot sa braso ko ngunit hindi ako bumitaw sa yakap ko kay Kelvin. Ayaw ko siyang bitawan. Ayaw Kong gawin niya ang bagay na pinapagawa nito dahil hindi ko gustong makita na ang isang Kelvin Miranda ay luluhod para lang magmaka-awa sa kanila.

“Halika na sabi!” Marahas akong hinila palayo kay Kelvin’s ngunit magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa.

“Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.” Hinalikan niya ang likod ng palad ko at dahan-dahang bumibitaw ang kamay naming dalawa sa isa’t-isa kahit na pilitin ay mabibitawan at mabibitawan dahil sa paghila sa akin ng mga lalaki at muli akong pinaupo sa kinauupuan ko kanina.

Ganu’n talaga siguro ang pagmamahalan. Kahit na anong pilit mo na wag kumalas ay bibitaw ka ng kusa para sa taong mahal mo. Ipilit ko man na magkasama kaming lumabas ng buhay sa loob ng Bahay na ito ay hindi maari. Marahil ito talaga ang nakatadhana para sa aming dalawa, ang maghiwalay habang mahal na mahal ang isa’t-isa.

Ang bigat sa dibdib. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko. Ang sakit-sakit para sa akin na makita siyang nasa ganu’ng position. Para akong pinapatay sa sakit na makita ang taong minamahal ko na nakaluhod sa harapan ko habang nakiki-usap.

“Pakawalan niyo ang asawa ko kapalit ng buhay ko.” Sambit niya habang nakatingin sa akin.

“Ano ka sinu-swerte? Kung makapagsalita ka parang hindi ka nagmamaka-awa, galingan mo naman ang acting mo, Kelvin! Gusto kong makita ang sincerity and don’t forget to say please.” He laughed.

“Wag mong gawin ito, kelvin.” Paki-usap ko sa kaniya. Nakita kung masamang tingin ang itinapon niya sa lalaking nakamaskara ng joker.

“Anong tinitingin-tingin no diyan? Gusto mong patayin ko itong asawa mo?!” Mabilis ang kilos na itinutok sa akin ang baril.

“Wag!” Pigil ni Kelvin. “Don’t! Don’t touch my wife, p-please… Let her go, I’m begging you…” Paki-usap niya na puno ng pagsusumamo. Nadurog ang puso dahil sa ginawa niyang iyun. The men in black laughed.

“Siguraduhin niyong ligtas na makaka-uwi ang asawa ko dahil kung hindi magsasama-sama tayo sa impyerno!” He threaten.

“Why not? After all we’re cou—” Tumama sa joker na maskara ang isang sapatos dahilan para mahinto ang sasabihin nito!

“Patayin mo na ako!” Mariing utos ni Kelvin.

“Wag!” Pigil ko naman sa lalaki na tinutok ang baril kay Kelvin.

“Please, don’t make it hard for me babe. Gagawin ko ang lahat para sayo at kung ito ang natatanging paraan upang malayo ka sa gulo ng buhay ko gagawin ko. Pangako, ito na ang huli at hindi na muling mauulit pa…” He look straightly into my eyes.

“Sundin mo ang sasabihin ko, magtiwala ka sa akin kahit sa huling pagkakataon. Mahal na mahal kita, Claire. If you really do love me, close your eyes…” Sunod-sunod akong umiling at pinahid ang sarili kong mga luha dahil nanlalabo na ang paningin ko sa pag-iyak.

Hindi! Ayaw kong pumikit dahil alam kung sa pagpikit ko mawawala na siya ng tuluyan. Kaya kung panaginip lang ang lahat ng ito sana naman ay magising na ako!

“Close your eyes…” Wala akong magawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Dahan-dahan kung ipinikit ang aking mga mata.

“Shoot out!” He shouted.

“Your wish is my command!” Tugon nito.

Namanhid ang buong katawan ko ng marinig ko putok ng baril na umalingawngaw sa aking tenga. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa aking pisngi at hindi ko nais buksan ang aking mga mata dahil ayaw kung makita ang bubungad sa aking harapan. Matinding sakit ang bumalot sa buong systema ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.

I screamed as I heard another shoot if gun.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now