𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 50

239 5 0
                                    

CLAIRE JOYCE

ALAM ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya pero hindi na dapat! Matagal na akong walang karapatan sa kaniya at kung may nag-uugnay man sa aming dalawa iyon ang tatlo naming anak.

Kapag gabi siyang dumadalaw sa mga bata ay hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Kung umaga naman ay hindi ako nagpapakita at hindi ako sumasama sa kanila kapag nilalabas niya ang kambal.

Kailangan ko siyang iwasan at layuan kahit mahirap ay gagawin ko dahil iyon ang tamang gawin. Masakit mang isipin na sa loob ng isang buwan ay ikakasal na siya sa ibang babae ngunit kailangan ko iyong tanggapin dahil ako mismo ang umayaw na balikan siya.

It's been a week last time he visited there. Mula ng araw na iyon hindi na siya muling pumunta sa condo ko. Walang araw rin na hindi nagtatanong sa akin ang mga bata kung bakit hindi na sila dinadalaw ng Daddy nila pero palagi ko na lang sinasabi na busy ito sa trabaho kahit alam ko naman na abala ito sa pag-aayos ng kaniyang nalalapit na kasal.

“Mommy!” Tawag sa akin ni Cseamir.

“Yes, baby?”

“Are you going out to see Daddy?”

Mabilis akong umiling. “No, baby. I'm going to work.”

“Why he's not visiting us mommy? Is he's mad because we doesn't allow him to enter your room?” Nakasimagot na tanong ni Ctentir.

“Mommy, tell Daddy that we allowed him to sleep besides you para pumunta na siya dito. Nami-miss ko na siya, eh.”

Pabagsak na umupo si Cseamir sa sofa at itinukod niya ang siko sa armrest nito habang nakapatong naman ang baba niya sa kamay niya.

“Me too!”

I bitterly smile. “I miss your Dad too...”

Pag-aamin ko sa kanila. Kahit anong iwas o pigil ko sa nararamdaman ko I still love him! Mahal na mahal ko siya at hindi ko maiwasang hindi manabik sa kaniya sa ilang araw naming hindi pagkikita.

“He’s busy right now... Dadalawin niya rin kayo, promise.”

Nagpa-alam na ako sa kambal at ibinilin ko sila kay Aira bago ako umalis. Sumakay ako sa sasakyan ko at pinasibad iyon papunta sa isang resort kung saan gaganapin ang photoshoot ko para sa calendar model this coming new year.

Maghapon akong walang kapaguran na kinukuhaan ng larawan na papalit-palit ng two piece! Kaya naman pakiramdam ko ay binugbog ang katawan ko sa kung anu-anong pinapagawa sa akin at mas lalo ng nakakapagod sa lahat ang papalapit ng damit.

Umuwi agad ako pagkatapos ng shoot ko. Dumaan ako sa isang restaurant para magtake out ng dinner pasalubong para sa kambal.

Palabas na ako ng restaurant ng nakasalubong ko si Kelvin kasama niya si Samantha. Saglit kaming nagkatitigan pero agad rin naman akong yumuko at dumiretso na.

Nagagawa niyang lumabas kasama ang babaeng iyan pero kahit 30 minutes lang hindi niya magawang bisitahin ang mga anak ko. Kung alam niya lang kung gaano na lulungkot ang mga bata sa hindi niya pagpunta. Naawa na nga ako dahil wala na silang ibang bukang-bibig kundi si Kelvin.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now